Stress sa pamilya

Hi. Gusto ko lang sana maglabas ng sama ng loob, kahit na walang pumansin neto okay lang.. nakatira ako ngayon sa family ko, ung asawa ko di kame magkasama dahil stay in sya sa trabaho. Ngayong may pandemic ako lang may trabaho sa pamilya namen kaya saken lang din sila naka asa. Ang kinasasama lang kase ng loob ko ung ugali ng nanay ko, panay ang parinig pag wala ng hawak na pera. Pag araw ng sahod ko tahimik sya pero makalipas ng 3 araw di na nya ko papansinin kase wala na syang pera tapos panay na ang parinig nya. Naiistress ako kase 6 months pregnant ako. Kahit pagod na ko pinipilit kong pumasok sa trabaho para lang may mabigay ako sa pamilya ko, sa totoo lang pagod na pagod na ko. Kakayanin ko naman sana kahit nahihirapan na ko dahil kahit pang budget ko binibigay ko na sa nanay ko pero may naririnig parin akong salita. Nakakasama lang ng loob pati ung asawa ko nagbibigay ng pera sa nanay ko pero pag naubos na ung pera di na nya kame kikibuin mag asawa. Kaya minsan nahihiya na din ako sa asawa ko, sinasabe ko na lang na wag na muna sya kumaen samen dahil puro parinig ang nanay ko. Gabe gabe na lang ako umiiyak kase nahihirapan ako pasanin ung pamilya ko, 6 kame sa bahay, sa dami namen di sumasapat ung kaya kong ibigay.. naiiyak ako sa hirap ng buhay na dinaranas namen ng anak ko. Hindi ko magawang umabsent kase nanghihinayang ako sa sasahurin ko, wala akong ibang choice kundi magtrabaho. Sobrang pagod na ko. Please pray for us ng baby ko, sana kayanin namen to. 😭😭

29 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Sis, nakakarelate ako kasi ganyan din ang setup ng family ko dati. Ako lang ang nagtatrabaho. 'Yung tatay at nanay ko walang trabaho, pati kapatid kong 24 yrs old at college grad naman ay walang trabaho!!! Hindi ko rin alam kung naghahanap ba siya ng trabaho, pero sinuportahan ko sila for sooooo long. Naging komportable na sila na laging binibigyan at may sumasagot sa lahat ng bills, at may pangluho kahit papano. Although hindi naman ako pinaparinggan ng nanay ko kapag wala na siyang pera, nitong 6 months pregnant ako may hindi kami pinagkasunduan at kung ano-ano ang pinagsasabi niya sa akin.. pati partner ko at baby sa tiyan ko nadamay!!! Take note na first apo niya itong dala ko ha? Hindi siya kinilabutan sa mga pinagsasabi niya sa akin sis â˜šī¸ 'Yun na 'yung turning point. 3-4 weeks after namin nag away, bumukod na kami ng apartment ng partner ko at never na akong nagbigay ulit ng pera sa parents ko. Ngayon puro parinig sa fb stories niya ang nanay ko (although hindi ko sini-seen, nababasa ko đŸ¤Ŗ) Tatay ko wala na rin paramdam.. dati 'yun lagi ako kinakamusta o dinadalaw. Masakit lang sa akin na kapag wala na pala akong mabigay eh hindi na nila ako papansinin. Buti pa 'yung kapatid ko kahit walang maibigay, mahal at suportado nila. â˜šī¸ Pero mas peaceful ang buhay namin ng partner ko ngayon. Hindi ako nabbwisit tuwing nakikita ko ang mom ko o kapatid ko. Madalang na madalang din kami mag away ng partner ko, and sabi ko nga, in general, mas peaceful ang buhay ko ngayon na dalawa lang kaming magkasama. Kung ako sa'yo sis, bumukod na kayong mag asawa. Una sa lahat, WALA kang obligasyon sa magulang / mga kapatid mo. 'Wag mo silang lumpuhin tulad ng ginawa ko dati. Unless bulag sila, o disabled, kaya nilang dumiskarte para kumita. Ang obligasyon mo ngayon ay ang asawa at anak mong sarili.. kaya doon ka mag-focus. Sa totoo lang, mahirap malayo sa family ko at 'di sila makausap pero ganon talaga eh. Tignan ko lang nyan kapag nanganak na ako kung iisnob-in pa rin nila ako at ang baby ko. Kung hanggang after akong manganak ay wala talaga silang pakialam sa amin.. I guess ganon na lang siguro talaga. At least nagpakilala sila kung anong klase silang mga magulang at kapatid. Wala akong pagsisisi kahit alam kong nahihirapan sila dahil wala na silang income. Pero kailangan nilang matutong dumiskarte. Lalo na 'yung kapatid kong walang trabaho hanggang ngayon. Actually, siya talaga ang inuubliga kong kumilos eh. Hindi ko alam kung may work na siya ngayon pero tingin ko wala pa rin. Hindi rin ako nagrreach out sa kanila. Magkakaalaman niyan in a few weeks dahil 8 months pregnant na ako ngayon.

Magbasa pa
5y ago

go go go. kaka proud ka!