Happy Family ??

Gusto ko sana ng masaya at buo na pamilya para sa magiging anak ko kaso, hindi na ata yun mangyayare dahil mismong magiging ama nya walang alam gawin kundi sumbatan ako. Gusto ko lang naman ng masaya at buong pamilya, na hindi ko naranasan dahil sa hindi nakuntento si papa sa mama ko. Gusto ko lang naman na kahit hindi ko naranasan yung buong pamilya ay maranasan ko ngayong ako naman ang mag kakaroon ng pamilya. Pero siguro nga hindi ganun kadali bumuo ng pamilya. Ayoko lang maranasan ng magiging anak ko yung naranasan kong lumaki ng walang tatay. Pero sana tama yung desisyon ko na bumitaw na sa kanya. Hindi ko na din kaya yung baby ko lang nadadamay. Siguro nga wag na lang ako umasa na mag kakaroon ako ng masaya at buong pamilya.

8 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply

kung nasstress kalang sis dahil sa tatay ng baby mo tama lang na bumitaw ka kase mahirap ndin po magpakamartir ngayon.. baka sakaling balang araw marealize nya mali nya.. kaya mo yan sis pray lang palagi.. punan mo nlng nga pagkukulang at iparamdam mo ke baby lahat ng pagmamahal mo sknya. Pray lang palagi, God Bless.

Magbasa pa
5y ago

Thank you 😘💖