Stress sa pamilya

Hi. Gusto ko lang sana maglabas ng sama ng loob, kahit na walang pumansin neto okay lang.. nakatira ako ngayon sa family ko, ung asawa ko di kame magkasama dahil stay in sya sa trabaho. Ngayong may pandemic ako lang may trabaho sa pamilya namen kaya saken lang din sila naka asa. Ang kinasasama lang kase ng loob ko ung ugali ng nanay ko, panay ang parinig pag wala ng hawak na pera. Pag araw ng sahod ko tahimik sya pero makalipas ng 3 araw di na nya ko papansinin kase wala na syang pera tapos panay na ang parinig nya. Naiistress ako kase 6 months pregnant ako. Kahit pagod na ko pinipilit kong pumasok sa trabaho para lang may mabigay ako sa pamilya ko, sa totoo lang pagod na pagod na ko. Kakayanin ko naman sana kahit nahihirapan na ko dahil kahit pang budget ko binibigay ko na sa nanay ko pero may naririnig parin akong salita. Nakakasama lang ng loob pati ung asawa ko nagbibigay ng pera sa nanay ko pero pag naubos na ung pera di na nya kame kikibuin mag asawa. Kaya minsan nahihiya na din ako sa asawa ko, sinasabe ko na lang na wag na muna sya kumaen samen dahil puro parinig ang nanay ko. Gabe gabe na lang ako umiiyak kase nahihirapan ako pasanin ung pamilya ko, 6 kame sa bahay, sa dami namen di sumasapat ung kaya kong ibigay.. naiiyak ako sa hirap ng buhay na dinaranas namen ng anak ko. Hindi ko magawang umabsent kase nanghihinayang ako sa sasahurin ko, wala akong ibang choice kundi magtrabaho. Sobrang pagod na ko. Please pray for us ng baby ko, sana kayanin namen to. 😭😭

29 Replies

Sis, nakakarelate ako kasi ganyan din ang setup ng family ko dati. Ako lang ang nagtatrabaho. 'Yung tatay at nanay ko walang trabaho, pati kapatid kong 24 yrs old at college grad naman ay walang trabaho!!! Hindi ko rin alam kung naghahanap ba siya ng trabaho, pero sinuportahan ko sila for sooooo long. Naging komportable na sila na laging binibigyan at may sumasagot sa lahat ng bills, at may pangluho kahit papano. Although hindi naman ako pinaparinggan ng nanay ko kapag wala na siyang pera, nitong 6 months pregnant ako may hindi kami pinagkasunduan at kung ano-ano ang pinagsasabi niya sa akin.. pati partner ko at baby sa tiyan ko nadamay!!! Take note na first apo niya itong dala ko ha? Hindi siya kinilabutan sa mga pinagsasabi niya sa akin sis ☹️ 'Yun na 'yung turning point. 3-4 weeks after namin nag away, bumukod na kami ng apartment ng partner ko at never na akong nagbigay ulit ng pera sa parents ko. Ngayon puro parinig sa fb stories niya ang nanay ko (although hindi ko sini-seen, nababasa ko 🤣) Tatay ko wala na rin paramdam.. dati 'yun lagi ako kinakamusta o dinadalaw. Masakit lang sa akin na kapag wala na pala akong mabigay eh hindi na nila ako papansinin. Buti pa 'yung kapatid ko kahit walang maibigay, mahal at suportado nila. ☹️ Pero mas peaceful ang buhay namin ng partner ko ngayon. Hindi ako nabbwisit tuwing nakikita ko ang mom ko o kapatid ko. Madalang na madalang din kami mag away ng partner ko, and sabi ko nga, in general, mas peaceful ang buhay ko ngayon na dalawa lang kaming magkasama. Kung ako sa'yo sis, bumukod na kayong mag asawa. Una sa lahat, WALA kang obligasyon sa magulang / mga kapatid mo. 'Wag mo silang lumpuhin tulad ng ginawa ko dati. Unless bulag sila, o disabled, kaya nilang dumiskarte para kumita. Ang obligasyon mo ngayon ay ang asawa at anak mong sarili.. kaya doon ka mag-focus. Sa totoo lang, mahirap malayo sa family ko at 'di sila makausap pero ganon talaga eh. Tignan ko lang nyan kapag nanganak na ako kung iisnob-in pa rin nila ako at ang baby ko. Kung hanggang after akong manganak ay wala talaga silang pakialam sa amin.. I guess ganon na lang siguro talaga. At least nagpakilala sila kung anong klase silang mga magulang at kapatid. Wala akong pagsisisi kahit alam kong nahihirapan sila dahil wala na silang income. Pero kailangan nilang matutong dumiskarte. Lalo na 'yung kapatid kong walang trabaho hanggang ngayon. Actually, siya talaga ang inuubliga kong kumilos eh. Hindi ko alam kung may work na siya ngayon pero tingin ko wala pa rin. Hindi rin ako nagrreach out sa kanila. Magkakaalaman niyan in a few weeks dahil 8 months pregnant na ako ngayon.

go go go. kaka proud ka!

