MEET MY BABY BOY❤

DOB: july 31, 2020 EDD: july 31, 2020 Via CSD KADY STORM B. PALACIO Share ko lang experience ko mga mommy. 5:05am sumasakit na balakang ko at tyan palibot na, then tumayo ako kasi pakiramdam ko naiihi ako tas pag dating ko sa cr dugo na pala yung lumabas sakin, natuwa ako kasi ako since due date ko na sumakto pa. tas dinala nako sa ospital IE muna ng nurse sakin dun 1cm palang ako nagreseta sila ng primrose para lumambot daw labasan ni baby tas pinauwi muna ako. pero 1week before my due date sinabihan nako ng OB ko na 85% ma CCS daw ako kasi malaki si baby. around 10am to 12nn sobrang sakit na talaga ng buong tyan ko gang balakang, kaya napagpasyahan na naming ipasched nako kagad ng CS, itinakbo ulit ako sa region 1 pero tinanggihan ako kasi kelangan ko pa daw magtrial labor at puno ang mga room na nila kaya lipat ulit kami sa ibang ospital. hanggang nakarating na kami sa blessed osp. ie ulit 1cm parin ako. kaya talagang tuloy na cs sakin 5:40pm saktong turok ng anesticia sakin at 6:05pm lumabas na si baby narinig ko na iyak niya. pero sa sobrang antok ko gawa nung tinurok sakin hindi ko na nahawakan si baby at nakatulog nako. Aug 2 ko na nakita ng personal ang anak ko kasi nagpalakas muna ako. Till now nasa ospital padin kami at mamayang hapon discharge na kami kasi medyo malakas naman na ako pero kumikirot padin sugat ko. pero thanks god nakaraos nako :)

MEET MY BABY BOY❤
27 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply

congrats momsh!! sana maka raos na din ako,sumasakit na di kc tummy ko... exactly 37 weeks na ako today

congratulations 😍 sis ano ang weight ni baby bgo po kau nanganak?

4y ago

3.6 po sis

Congratulations po mommy, magkano po CSD bills Sa Blessed Hospital,

4y ago

Okey nman kung ganun momshie, salamat sa Info

VIP Member

Congratulations po💕 Very unique ang name ni baby.😊

Saang hospital ka na CS mommy? Magkano po nagastos mo?

4y ago

blessed hosp. sa san carlos momsh

Congrats mommy & welcome baby! 😍💗

VIP Member

Hello baby Kady! Congrats mommy♡

VIP Member

Congratulations sis! Taga Pangasinan ka?

4y ago

Dagupan me sis. 💕 How much binayaran mo sa blessed sa CS sis?

Congrats mommy! Hello baby 😊

Super Mum

Hello baby! Congrats Mommy!❤