Share my story b4 delete this app.

Gusto ko mag kwento ng karanasan ko 🙁 Gusto ko narin burahin to dahil naaalala ko lang yung baby ko 😭 August 31 2020 Tanghali palang may blood spotting nako pero walang masakit sakin so nagbedrest ako maghapon , kinagabihan meron nanaman , nagpasya nako na magpaIE sa ospital , pagIE sakin 2cm na masyado pang maaga para manganak ako🙁(27weeks) pinapatransfer nako sa mas malaking ospital na may incubator, umuwi muna kami. Nagtry kami ipahilot baka sakali na tumaas pa yung baby ko(twin baby) tinry namin pigilin paglabas nila dahil masyado pa talagang maaga kung lalabas na sila , pagtapos ako hilutin gumaan pakiramdam ko feeling ko hindi pako manganganak. Sept 01 2020 Umaga na simula nahilot ako wala pa naman ulit spotting kala ko talaga umangat na sila at hindi na magtutuloy tuloy yung 2cm, maghapon lang ako nakahiga at tulog. 5pm na sumakit na balakang ko ng husto naglalabour na talaga ako 😪 , nagpadala na ako ng Malolos Ospital kung saan dapat ako itatransfers pero mga 20mins palang kami nakakalayo sa bahay namin ramdam na ramdam ko na nalalabas na sila sabi ko sa driver ng ambulance wag na kami tumuloy ng Malolos at ihanap nalang ako ng malapit na ospital dahil lalabas na ung baby ko so bumalik na kami pauwi samin habang naghahanap ng ospital na malapit may limang ospital kaming nakita ngunit tinanggihan kami ung iba wala daw OB yung iba walang incubator . Hindi ko na talaga mapigil dahil nasa pwerta ko na sila nagpasya na kami ng LIP ko na iuwi ako sa bahay at don na manganak, habang pauwi kami nagpaready na kami ng mahihigaan at pinatawag na yung midwife . Pag dating namin sa bahay pagkahiga ko iniri ko na agad at lumabas na yung isang baby ko , nagtataka ako bakit hindi umiyak 🙁 makalipas ang 10mins humilab na ung isa naman lumabas hindi rin umiyak 🙁 pero sabi ng mga pinsan ko na nakakita ang cute at malikot daw yung baby ko . Nagtataka narin ako bakit hindi pinapakita sakin 😭 . Pagtapos nila nilinisan dinala na sila sa ospital na malapit para maincubator . Sept 02 2020 Sabi ng doktor 5% lang ang chansa na mabuhay sila dahil ang liit nila sobra bukod don 6months lang daw bihira daw talaga ang nakakasurvive sa ganong age ng baby 😭. 6am hindi na kinaya ng baby number #2 ko 😭 yung isa lumalaban pero nung sinabi ng doktor na pwede na iuwi yung si baby #2 mga 5mins lang bumigay narin si baby #1 😭 . Ps: Hindi ito yung unang beses na mawalan ako ng baby 😭😭 Lagi nalang premature kung manganak ako 😭 Ang sakit sakit na 💔 gusto ko lang naman maging isang magulang 😭😭😭😭😭

693 Replies

VIP Member

Hugs for you mommy. ❤💕 I don't know the exact words na mkakatulong sa pagpapagaan ng loob mo but one thing is really sure. God knows best. We may not understand now why this things happen but i believe rest assured na maghihilom din ang sakit na nararamdaman mo ngayon at malalagapasan mo din yan. It's not easy but i hope makaya mo. Im sorry for your loss. Godbless you and your baby the most. Isipin mo nalng na may mga guardian angel kna ngyon.

condolence po Mommy, Pakatatag ka po siguro hindi tlaga siya para sa inyo😔 Namatayan din po aq ng first baby ko last march2020 po. 3days lng tinagal nya sa nicu hndi koman lng sya naksama sobrang sakit ng time na un. Pero unti unti ako nag moveon inisip ko hindi siya siguro para sa amin kaya kinuha siya. At awa ng panginoon 35weeks na akong buntis ngayon hindi mawari ang kasiyahan ko ngayon😊 Pakatatag klang mommy malalagpasan modin po iyan.

