Share my story b4 delete this app.

Gusto ko mag kwento ng karanasan ko 🙁 Gusto ko narin burahin to dahil naaalala ko lang yung baby ko 😭 August 31 2020 Tanghali palang may blood spotting nako pero walang masakit sakin so nagbedrest ako maghapon , kinagabihan meron nanaman , nagpasya nako na magpaIE sa ospital , pagIE sakin 2cm na masyado pang maaga para manganak ako🙁(27weeks) pinapatransfer nako sa mas malaking ospital na may incubator, umuwi muna kami. Nagtry kami ipahilot baka sakali na tumaas pa yung baby ko(twin baby) tinry namin pigilin paglabas nila dahil masyado pa talagang maaga kung lalabas na sila , pagtapos ako hilutin gumaan pakiramdam ko feeling ko hindi pako manganganak. Sept 01 2020 Umaga na simula nahilot ako wala pa naman ulit spotting kala ko talaga umangat na sila at hindi na magtutuloy tuloy yung 2cm, maghapon lang ako nakahiga at tulog. 5pm na sumakit na balakang ko ng husto naglalabour na talaga ako 😪 , nagpadala na ako ng Malolos Ospital kung saan dapat ako itatransfers pero mga 20mins palang kami nakakalayo sa bahay namin ramdam na ramdam ko na nalalabas na sila sabi ko sa driver ng ambulance wag na kami tumuloy ng Malolos at ihanap nalang ako ng malapit na ospital dahil lalabas na ung baby ko so bumalik na kami pauwi samin habang naghahanap ng ospital na malapit may limang ospital kaming nakita ngunit tinanggihan kami ung iba wala daw OB yung iba walang incubator . Hindi ko na talaga mapigil dahil nasa pwerta ko na sila nagpasya na kami ng LIP ko na iuwi ako sa bahay at don na manganak, habang pauwi kami nagpaready na kami ng mahihigaan at pinatawag na yung midwife . Pag dating namin sa bahay pagkahiga ko iniri ko na agad at lumabas na yung isang baby ko , nagtataka ako bakit hindi umiyak 🙁 makalipas ang 10mins humilab na ung isa naman lumabas hindi rin umiyak 🙁 pero sabi ng mga pinsan ko na nakakita ang cute at malikot daw yung baby ko . Nagtataka narin ako bakit hindi pinapakita sakin 😭 . Pagtapos nila nilinisan dinala na sila sa ospital na malapit para maincubator . Sept 02 2020 Sabi ng doktor 5% lang ang chansa na mabuhay sila dahil ang liit nila sobra bukod don 6months lang daw bihira daw talaga ang nakakasurvive sa ganong age ng baby 😭. 6am hindi na kinaya ng baby number #2 ko 😭 yung isa lumalaban pero nung sinabi ng doktor na pwede na iuwi yung si baby #2 mga 5mins lang bumigay narin si baby #1 😭 . Ps: Hindi ito yung unang beses na mawalan ako ng baby 😭😭 Lagi nalang premature kung manganak ako 😭 Ang sakit sakit na 💔 gusto ko lang naman maging isang magulang 😭😭😭😭😭

693 Replies

Ang ganda sanah pag masdan ng mga mukha ng munting angel kaso Lang NASA heaven na cla at kasama na Rin nila c papa God 🙏🙏🙏 condolence po sau mommies 😢😢😢

Sis pcheck up ka po,.immunologist at ob perinat na po pra mlaman mo po ung cause.Search mo po s fb ung group na all about apas.Condolence sis..God bless.

Naiyak ako habang binabasa to. Nakakalungkot, pero ganun talaga buhay. Be strong po. Condolence to you and your family mommy. Stay strong at wag mawalan ng pag-asa po.

stay strong mami.. kumapit klng ky god mas sya ang makakatulong sayo.. 😔 babalik din sila pgpray mo lng lgi.. wg ka mawalan ng pg asa. godbless you.. condolence po.

Mommy naiyak ako😥 but I am praying for you, to pass this dreary experience🙏🏻🙏🏻 I am also praying for your two angel. Take care mommy and God bless!

condolence po, don't let this take motherhood away from you, you're strong! God, along with your angels will look after you as you try again! Go momma!

Ung pag papahilot po kasi mommy hndi tlga advisable. If lagi po kau nawawala baby at premature better po na magpacheck kau atmagpagamot muna sa OB. Pra matuutkan kau

Condolence sis :'(( Sending virtual hugs.. Sis dpat may o.b ngaalaga sayo at regularly check up para mcheck condition ni baby mo. At mapainom kA ng pampakapit.

condolence momy. sobrang sakit nito dahil di lang isa, dalawa silang nawala. next time siguro momy wag ka na magdepend sa hilot, baka lalo nakasama sa kanila un.

TapFluencer

Dapat di ka na nagpahilot, pumunta ka na sana ng hospital agad 😟, baka na agapan pa o di kaya baka may maibigay pa yung OB sayo na gamot.

Related Questions

Trending na Tanong

Related Articles