Hi guys. Gusto ko lang magshare. Ang asawa ko kasi nanakit physically, and emotionally, puro barkada pa, mabisyo pa and also nambababae pa. Full package na nga eh. Ilang years na din ako nagtitiis sympre para sa anak namin. Lalo na't babae pa man din. Live-in kami sa side ako ng lalake nakatira. Simula ng nagsama kami puro pamilya niya lang nagaalaga sakin, though inaalagaan nya naman ako pero MAS yung pamilya niya. Hanggang sa manganak nako, bihira nya lang ako tulungan sa pagaalaga sa baby namin. :( Pero tiniis ko kasi mahal na mahal ko. Broken fam kasi ako kaya sana ayoko maranasan ng anak ko yung kagaya sakin. Pinipigilan ako ng family niya, isipin ko daw anak ko. Di na kami nagkikibuan kahit magkasama kami in the same roof kasi naawa ako sa family nya nakikiusap sakin na wag ko ilayo saknila apo nila. Eh kaso kasi ako na yung dehado eh. Ask ko lang if kayo ba nasa sitwasyon ko tama bang pagtiisan ko siya alang ala sa anak namin and sa family nya na mahal na mahal kami?

69 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

nananakit pala sya mommy.wag mo na hayaang mapunta ang buhay niyo ni baby sa alanganin.d sya worth it pagtiisan.maawa ka sa anak mo.hindi porke hindi buo ang family ibig sbhn failure ka na.mas mamahalin ka ng anak mo kasi sinave mo sya sa tatay nya na ganun ang ugali.kung mahal tlga kayo ng asawa mo, magbabago sya ng kusa, babalik sya sa inyo. find courage to let go para sa anak mo.lagi ka magdasal na malampasan mo lahat ng yan.Godbless.

Magbasa pa