Share my story b4 delete this app.

Gusto ko mag kwento ng karanasan ko πŸ™ Gusto ko narin burahin to dahil naaalala ko lang yung baby ko 😭 August 31 2020 Tanghali palang may blood spotting nako pero walang masakit sakin so nagbedrest ako maghapon , kinagabihan meron nanaman , nagpasya nako na magpaIE sa ospital , pagIE sakin 2cm na masyado pang maaga para manganak akoπŸ™(27weeks) pinapatransfer nako sa mas malaking ospital na may incubator, umuwi muna kami. Nagtry kami ipahilot baka sakali na tumaas pa yung baby ko(twin baby) tinry namin pigilin paglabas nila dahil masyado pa talagang maaga kung lalabas na sila , pagtapos ako hilutin gumaan pakiramdam ko feeling ko hindi pako manganganak. Sept 01 2020 Umaga na simula nahilot ako wala pa naman ulit spotting kala ko talaga umangat na sila at hindi na magtutuloy tuloy yung 2cm, maghapon lang ako nakahiga at tulog. 5pm na sumakit na balakang ko ng husto naglalabour na talaga ako πŸ˜ͺ , nagpadala na ako ng Malolos Ospital kung saan dapat ako itatransfers pero mga 20mins palang kami nakakalayo sa bahay namin ramdam na ramdam ko na nalalabas na sila sabi ko sa driver ng ambulance wag na kami tumuloy ng Malolos at ihanap nalang ako ng malapit na ospital dahil lalabas na ung baby ko so bumalik na kami pauwi samin habang naghahanap ng ospital na malapit may limang ospital kaming nakita ngunit tinanggihan kami ung iba wala daw OB yung iba walang incubator . Hindi ko na talaga mapigil dahil nasa pwerta ko na sila nagpasya na kami ng LIP ko na iuwi ako sa bahay at don na manganak, habang pauwi kami nagpaready na kami ng mahihigaan at pinatawag na yung midwife . Pag dating namin sa bahay pagkahiga ko iniri ko na agad at lumabas na yung isang baby ko , nagtataka ako bakit hindi umiyak πŸ™ makalipas ang 10mins humilab na ung isa naman lumabas hindi rin umiyak πŸ™ pero sabi ng mga pinsan ko na nakakita ang cute at malikot daw yung baby ko . Nagtataka narin ako bakit hindi pinapakita sakin 😭 . Pagtapos nila nilinisan dinala na sila sa ospital na malapit para maincubator . Sept 02 2020 Sabi ng doktor 5% lang ang chansa na mabuhay sila dahil ang liit nila sobra bukod don 6months lang daw bihira daw talaga ang nakakasurvive sa ganong age ng baby 😭. 6am hindi na kinaya ng baby number #2 ko 😭 yung isa lumalaban pero nung sinabi ng doktor na pwede na iuwi yung si baby #2 mga 5mins lang bumigay narin si baby #1 😭 . Ps: Hindi ito yung unang beses na mawalan ako ng baby 😭😭 Lagi nalang premature kung manganak ako 😭 Ang sakit sakit na πŸ’” gusto ko lang naman maging isang magulang 😭😭😭😭😭

Share my story b4 delete this app.
693 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply

my sister have the same story currently preggy sya ngaun nadiagnose sya na may Apas everyday ngiinject sya ng Innohep para hindi ireject ng ktawan ung baby nya.. nranasan nya rin maglabor at manganak ng 6 and 3 2x pa pro sa sobrang liit ng baby hindi tlga kinakaya.ngayon nkaayos na ung matris nya dhil nagagmot na yung skit nya kaya ok ung baby malusog at magalaw sya ngaun

Magbasa pa

condolence po. pakatatag ka momsh. pray ka lng lagi kai God na sana maghilum na ang sugat na narrmdaman mo ngayon at bigyan ka ng pagkktaon na maging isang ina sa malusog na sanggol. Wag ka po bumitaw momsh. lahat po tayo gustong gusto maging ina, wag mo po sna bitawan yun momsh bagkus manalangin ka po lagi na bigyan ka ng pagkakataon ng ating poong maykapal. πŸ™β€οΈ

Magbasa pa

Condolence, mommy.. nakakalungkot man, ganyan talaga ang buhay. Mas Pinapatatag ka lang ng Ama na nasa langit. Ganyan din ang sister ko. 3 times na syang nawalan, then nitong June12, nagsilang sya ng healthy baby boy.. πŸ™‚ tiwala lang at manalangin ka palagi sa nasa itaas.. magugulat ka nalang isang araw ibibigay ni Ama ang nais ng puso mo. Hugs to you, mommy! πŸ€—

Magbasa pa

condolence mommy 😒. sana di ka nag pahilot. naexperience ko yang 28 weeks dinugo ako kasi nag pahilot ako. di din pwede mag pa IE kasi mas chance na maopen yung cervix. advice lang ng OB na bedrest at niresetahan ako ng kontra hilab. until now 31 weeks na ko. bedrest pa din gang pag 9mons para sure at sinamahan ng dasal. kaya mo yan mommy pakatatag ka po.

Magbasa pa

Condolence po to your loss.. Bka may incompetent cervix ka sis.. Ung maagang bumubukas cervix mo bgo magkabuwanan.. May treatment dun, paalaga ka lng sa Ob mo NG mabusisi sa nxt pregnancy mo kc sensitive ka tlga mgbuntis.. God is faithful and full of mercy, He will bless u again with offspring bsta wag k lng nwalan NG faith and hope sa knya..

Magbasa pa

Panganay ko 6 mos din pinanganak sa awa ng diyos lumaki naman siyang healthy. Almost 2 mos siya sa incubator dahil hindi pa fully developed ang lungs niya. 2 beses din siya nawalan ng hininga pero sa awa ng diyos lumalaban siya. Ngayon 11 yrs old na siya malusog at healthy. Kakapanganak ko sa 2nd baby namin thanks god normal 9 mos siya lumabas.

Magbasa pa

condolence po.. and sana po sa susunod paki gamit yung nsfw maselan po yung picture na ganyan. concern lang po ako kasi baka matakot yung ibang preggy moms na makakakita nyan. may mga iba po kasi ayaw makakita ng patay na baby. Rest in peace po sa little angels nyo. ipagpray ko din po na bigyan kayo ni Lord ng lakas para maging matatag.

Magbasa pa

This is sooo heart breaking 😒 wag kang mawalan ng pag asa momsh.. Believe in God's perfect time.. He never fails, just keep on praying. Nagkaron din ako ng miscarriage before, pero sa walang kwentang lalaki. After 5yrs, binigyan ako ni lord ng responsbleng partner at yung inaasam naming baby. Trust him. I'll pray for you and your babies.

Magbasa pa

Mommy, itaas mo lahat ng Diyos ng hinanakit mo. Alam ko may dahilan sya kahit masakit ito para satin. Mommy pagpray kita. Ako din naman mommy ilang taong di nagbuntis at may sakit ako, akalain mo nagkaanak pako. Ng diko inasahan. Magtiwala lang tayo at may dadating na biyaya. God bless you mommy. And sa mga cute little angels mo.

Magbasa pa
VIP Member

Hugs and prayers for you nanaym sobrang sakit makarinig ng gantong kwento. Pero ang Diyos na nagpahintulot na mawalan ka ng ganito ang siya ring Diyos na magbibigay ng peace at katatagan sa puso mo. I pray mommy na balang araw God will wipe away all your hurts. Mahal ka niya at alam niya ang iyong pagdurusa. yakap, nqnay❀❀

Magbasa pa