same lang tau sis..1st baby ko din hndi pinalad premature din..then dis year july ang duedate ko..june plang nanganak na ako..8months lng cxa tas 1.5 kgs. pa..sa awa ng diyos nakasurvive siya..tiwala lng sa diyos sis.. tas next time na magbuntis ka ulit doble hanggang triple ingat ka na..pero sabe ng doktor saken..sa ating mga nanganak ng premature 4-5 years daw ulit bgo tau magbuntis para nakarecover na ung matres natin.

condolence mommy. i know where you are coming from. as of now im on my stage of recovery too due to my my first born baby. ansakit sakit isipin na ung inalagaan mo ng ilang bwan ay malalaman mo na lang na wala ng buhay. pakatatag tayo mommy. God has bigger plans ahead of us. trust the process. alam ko sobrang sakit at madami kang tanong. lalo sayo d lang 1st time nangyare. lets give our burdens to the Lord. God bless you mommy.

VIP Member

condolence po mamsh i feel you ngyre rin saken yan halos taon2 nabubuntis ako puro premature din baby ko, pero ngyng taon sa d ko inaasahang pagkakataon bnigyan ako ni Lord uli ng isa pang pagkakataon nagdsal ako kay God na pagbnigyan nya ko un na un.. ok lng kht isa bsta importante mabuhay ng normal at healthy.. ngyn 4mos na cya today actually 2mos if sa normal delivery.. bbgyan ka rin ni Lord ng baby.. pray lang po..

condolence po mamsh. sa susunod po na magbuntis k po ulit, dapat po nagpapaalaga ka po sa OB masyado po sensitive yung pagbubuntis mo para naaagapan na hindi ka po magpremature labor lalo na po pag twins pa, ako po twins din po baby ko, kakapanganak ko lang po nung july 15, so far ok naman po sila, alaga po ko sa ob. stay strong po. may plan po c Lord para sa inyong mag-asawa🙏🏻🙏🏻🙏🏻

Grabe naiyak tuloy aq parang aq sa una qng baby ba anim na buwan din ..ganyan di aq manganak kulang sa mga buwan ung huli q na 37 weeks lng sakto 36 weeks palang ng open na cervix q buti nalang ng inject aq ng steroid para maging mature ung puso at baga ni baby para khit anytime na manganak aq atleast may laban c baby nanganak aq 37 weeks sya sakto kaya d na cya na incu kc healty c baby paglabs

Condolence po...aq din nwalan ng first baby nung april 25,2020 ..naiiyak aq hbang nagbabasa at nkatingin sa mga angel mo mommy.. stay strong po may awa ang lord..🙏 parang bumalik lng ang sakit at ang saya ng mtapos q mbasa toh .ung feelings na excited ka ng mging magulang pero d natuloy 😓😭😭😭 ...eto kinakaya para mka try ulit..pray lng tayo mommy stay safe and healthy po.

VIP Member

Hugs mommy😘 born too soon din ang aking baby girl at talaga namang walang kasing sakit ang mawalan. Kung kailangan mo ng kausap andito lang ako. Wag mawalan ng pag-asa do not limit your expectation to the lord magpagaling ka at iready mo ang sarili mo sa darating mong blessings. Katulad ko umaasa din akong isang araw makapag uwi ako ng healthy baby sa aming tahanan🙏

VIP Member

Condolence mommy ☹️ No words can comfort you right now but I pray to the Lord to give you the strength to overcome this pain. I know someday he will make you realize why all these things happened. Isaiah 41:10 Don’t be afraid, for I am with you. Don’t be discouraged, for I am your God. I will strengthen you and help you. I will hold you up with my victorious right hand.

Related Questions

Trending na Tanong

Related Articles