Bastos na asawa
Gusto ko lang sana share experiences ko sa asawa ko ππ simula noon kasi hanggang ngayon nagtitiis parin ako para sa mga anak ko e. Kahit di na niya ako talaga binibigyan ng time tulungan sa mga bata pero okay naman ung pangbudget namin. Di kami magkasama sa bahay kasi sa manila siya nakastay para sa trabaho nya at uuwi lang siya once a week. Pero ngayon nakipaghiwalay siya dahil may pinag awayan kami at ayaw niyang lumabas na mali kahit siya talaga ang may mali sa amin. Sinabihan pa ako na hindi na magbibigay ng suporta. May times pa na binabastos na niya ako at family ko may mga tanong na nakita ko na daw ba ari ng kapatid kong lalake at tatay ko. Tingin ko napaka abnormal ng pag iisip niya dahil kung minsan matatanong pa niya na paano ang gagawin ko kung may mangrape sa akin or kung pano kung kapatid o tatay ko. Hindi ko na alam iisipin ko π wala rin makikinig at sasabihin na hayaan ko nalang