Share my story b4 delete this app.

Gusto ko mag kwento ng karanasan ko 🙁 Gusto ko narin burahin to dahil naaalala ko lang yung baby ko 😭 August 31 2020 Tanghali palang may blood spotting nako pero walang masakit sakin so nagbedrest ako maghapon , kinagabihan meron nanaman , nagpasya nako na magpaIE sa ospital , pagIE sakin 2cm na masyado pang maaga para manganak ako🙁(27weeks) pinapatransfer nako sa mas malaking ospital na may incubator, umuwi muna kami. Nagtry kami ipahilot baka sakali na tumaas pa yung baby ko(twin baby) tinry namin pigilin paglabas nila dahil masyado pa talagang maaga kung lalabas na sila , pagtapos ako hilutin gumaan pakiramdam ko feeling ko hindi pako manganganak. Sept 01 2020 Umaga na simula nahilot ako wala pa naman ulit spotting kala ko talaga umangat na sila at hindi na magtutuloy tuloy yung 2cm, maghapon lang ako nakahiga at tulog. 5pm na sumakit na balakang ko ng husto naglalabour na talaga ako 😪 , nagpadala na ako ng Malolos Ospital kung saan dapat ako itatransfers pero mga 20mins palang kami nakakalayo sa bahay namin ramdam na ramdam ko na nalalabas na sila sabi ko sa driver ng ambulance wag na kami tumuloy ng Malolos at ihanap nalang ako ng malapit na ospital dahil lalabas na ung baby ko so bumalik na kami pauwi samin habang naghahanap ng ospital na malapit may limang ospital kaming nakita ngunit tinanggihan kami ung iba wala daw OB yung iba walang incubator . Hindi ko na talaga mapigil dahil nasa pwerta ko na sila nagpasya na kami ng LIP ko na iuwi ako sa bahay at don na manganak, habang pauwi kami nagpaready na kami ng mahihigaan at pinatawag na yung midwife . Pag dating namin sa bahay pagkahiga ko iniri ko na agad at lumabas na yung isang baby ko , nagtataka ako bakit hindi umiyak 🙁 makalipas ang 10mins humilab na ung isa naman lumabas hindi rin umiyak 🙁 pero sabi ng mga pinsan ko na nakakita ang cute at malikot daw yung baby ko . Nagtataka narin ako bakit hindi pinapakita sakin 😭 . Pagtapos nila nilinisan dinala na sila sa ospital na malapit para maincubator . Sept 02 2020 Sabi ng doktor 5% lang ang chansa na mabuhay sila dahil ang liit nila sobra bukod don 6months lang daw bihira daw talaga ang nakakasurvive sa ganong age ng baby 😭. 6am hindi na kinaya ng baby number #2 ko 😭 yung isa lumalaban pero nung sinabi ng doktor na pwede na iuwi yung si baby #2 mga 5mins lang bumigay narin si baby #1 😭 . Ps: Hindi ito yung unang beses na mawalan ako ng baby 😭😭 Lagi nalang premature kung manganak ako 😭 Ang sakit sakit na 💔 gusto ko lang naman maging isang magulang 😭😭😭😭😭

693 Replies

Condolences po mommy, sa ibang preggy po iwasan po natin ang "hilot" mas nakakasama po sa buntis ang hilot. Ang dami kong kakilala na mas lumala pa condition nila dahil sa hilot. Mas okay pa din magpa alaga sa OB kung maselan pagbubuntis.

Mommy be strong. May dahilan po si Lord bakit po nangyari yan sa inyo. Ngaun ang angel twins mo na kay Lord na. Alam ko po dadating din ang time na ibibigay ni Lord ang hinihintay nyo na magkaanak. Pray lang po tayo. Condolence po. ❤️🙏

condolence mommy😢😢 i feel you nawalan din ako ng baby💔😭 kaya natin to. May ibibigay din si god na para sayo na talaga. god is good. everything happen for a reasons. thanks god i'm 4months pregnant now😇😇🙏🙏🙏

Nkakaiyak naman 💔😭 Condolence po. Sure nasa langit na cla mga anghel na cla dun. Hindi nila mrrnasan hirap d2 sa mundo. Sure masaya cla dun. Pero sympre mas msaya kung buhay cla. Ganan talaga stay strong po ❤

Mommy condolence... Malalagpasan mo yan but a bit of advise wag k ppahilot papaalaga ka sa OB kasi medical practitioners sila talaga makakatulong sayo lalo at ngkamiscarriage ka n maselan ka magbuntis... God is with you...

I agree..kasi ako na miscarriage din last year and nong nabuntis ako ulit, epapahilot din sana ako pero tumanggi ako dahil kamuntikan na din mawawala itong baby ko.. nagpaAlaga talaga ko sa OB ko and now successful naman kasi nanganak nako..

Pakatatag ka lang po. May 2 angels ka ng gumagabay sayo di man sila nagtagal at kinuha agad ni Lord, Lahat ng bagay sa mundong ito may dahilan kung bakit nangyayari. Keep on fighting po. Pray lang po palagi 💗💗

VIP Member

condolence sis! God has greater plans for you.. ibabalik na ang anghel na nawala sa inyo wag kau mawawalan ng pag asa.. 🙏🙏🙏 pero sis matanung ko lang din, anu daw yung reason bket lageh ganun na premature?

mommy... alam kong walang makakapawi ng sakit na nararamdaman mo. hindi ka nag iisa. nawalan din ako ng baby boy last aug 2019. napakasakit. gusto ko lang malaman mong hnd ka nag iisa sa laban na to. hugssss.

mamsh kung sa ibang bansa ka nanganak nakakasurvive nga kahit 20 weeks kaya nila yon sa incubator. dto kasi sa pinas kulang ang kakayahan at kagamitan kaya sinasabi nila na di kakayanin. condolence mamsh..

VIP Member

condolences mommy. sa case mo po need talaga mag ingat. both of my sons are also premies. kailangan maingat talaga onting may spotting takbo agad kami sa ospital. palakas ka mommy again condolences po.

Related Questions

Trending na Tanong

Related Articles