Share my story b4 delete this app.

Gusto ko mag kwento ng karanasan ko ๐Ÿ™ Gusto ko narin burahin to dahil naaalala ko lang yung baby ko ๐Ÿ˜ญ August 31 2020 Tanghali palang may blood spotting nako pero walang masakit sakin so nagbedrest ako maghapon , kinagabihan meron nanaman , nagpasya nako na magpaIE sa ospital , pagIE sakin 2cm na masyado pang maaga para manganak ako๐Ÿ™(27weeks) pinapatransfer nako sa mas malaking ospital na may incubator, umuwi muna kami. Nagtry kami ipahilot baka sakali na tumaas pa yung baby ko(twin baby) tinry namin pigilin paglabas nila dahil masyado pa talagang maaga kung lalabas na sila , pagtapos ako hilutin gumaan pakiramdam ko feeling ko hindi pako manganganak. Sept 01 2020 Umaga na simula nahilot ako wala pa naman ulit spotting kala ko talaga umangat na sila at hindi na magtutuloy tuloy yung 2cm, maghapon lang ako nakahiga at tulog. 5pm na sumakit na balakang ko ng husto naglalabour na talaga ako ๐Ÿ˜ช , nagpadala na ako ng Malolos Ospital kung saan dapat ako itatransfers pero mga 20mins palang kami nakakalayo sa bahay namin ramdam na ramdam ko na nalalabas na sila sabi ko sa driver ng ambulance wag na kami tumuloy ng Malolos at ihanap nalang ako ng malapit na ospital dahil lalabas na ung baby ko so bumalik na kami pauwi samin habang naghahanap ng ospital na malapit may limang ospital kaming nakita ngunit tinanggihan kami ung iba wala daw OB yung iba walang incubator . Hindi ko na talaga mapigil dahil nasa pwerta ko na sila nagpasya na kami ng LIP ko na iuwi ako sa bahay at don na manganak, habang pauwi kami nagpaready na kami ng mahihigaan at pinatawag na yung midwife . Pag dating namin sa bahay pagkahiga ko iniri ko na agad at lumabas na yung isang baby ko , nagtataka ako bakit hindi umiyak ๐Ÿ™ makalipas ang 10mins humilab na ung isa naman lumabas hindi rin umiyak ๐Ÿ™ pero sabi ng mga pinsan ko na nakakita ang cute at malikot daw yung baby ko . Nagtataka narin ako bakit hindi pinapakita sakin ๐Ÿ˜ญ . Pagtapos nila nilinisan dinala na sila sa ospital na malapit para maincubator . Sept 02 2020 Sabi ng doktor 5% lang ang chansa na mabuhay sila dahil ang liit nila sobra bukod don 6months lang daw bihira daw talaga ang nakakasurvive sa ganong age ng baby ๐Ÿ˜ญ. 6am hindi na kinaya ng baby number #2 ko ๐Ÿ˜ญ yung isa lumalaban pero nung sinabi ng doktor na pwede na iuwi yung si baby #2 mga 5mins lang bumigay narin si baby #1 ๐Ÿ˜ญ . Ps: Hindi ito yung unang beses na mawalan ako ng baby ๐Ÿ˜ญ๐Ÿ˜ญ Lagi nalang premature kung manganak ako ๐Ÿ˜ญ Ang sakit sakit na ๐Ÿ’” gusto ko lang naman maging isang magulang ๐Ÿ˜ญ๐Ÿ˜ญ๐Ÿ˜ญ๐Ÿ˜ญ๐Ÿ˜ญ

Share my story b4 delete this app.
693 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply

Condolences mommy. Be strong po. Sending prayers po for your family's healing and for your little ones. Pakatatag ka po. Pray lang lage at trust lang kay Lord. God bless you and your family mommy.

condolence po momsh. pero next time magbuntis ka, patingin agad sa ob and follow what your doctor tells you to do. and huwag po kayo magpahilot. mas na stimulate pa nun lalo ang paglabor mo.

VIP Member

Condolence Mommy. Mom of twins here. Super hirap talaga manganak ng premature and need talaga nila ng immediate care from the hospital right away. God has better plans siguro. Stay strong. ๐Ÿ™๐Ÿป

Hindi po kayo binigyan ng gamot para sa contractions? Bakit po kayo pinauwi kung 2cm na? Kasi ako inadmit na ko nun.26 weeks din ako nanganak pero sa ospital meron ng incubator. Condolence po

Condolence Po ako din nmatayan .8 months nmn and I go for cs 6yrs ago na and now bntis ako sa pnglawng pgkakataon lgi ako ng dadlasal n Sna itong pingbbuntis ko ibigy n nya skin ๐Ÿ™๐Ÿ™๐Ÿ™๐Ÿ™

VIP Member

condolences sis. napaka sakit ng naging karanasan mo. magpakatatag ka at mag pray kay Lord. may reason lahat ng nangyayari sa buhay natin. oneday ibibigay din talaga nya yung para sayo ๐Ÿ™๐Ÿ™

Condolence po,, ๐Ÿ˜ญ ka2lad mo dn aq nawalan ng baby nito lng march 2020,,, masakit,,, mahirap tanggapin,,, nakakalungkot ng sobra,,, sna makayanan ntin itong pagsubok n bngay saatin,,,

Sis kapit lang... pakatatag ka... at wag mawalan ng pag asa.. paalaga kalang sa OB para safe na sa sunod na pagbubuntis mo... condolence sis... pray lang lagi... may awa ang Diyos..

naku im currently on my 26weeks,ganiyan na pala ang itsura ni baby,nasasaktan ang puso q mumsh,alam ko napakahirap ng pinagdadaanan mo naun,kayo ng family neo,stay strong po,,๐Ÿ˜”

Condolence po mami pero sana patingin po kayo baka po may vaginal infection po kayo mostly kasi sabi ng ob ko kapag di na treat yun premature or miscarriage po talaga kalalabasan.