Sobrang hassle at Dedma nalang!

Hello guys share ko lang yung naging experience ko. Ganto kase yun. May naging bf akong pulis at eto ang nangyare. Niligawan nua ako, binigay lahat. sustento sakin sa lahat ng gusto ko na hindi ko naman hinihingi sakanya, then sobrang bait nya. Sobra sobrang tulong nabibigay nya sa pamilya ko. which is sobrang thankful ako. Sobra din nya akong mahal yung tipong hindi nya na kayang mawala ako kahit anong pag tabuyan na gawin ko sakanya. Hindi nya sinabe sakin na may pamilya pala sya. Then after kong malaman, buntis na ako. Sobra sobrang stress ang nangyare sakin at samin ng magging baby ko. inaway ako ng asawa pinahiya ako sa social media kami ng pamilya ko... Biktima lang ako! pero bat ganto pa yung nangyare sakin tapos ang gusto mangyare ng kuya nya is palaglag ko tong magging anak namin. Eh ayaw naming pumayag, at sobrang ayoko! Hindi nila alam kung anong pakiramdam sakin ng ganong bagay, halos everyday umiiyak ako, everyday kong tinatanong sa diyos na may mali ba sa ginawa mo? siguro na mali yung naging kami habang may pamilya pala sya pero isa kong biktima. kabit na nga lumabas sakin. Dumating yung point na kailangan kong itago yung sarili ko para hindi mapahamak yung dinadala ko. Sobrang blessing ng baby kong to sakin! At sa tatay ng anak ko, magiging masaya kaming dalawa ng wala ka. Maging masaya ka sa kung anong pamilya meron ka. ? Share ko lang hehe gusto ko lang ng may makausap.

12 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply

Wag mo ipalaglag baby mo. Gift yan from God. I know ur a victim pero sna kinilala mo mna un naging bf mo. Kng papansinin based sa mga kwento ng mga iba na nagng mistress mostly un mga lalaking may asawa sobra sobra manuyo gngwa lht pra makuha un girl lets say mgng victim. Ksi they all know na ndi lht ng babae ppayag mgng mistress kya sobra nlng sila manligaw. Kht ipagtabuyan pa. Pero kng un guy wlng sabit pg pinagtabuyan mo ndi na mamimilit sympre binata sya alm nya mdami pa babae sa mundo so y nya ipipilit sarili nya. I hope u learned a lot from ur mistakes and u can't blame the wife natural na mgalit sya sugurin ka at kng ano ano pa ksi nsaktan sya e. Un pagkkaron ng mistress ng isang lalaki pra sa wife pra na din sya pinatay sa sakit na nararamdamn nya. Kya if I were u biktima ka man magpakumbaba knlng hyaan mo nlng un wife and don sa bf mo na niloko kau pareho kakarmahin din un. Bsta i keep mo un baby mo no matter what nkgawa kna ng mli kya itama mna lht..

Magbasa pa

Siguro ang pagkakamali mo lang e hindi kayo nag ingat na hindi mabuntis at nag sex kayo ng hindi mo pala talaga siya lubusang kilala. Pero kung ano man ang pagkakamali na yun at least hindi mo na dinagdagan by having an abortion or ipagpatuloy ang relasyon niyo nung lalaki. Tama ka, dapat makuntento siya sa pamilya niya. Siguro try mo din send ng message yung asawa. Sabihin mo na hindi mo talaga alam na may asawa yung bf mo nung naging kayo kasi hindi mo naman naramdaman na itinatago ka niya. Sabihin mo din na ngayon na alam mo na, wala ka naman planong guluhin sila at magpatuloy relasyon niyo. Pero kailangan at least may sustento ang bata, yun ilaban mo sa lalaki.

Magbasa pa

Pwede niyo po sila idemanda or mag file ng case about abortion, at kung meron po kayong evidence at aanin si mamang pulis na di niya talaga sinabi sayo ang totoo pwede mopa sila kasuhan for posting sa fb pwede niyopo iscreenshot lahat lalo kayo po ang nasa sitwadyon pwede po kayo mag ask sa pao na pwede kayong tulungan or explain sainyo yu g sitwasyon niyo.

Magbasa pa

Lesson learned na po momy alam mu nagkamali ka ... Simulan mu sa pagmamahal at pag aalaga mu sa baby Mu ... At hayaan muna yang mamang pulis ibigay muna lang sya sa asawat anak niya ... Ituon muna lang oras mu sa magiging baby mu ...yan ang dapat mu gawin umiwas n lng wag mu isipin ssbhin ng iba ... Mamuhay ng normal at mkuntento sa buhay ...

Magbasa pa

Tama mamsh be strong! Wag na wag kang papayag s Plano ng kuya ng asawa nya. My reason c papa Jesus bt nabuhay c baby mo, thatโ€™s why you have to be happy lagi pra happy din c baby. Wag ng pansinin ang mga nega na yan! Bsta alagaan mo c baby mo. Godbless

Be strong lang po mommy para sa magiging anak mO ๐Ÿ˜Š Thanks god namn at yung nakilala kong pulis mabait nmn , ngayon may isa na kaming anak ๐Ÿ˜Š

kapag too good to be true ang pinapalabas ng guy ibig sabihin nun may kapalit.lesson mo na yon..mas lalo k p magpaka-strong and alagaan mo baby mo.

Soon to be single mom na din ako mamsh. Bsta lagi ka lng mgpray. Kaya nten to. Godbless you and ur Baby๐Ÿ’•๐Ÿ’•๐Ÿ˜Š

TapFluencer

Praying for all the single moms/parents out there. Youโ€™re brave and blessed! Kaya niyo po yan.๐Ÿ™๐Ÿป๐Ÿ™‚

Kayanin mo mumsh para sa anak mo. Wag ka susuko, gawin mong inspirasyon si baby mo.