Share my story b4 delete this app.

Gusto ko mag kwento ng karanasan ko πŸ™ Gusto ko narin burahin to dahil naaalala ko lang yung baby ko 😭 August 31 2020 Tanghali palang may blood spotting nako pero walang masakit sakin so nagbedrest ako maghapon , kinagabihan meron nanaman , nagpasya nako na magpaIE sa ospital , pagIE sakin 2cm na masyado pang maaga para manganak akoπŸ™(27weeks) pinapatransfer nako sa mas malaking ospital na may incubator, umuwi muna kami. Nagtry kami ipahilot baka sakali na tumaas pa yung baby ko(twin baby) tinry namin pigilin paglabas nila dahil masyado pa talagang maaga kung lalabas na sila , pagtapos ako hilutin gumaan pakiramdam ko feeling ko hindi pako manganganak. Sept 01 2020 Umaga na simula nahilot ako wala pa naman ulit spotting kala ko talaga umangat na sila at hindi na magtutuloy tuloy yung 2cm, maghapon lang ako nakahiga at tulog. 5pm na sumakit na balakang ko ng husto naglalabour na talaga ako πŸ˜ͺ , nagpadala na ako ng Malolos Ospital kung saan dapat ako itatransfers pero mga 20mins palang kami nakakalayo sa bahay namin ramdam na ramdam ko na nalalabas na sila sabi ko sa driver ng ambulance wag na kami tumuloy ng Malolos at ihanap nalang ako ng malapit na ospital dahil lalabas na ung baby ko so bumalik na kami pauwi samin habang naghahanap ng ospital na malapit may limang ospital kaming nakita ngunit tinanggihan kami ung iba wala daw OB yung iba walang incubator . Hindi ko na talaga mapigil dahil nasa pwerta ko na sila nagpasya na kami ng LIP ko na iuwi ako sa bahay at don na manganak, habang pauwi kami nagpaready na kami ng mahihigaan at pinatawag na yung midwife . Pag dating namin sa bahay pagkahiga ko iniri ko na agad at lumabas na yung isang baby ko , nagtataka ako bakit hindi umiyak πŸ™ makalipas ang 10mins humilab na ung isa naman lumabas hindi rin umiyak πŸ™ pero sabi ng mga pinsan ko na nakakita ang cute at malikot daw yung baby ko . Nagtataka narin ako bakit hindi pinapakita sakin 😭 . Pagtapos nila nilinisan dinala na sila sa ospital na malapit para maincubator . Sept 02 2020 Sabi ng doktor 5% lang ang chansa na mabuhay sila dahil ang liit nila sobra bukod don 6months lang daw bihira daw talaga ang nakakasurvive sa ganong age ng baby 😭. 6am hindi na kinaya ng baby number #2 ko 😭 yung isa lumalaban pero nung sinabi ng doktor na pwede na iuwi yung si baby #2 mga 5mins lang bumigay narin si baby #1 😭 . Ps: Hindi ito yung unang beses na mawalan ako ng baby 😭😭 Lagi nalang premature kung manganak ako 😭 Ang sakit sakit na πŸ’” gusto ko lang naman maging isang magulang 😭😭😭😭😭

Share my story b4 delete this app.
693 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

condolence po mamsh. sa susunod po na magbuntis k po ulit, dapat po nagpapaalaga ka po sa OB masyado po sensitive yung pagbubuntis mo para naaagapan na hindi ka po magpremature labor lalo na po pag twins pa, ako po twins din po baby ko, kakapanganak ko lang po nung july 15, so far ok naman po sila, alaga po ko sa ob. stay strong po. may plan po c Lord para sa inyong mag-asawaπŸ™πŸ»πŸ™πŸ»πŸ™πŸ»

Magbasa pa