βœ•

Share my story b4 delete this app.

Gusto ko mag kwento ng karanasan ko πŸ™ Gusto ko narin burahin to dahil naaalala ko lang yung baby ko 😭 August 31 2020 Tanghali palang may blood spotting nako pero walang masakit sakin so nagbedrest ako maghapon , kinagabihan meron nanaman , nagpasya nako na magpaIE sa ospital , pagIE sakin 2cm na masyado pang maaga para manganak akoπŸ™(27weeks) pinapatransfer nako sa mas malaking ospital na may incubator, umuwi muna kami. Nagtry kami ipahilot baka sakali na tumaas pa yung baby ko(twin baby) tinry namin pigilin paglabas nila dahil masyado pa talagang maaga kung lalabas na sila , pagtapos ako hilutin gumaan pakiramdam ko feeling ko hindi pako manganganak. Sept 01 2020 Umaga na simula nahilot ako wala pa naman ulit spotting kala ko talaga umangat na sila at hindi na magtutuloy tuloy yung 2cm, maghapon lang ako nakahiga at tulog. 5pm na sumakit na balakang ko ng husto naglalabour na talaga ako πŸ˜ͺ , nagpadala na ako ng Malolos Ospital kung saan dapat ako itatransfers pero mga 20mins palang kami nakakalayo sa bahay namin ramdam na ramdam ko na nalalabas na sila sabi ko sa driver ng ambulance wag na kami tumuloy ng Malolos at ihanap nalang ako ng malapit na ospital dahil lalabas na ung baby ko so bumalik na kami pauwi samin habang naghahanap ng ospital na malapit may limang ospital kaming nakita ngunit tinanggihan kami ung iba wala daw OB yung iba walang incubator . Hindi ko na talaga mapigil dahil nasa pwerta ko na sila nagpasya na kami ng LIP ko na iuwi ako sa bahay at don na manganak, habang pauwi kami nagpaready na kami ng mahihigaan at pinatawag na yung midwife . Pag dating namin sa bahay pagkahiga ko iniri ko na agad at lumabas na yung isang baby ko , nagtataka ako bakit hindi umiyak πŸ™ makalipas ang 10mins humilab na ung isa naman lumabas hindi rin umiyak πŸ™ pero sabi ng mga pinsan ko na nakakita ang cute at malikot daw yung baby ko . Nagtataka narin ako bakit hindi pinapakita sakin 😭 . Pagtapos nila nilinisan dinala na sila sa ospital na malapit para maincubator . Sept 02 2020 Sabi ng doktor 5% lang ang chansa na mabuhay sila dahil ang liit nila sobra bukod don 6months lang daw bihira daw talaga ang nakakasurvive sa ganong age ng baby 😭. 6am hindi na kinaya ng baby number #2 ko 😭 yung isa lumalaban pero nung sinabi ng doktor na pwede na iuwi yung si baby #2 mga 5mins lang bumigay narin si baby #1 😭 . Ps: Hindi ito yung unang beses na mawalan ako ng baby 😭😭 Lagi nalang premature kung manganak ako 😭 Ang sakit sakit na πŸ’” gusto ko lang naman maging isang magulang 😭😭😭😭😭

693 Replies

Hindi ko po maimagine yung pain na nararamdaman niyo mommy. Ang masasabi ko lang po is lalo niyo pong higpitan yung faith niyo sa taas at humingi ng guidance para makaya niyo po tong pagsubok na ito. Kasama ka po at ang mga babies niyo sa prayers namin. Palakas ka mommy. πŸ™πŸ’•

condolence po sis.. may darating talaga na pra sa iyo.. btw if lagi2x ka po nag kaka anak na premature try to rest muna at e condition ng katawan,minsan kasi pagsunod2x na ung matres ntin ay hndi na capable maghold ng baby. so ipahinga muna mg pa alaga sa OB at magtry ulit..

dapat hnd ka na nagpahilot nong alam kong nag 2 cm ka na... dapat nag bedrest ka lng... kaya mas lalong humilab ang tiyan mo kc nagpahilot ka.. hnd advisable hilot sayo that time...syang ang baby... nagpa admit k nlng sana para mapigilan ang ang pagopen ng cervix mo

walang salitang makapagpapagaan sa sakit na nararamdaman ng isang inang mawalan ng anakπŸ˜₯ pero tatagan mo po ang loob mo. kung kinaya mo noon kakayanin mo din ngayon laban lang, panalangin at ang Panginoon lang makakatulong para gumaan pakiramdam mo, my deepest condolences!

condolence sis.. ako dn lagi premature.. pero nbuhay nmn panganay ko 7mos. nmn ksi siya halos 1month dn sya dun, then ito twins dn pero wala assurance at ang mahal p nmn ng mga gamot, anong cases ng sayo sis? ako placenta previa pag gnto dw lagi tlga premature birthπŸ˜”

condolence momshie, may magandang plano at nakalaan para senyo si Lord. kaya mo yan stay strong, masakit ang mawalan ng mahal sa buhay itaas mo lang sa kanya lahat at ikay magiging masaya din at gagantimpalaan ng panibagong buhay na magpapasaya ng habangbuhay

condolence po 😒 same here nakuna po ako nong april lang kasagsakan nang pandemic napaka hirap. gsto ko na din maging ina kaso kinuha na sya. pero ngyon nabuntis ako at 4months and 6days na tiyan ko. ingat ingat tau mga momshie ah. godbless

Condolence sis naranasan kuna din mawalan 😒😒😒 napaka sakit, be strong and rest in peace in heaven yung mga angels mo. Sinusubok ka lang ng nasa taas kaya wag kang susuko, in time may ilalaan sya sayo na napaka gandang blessings. πŸ˜ŠπŸ˜‡

Ganyan din po twin ko, 29 week Lalabas na sila pinalipat din kami ospitas ksi pumutok panubigan ko tsaka wala sila incubator, Malayo din Nueva ecija to pampanga Pero salamat sa diyos kinaya namin 2 mos na sila ngayon, Condolences sainyoπŸ™

condolence po to your family nakakalungkot namn ang sinapit mo pero pray ka lang din di siguro ito yung time na mag ka baby ka baka may purpose si god at sa sunod na mag kakababy ka na eh sya na nararapat para sayo na san soon maalagaan mo sya

Related Questions

Trending na Tanong

Related Articles