kly profile icon
GoldGold

kly, Philippines

VIP Member

About kly

knnn

My Orders
Posts(22)
Replies(79)
Articles(0)

Share my story b4 delete this app.

Gusto ko mag kwento ng karanasan ko 🙁 Gusto ko narin burahin to dahil naaalala ko lang yung baby ko 😭 August 31 2020 Tanghali palang may blood spotting nako pero walang masakit sakin so nagbedrest ako maghapon , kinagabihan meron nanaman , nagpasya nako na magpaIE sa ospital , pagIE sakin 2cm na masyado pang maaga para manganak ako🙁(27weeks) pinapatransfer nako sa mas malaking ospital na may incubator, umuwi muna kami. Nagtry kami ipahilot baka sakali na tumaas pa yung baby ko(twin baby) tinry namin pigilin paglabas nila dahil masyado pa talagang maaga kung lalabas na sila , pagtapos ako hilutin gumaan pakiramdam ko feeling ko hindi pako manganganak. Sept 01 2020 Umaga na simula nahilot ako wala pa naman ulit spotting kala ko talaga umangat na sila at hindi na magtutuloy tuloy yung 2cm, maghapon lang ako nakahiga at tulog. 5pm na sumakit na balakang ko ng husto naglalabour na talaga ako 😪 , nagpadala na ako ng Malolos Ospital kung saan dapat ako itatransfers pero mga 20mins palang kami nakakalayo sa bahay namin ramdam na ramdam ko na nalalabas na sila sabi ko sa driver ng ambulance wag na kami tumuloy ng Malolos at ihanap nalang ako ng malapit na ospital dahil lalabas na ung baby ko so bumalik na kami pauwi samin habang naghahanap ng ospital na malapit may limang ospital kaming nakita ngunit tinanggihan kami ung iba wala daw OB yung iba walang incubator . Hindi ko na talaga mapigil dahil nasa pwerta ko na sila nagpasya na kami ng LIP ko na iuwi ako sa bahay at don na manganak, habang pauwi kami nagpaready na kami ng mahihigaan at pinatawag na yung midwife . Pag dating namin sa bahay pagkahiga ko iniri ko na agad at lumabas na yung isang baby ko , nagtataka ako bakit hindi umiyak 🙁 makalipas ang 10mins humilab na ung isa naman lumabas hindi rin umiyak 🙁 pero sabi ng mga pinsan ko na nakakita ang cute at malikot daw yung baby ko . Nagtataka narin ako bakit hindi pinapakita sakin 😭 . Pagtapos nila nilinisan dinala na sila sa ospital na malapit para maincubator . Sept 02 2020 Sabi ng doktor 5% lang ang chansa na mabuhay sila dahil ang liit nila sobra bukod don 6months lang daw bihira daw talaga ang nakakasurvive sa ganong age ng baby 😭. 6am hindi na kinaya ng baby number #2 ko 😭 yung isa lumalaban pero nung sinabi ng doktor na pwede na iuwi yung si baby #2 mga 5mins lang bumigay narin si baby #1 😭 . Ps: Hindi ito yung unang beses na mawalan ako ng baby 😭😭 Lagi nalang premature kung manganak ako 😭 Ang sakit sakit na 💔 gusto ko lang naman maging isang magulang 😭😭😭😭😭

