Share my story b4 delete this app.

Gusto ko mag kwento ng karanasan ko 🙁 Gusto ko narin burahin to dahil naaalala ko lang yung baby ko 😭 August 31 2020 Tanghali palang may blood spotting nako pero walang masakit sakin so nagbedrest ako maghapon , kinagabihan meron nanaman , nagpasya nako na magpaIE sa ospital , pagIE sakin 2cm na masyado pang maaga para manganak ako🙁(27weeks) pinapatransfer nako sa mas malaking ospital na may incubator, umuwi muna kami. Nagtry kami ipahilot baka sakali na tumaas pa yung baby ko(twin baby) tinry namin pigilin paglabas nila dahil masyado pa talagang maaga kung lalabas na sila , pagtapos ako hilutin gumaan pakiramdam ko feeling ko hindi pako manganganak. Sept 01 2020 Umaga na simula nahilot ako wala pa naman ulit spotting kala ko talaga umangat na sila at hindi na magtutuloy tuloy yung 2cm, maghapon lang ako nakahiga at tulog. 5pm na sumakit na balakang ko ng husto naglalabour na talaga ako 😪 , nagpadala na ako ng Malolos Ospital kung saan dapat ako itatransfers pero mga 20mins palang kami nakakalayo sa bahay namin ramdam na ramdam ko na nalalabas na sila sabi ko sa driver ng ambulance wag na kami tumuloy ng Malolos at ihanap nalang ako ng malapit na ospital dahil lalabas na ung baby ko so bumalik na kami pauwi samin habang naghahanap ng ospital na malapit may limang ospital kaming nakita ngunit tinanggihan kami ung iba wala daw OB yung iba walang incubator . Hindi ko na talaga mapigil dahil nasa pwerta ko na sila nagpasya na kami ng LIP ko na iuwi ako sa bahay at don na manganak, habang pauwi kami nagpaready na kami ng mahihigaan at pinatawag na yung midwife . Pag dating namin sa bahay pagkahiga ko iniri ko na agad at lumabas na yung isang baby ko , nagtataka ako bakit hindi umiyak 🙁 makalipas ang 10mins humilab na ung isa naman lumabas hindi rin umiyak 🙁 pero sabi ng mga pinsan ko na nakakita ang cute at malikot daw yung baby ko . Nagtataka narin ako bakit hindi pinapakita sakin 😭 . Pagtapos nila nilinisan dinala na sila sa ospital na malapit para maincubator . Sept 02 2020 Sabi ng doktor 5% lang ang chansa na mabuhay sila dahil ang liit nila sobra bukod don 6months lang daw bihira daw talaga ang nakakasurvive sa ganong age ng baby 😭. 6am hindi na kinaya ng baby number #2 ko 😭 yung isa lumalaban pero nung sinabi ng doktor na pwede na iuwi yung si baby #2 mga 5mins lang bumigay narin si baby #1 😭 . Ps: Hindi ito yung unang beses na mawalan ako ng baby 😭😭 Lagi nalang premature kung manganak ako 😭 Ang sakit sakit na 💔 gusto ko lang naman maging isang magulang 😭😭😭😭😭

Share my story b4 delete this app.
693 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply
VIP Member

Condolences to you and your family mommy.. It's true wala ng mas sasakit pa sa isang nanay pagnawalan mg anak. 😭 May they rest in paradise.. Be strong mommy.

TapFluencer

Don't loose hope Mommy! Everything happens for a reason. My deepest condolences po. May your beautiful angels look down on you to guide and protect you always!

my sympathies to your loss.. you now have angels watching over you.. in God's time you will be blessed with a child. just keep your faith high mommy 🙏🙏

Aww. 😭 Sorry for your lost. Pero isa na din sigurong dahilan ung nagpa hilot kayo. I don't blame you po, pero bakit di kayo nakinig sa doctor? Haaay. Condolences.

4y ago

i agree. not advisable na tlaga ang hilot. at kpag twins need talaga pahinga dahil prone to preterm. anyways, nangyari na. condolences nlg sa family. at naway maging at peace na ang 2 angels

my deepest condolences, mommy. May God comfort you and your family suring this hard times. Wag po susuko. Everything has a reason. God bless po.

VIP Member

grabe . i feel the pain . 😢😥😥 condolence po. mag pray ka lang . nakakaiyak naman kwento mo . kaya mo yan ate . magdasal ka lang palage .🤗🤗

stay strong po momsh. Darating din yung talagang para sayo. sorry for your lost momsh. laban lang po. at wag mawalan ng pagasa. condolence and god bless

VIP Member

condolence po, be strong,cguro ndi pa to yung time pra mging mommy,soon ibibigay dn po ni Lord yung hinihiling nyo. pray lng po at wag mwalan ng pag'asa

nakakalungkot oo mommy. be strong po. God has a better plan cguro kaya nangyari ang lahat.Dasal lang poa tayo palagi. sending my virtual hugs po..

condolence mommy. stay strong! may God lessen your heart aches and burden. Ingatan ka ng mga little angels mo mommy 💖 Stay strong lang po 💖