We can't wait to meet you, our baby boy! ❤️ I've been praying na maging okay lahat sa CAS natin and sobrang thankful ako dahil normal and okay naman lahat. Ang likot likod mo pa kaya tuwang tuwa si doc. Palakas pa tayo lalo anak ha. Ang daming nagppray para sayo. 🙏 🙏 🙏 Mahal na mahal ka namin, anak! ❤️❤️❤️ #firstbaby #pregnancy #1stimemom
Read moreWe are 16 days today and sabi sa app, nakakarinig na daw kahit papano si baby. Madalas ko siya kausapin and narerelax ako pag ginagawa ko yun. Hindi ko lang talaga mapigilan na maiyak minsan kasi nagiging emotional ako haha. Siguro dala na din ng raging hormones 😅. Grabe nakaka excite malaman yung bawat development nila. Nakaka amaze din isipin na lahat to nangyayari sa loob natin. Mahal na mahal ka namin anak! Grow up healthy and happy lang sa tummy ni mommy ha. We can't wait to see you anak! ❤️❤️❤️ #firstbaby #pregnancy #1stimemom
Read morePlease help us and be our prayer warriors 🙏 -Preeclampsia
First time mom to be po and we are currently on our 15th week. Pero on our most recent checkup (Oct 1), nag worry yung OB namin dahil mataas yung BP ko (140/100) kaya nag bigay siya ng medications sakin para mamanage yung BP ko. Nagtatake ako ngayon ng Aspirin 80mg and Methyldopa Aldomet 250mg (2 times a day). Nabahala kasi si doc na ang taas ng BP ko and baka mag Preeclampsia ako this early. Iniisip ko din na baka naging factor sa taas ng BP ko yung wala ako halos tulog nung night before dahil sobra akong excited na magpacheckup dahil makikita uli yung development ni baby. Kasama na din sa excitement is yung usual kaba kaya halos 1 hour lang tulog ka nun. Pero sa awa naman po ni Lord, stable naman po yung heartbeat ni baby and normal yung length niya for 15 weeks. 🙏 Hihingi po sana ako ng advise from mommy's na naka experience nito early in your pregnancy. Ang alam ko po kasi usually sa later part na siya ng 3rd Trimester kaya sobrang ngwoworry po ako na sobrang aga ko to nararamdaman. Plan ko po sana mag yoga, light exercises and walking everyday na at talagang imamanage yung diet. Less rice na, salty and fatty food. Sinabihan din po ako ni doc na mag check ng BP twice a day and isend sa kaniya for monitoring. Sa ngayon po medyo bumaba pero mataas taas parin daw (average is around 135/88) Hihingi din po sana ako sainyo mga mommy's ng tulong sa pagppray para samin ni baby na malagpasan namin ito at maging healthy kami pareho. Malaking bagay po lahat ng prayers and advise niyo. Maraming salamat po in advance. ❤️❤️❤️🙏🙏🙏 #firstbaby #pregnancy #1stimemom #theasianparentph
Read moreGrabe, buong araw antok! - 14 weeks and 1 day
Sobra yung antok ko mommies. Nagigising ako ng 4am para lang mag CR tapos ang next gising ko na mga 8:30 or 9AM. Magbbreakfast lang tapos makakatulog ako uli. Minsan makakapag lunch ako ng 12:30 tapos makakatulog uli hanggang mga 4 or 5pm. Minsan naman tuloy tuloy tulog ko after breakfast tapos gising ko na mga 3pm para mag lunch tapos makakatulog uli hanggang mga 5 or 6pm. Sa gabi naman mga around 1 or 2am tulog ko tas cycle lang ulit. Ganon din ba kayo mommies nung start ng 2nd Trimester niyo? Parang sobrang tindi kasi ng antok ko, halos wala na akong ginawa buong araw kundi matulog. #1stimemom #firstbaby
Read moreHello mommies. Tanong ko lang po kung based sa experiences niyo, normal lang po ba yung pagsakit/madalas na pangangalay ng lower back kapag nasa last few weeks ng 1st Trimester? Ako po kasi parang madalas ngalay yung lower back ko tapos minsan kailangan ko talagang hanapin yung pinaka komportable ng pwesto pag hihiga (usually sa left side ako naka turn kasi pag right or pag flat na higa, hindi ako masyado komportable. Thank you mommies in advance. 💕 #theasianparentph #sharingiscaring #firstbaby #1stimemom #advicepls
Read more