Read more
Share my story b4 delete this app.
 profile icon
Write a reply

Share my story 2017

Gusto ko lang magkwento 😊 wala kasi akong magawa at makausap 😂. Sa mga walang magawa jan basahin mo to mahaba haba to naalala ko lang yung pinagdaanan ko 😅 Sept-10-2017 Umaga pagkaihi ko merong dugo yung panty ko buntis ako nun ng 8months hindi ko pinansin kasi sabi ng iba baka nagbabawas lang daw ako ng dugo. Tanghali na meron paring dugo di nako mapakali kasi sumabay na yung pagsakit ng balakang ko pero nawawala rin sya , naligo nako at nagpaultrasound pagtapos sabi ng nagUlts hindi pa daw ako manganganak october pa daw edi hindi nako nagpacheck up😅, dumiretso kami ng palengke para mamili ng mga gamit ni baby siguro 3hrs din kami paikot ikot ng ate ko , nawala narin pananakit ng balakang ko. Nakauwi na kami ng hapon pag uwi ko nahiga agad ako napansin ng asawa ko may dugo yung paa ko sabi nya "napano ka bakit may dugo yung paa mo?" Tapos tinignan nya kung san nanggagaling yung dugo , sa pwerta ko na pala 🙁 dumaloy na yung dugo hanggang sa paa ko ng hindi ko nararamdaman😔 , dali dali kaming pumunta ng lying in pag IE sakin 4cm na pala ako dahil premature pinalipat kami sa ospital pag dating sa ospital IE ulit at tinignan yung Uts pagkatapos transfer daw sa mas malaking ospital. Forward😂 (wala akong nararamdamang kahit na anong sakit) 8:00pm nakarating na kami sa ospital IE ulit ako tapos sabi ng nagIE 8cm nako una daw ang inunan ko kaya delikado kung inonormal , emerg CS daw ako naiyak ako sa takot na maCS kasi hindi ko alam kung makakalabas pako ng OR ng buhay🙁. Habang hinahatid ako sa OR iyak ako ng iyak ayaw ko bitawan kamay ng asawa ko kasi hindi ko na alam pwede mangyare 🙁(PS:18 years old lang ako nun kaya wala pakong alam sa CS). Habang sa OR ako nililibang ako ng isa kung ano ano tinatanong, hindi ko namalayan tinurukan na pala ako ng anesthesia sa spinal cord nagtataka nalang ako wala nako nararamdaman kahit kinukurot nako ng nag-iinterview sakin droggy nako 😅 papikit narin yung mata ko .8:25pm narinig ko na yung iyak ni baby ❤, nakikita ko don sa may malaking ilaw nagrereflect yung ginagawa nila sakin na pag tahi . Nilipat ako ng recovery room 2hrs ako don bago ilipat sa ward , halos isang araw akong walang pakiramdam , lupaypay at lamig na lamig. Sept-11-2017 Naramdaman ko na yung sakit ng CS😭 una kong tanong sa asawa ko asan yung baby namin. Sabi nya "nasa nicu under observation , nasa ISO" gusto ko bumangon para makita na sya kaso sobrang sakit ng tahi ko😢. Sept-12-2017 Pinilit ko bumangon at pumunta ng nicu , nakapunta naman ako ng maayos kaso napakasakit. Pagkita ko sakanya sa ISO sarap sa pakiramdam wala lahat ng sakit 😘 Sept-14-2017 Nadischarge nako ng gabi pero yung baby ko maiiwan kasi meron syang infection sa dugo at mababa timbang nya , iyak ako ng iyak sa ate ko gusto ko kasi magstay sa tabi ng baby ko habang nagpapagaling sya kaso hindi pwede 🙁. 1week lang bumalik nako ng ospital para bantayan sya at awa ng diyos pwede na sya dumede sad lang wala akong gatas 🙁 nag-ikot ako sa ward para manghingi ng gatas halos maiyak na ko nanagmamakaawa na pahingi ng kahit onting gatas ng ina para sa baby ko pero wala akong nahingi 😭halos lahat ng tao sa ward nakatingin sakin naiyak nako ng tuluyan😭(mahigit 200 katao ang nanganak sa ward) sabi pa nung ibang nanay "para nalang daw sa anak nila hihingiin ko pa"😭 ang sakit sakin bilang magulang😢. Oct-5-2017 Nakalabas na baby ko ❤ kaso yung mga sumunod na buwan sakitin sya halos buwan buwan may sakit sya 😢 , nung 3months sya napansin ko kakaiba yung bayag nya nagpacheck up kami at meron syang loslos😭 pag umiiyak sya lumalaki yung bayag nya😭 kaylangan 1year old muna sya bago maopera para makayanan nya yung gagawing operasyon. April-01-2018 Ilang araw na sya may sakit nagtatae sya at hindi makadede sinusuka nya yung dinedede nya dahil yung bituka nya pala napunta na lahat sa may loslos nya , admit na nang araw na yun kaylangang nya na maoperahan . Kinagabihan nasa ER kami bgla syang nahirapan huminga at sabi ng doktor kaylangan nyang lagyan ng tubo para makatulong sa paghinga nya 😭😭😭 iyak nlng ako ng iyak ate ko na nagdisisyon at asawa ko wala nakong ginawa kundi magdasal at umiyak😭 April-2-2018 Nilipat sya sa ICU chineck sya ng doktor na mag oopera sakanya , sabi ng doktor "tatapatin ko na kayo 50/50 ang baby nyo bukas isasalang na sya sa OR hindi natin alam kung makakayanan nya ang operasyon ipagdasal nalang natin sya gagawin namin ang makakaya namin". Habang nagdadasal ako sa chapel iyak ako ng iyak 😭. April-3-2018 Tanghali na tinawag kami para ipaalam na dadalin na sya sa OR sige akong bulong sa baby ko sabi ko "lumaban ka ha aantayin ka namin mahal na mahal kita". Mag5hrs na sya sa loob ng OR , yung ate ko nag-aantay sa labas ng OR habang kami mag asawa nasa chapel dasal ng dasal . Nakatulog narin ako sa kakaantay sa paglabas nya sa OR gabi na ng makalabas sya ginising ako ng ate ko na nakalabas na yung baby ko at awa ng diyos nakayanan nya yung operasyon. Dasal ulit kami para sa recovery nya at nagpasalamat kami sa itaas😇 April-4-2018 Kinukumbulsyon sya sobrang taas umaabot na ng 42 yung temp nya 😭 buong araw kami panay ang punas sakanya ng may yelo pero hindi bumababa yung temp nya 😭😭 tinuturukan narin sya ng paracetamol pero wala parin. Kada magpapalit ng bantay saka lang kami kakain at magdadasal sa chapel. April-5-2018 Madaling araw na naging 39 nalang yung temp nya pero mataas parin, ate ko na nagbantay pinagpahinga muna nya kami mag asawa. Ginising nya ko ng 6am dahil uuwi sya para kumuha ng gamit namin, pag alis ng ate ko yung ventilator nya laging namamatay naaalis sa saksak pero wala naman gumagalaw nung saksakan🙁(mga 6x naalis sa saksak) nagchichill narin sya kinumutan ko sya at niyakap pero ang lakas ng chill nya😔. Kinatanghalian pabalik na yung ate ko , bumababa na yung heartbeat nya 😭 iyak na kami ng iyak ng asawa ko nagmamakaawa na gawin nila lahat para sa baby namin😭 naturukan na ng pampatibok ng puso ng tatlong beses😭 pag wala paring respond wala na silang magagawa 😭. Kumalma yung anak ko ng mga 3mins , sakto dating ng ate ko wala na sya 😭😭 Iniwan na nya kami halos inantay nya lang yung ate ko na makita sya pagkayakap ng ate ko chineck sya ng doktor wala na talaga 😭😭😭. Maraming salamat sa nagbasa ng karanasan ko🙁 god bless u 😘

Read more
 profile icon
Write a reply