Hi momsh di ka nag iisa. Dito din sa bahay ganyan sila, pero Tatay ko yung ganyan. Yung hubby ko is Engineer di kami nag sasama kasi may business silang sarili sa bahay nila super lagi syang busy. Every other day siya pumupunta dito and kung may chance naman anytime pumupunta sya para masabayan ako kumain (1hr byahe from his place) Ngayon, ang tatay ko is business minded, siguro gusto niya makatulong. Pero everytime na kakausapin niya hubby ko is about sa pera. Inuutangan nya. Kaya yung hubby ko parang umiiwas na dito sa bahay. Meron pa sinasabihan niya ng business si hubby ko, alam ko naman tinutulungan kami ng papa ko. Pero pag hindi umagree si hubby ko hindi kami kakausapin ng tatay ko (hindi talaga sya maka agree sa proposal kasi nga pinapaikot niya yung pera and may bayarin din sya) ayun lang. Ang hirap lang din sa part ko kasi naiipit ako. So sayo mamsh, tiisi lang. Hayaan mo na pag magkasama na kayo ni Hubby mo hindi na ganyan. Kaya sana maging ok na tong panahon para makaalis ka na sa bahay niyo 😊

same here, 7months na tyan ko at nag tatrabaho padin ako. pero thankful ako kahit tamad sila dito sa bahay wala naman akong maririnig. pero may asawa ka naman ate pwede kang lumipat mo na dahil may asawa naman na nag susuporta sayo. ako nga eh kong may partner lang ako pipiliin ko ding hendi tumira sa parents ko pero wala eh mama ko lang meron ako :) Kaya laban ka nalang mona, wag kang iiyak lage, kasi sasakit puson mo yan, tsaka wag mong ibigay lahat mag tira ka para sayo kahit pang bili lang ng pag kain na guto mong kainin at gamit at gamit na gustong belhin, bawas stress na yon :)

Nakarelate ako and eto ngayon ung pinagdadaanan ko. 35 weeks na ako and gusto ko na mag early leave para makapag ready na ko para sa panganganak pero hindi ko magawa kasi ipaparamdam nila sayo yung guilt kapag magleleave ka kasi walang magbabayad ng kuryente. Tapos kapag galit pa sila, parang aso nila akong pinapalayas na akala mo wala akong naiitutulong sa bahay. Pakiramdam ko nadedepress nako. Yung daddy naman ng baby ko, wala din akong maasahan kasi siya pa yung nangungutang sakin imbes na siya yung nag iipon. Sobrang naiiyak ako minsan gusto ko nalang mamatay...... 😢

Sis grabe naman 'yung gusto nang mamatay. 'Wag po ganon ☹️ Kawawa si baby 😭

VIP Member

Mami, Fighting! Lakasan mo lang ang loob mo para kay baby. Mahirap talaga Kung ikaw ang inaasahan ng pamilya mo, lalo ngayon nataon na pandemic. But pls mami, ingatan mo parin sarili mo dahil risky tayong mga buntis ngayon, di bale sana kung work from home ka. Pero Proud ako Sayo kasi ni hindi ka sumumbat sa mama mo, kinakaya mo parin ang hamon ng buhay. Habaan mo pa ang pasensya mo at higit sa lahat tibayan mo loob mo, wag ka po magpakastress hindi healthy kay baby yun mami. Tiis lang mami at makakaahon din sa hirap ng buhay.

i feel so blessed galing pa ako manila umuwi ng davao sobrang hirap ng byahe dahil sa pandemic pra sa 8mos pregnant na tulad ko,pagdating ko sa amin na quarantine ako ng 14 days kya bibigay sana ako pera pra png gastos sa pagkain ko hbng sa quarantine pero hnd tinanggap ng nanay ko mas kailangan ko dw kc manganganak na ako kaya humingi sya ng pera sa tatay ko pra dw paayos ng kusina pro gagamitin nya png gastos sken, kaya naiyak ako sa kwento mo na bakit may ganung klaseng nanay na pra bng hnd ka galing sa knya kung tratuhin ka.

Its pandemic tapos preggy ka pa nakakasama sa baby yan. Bakit di niyo itry na magbukod? Magbigay ka pa rin sa family mo pero kung magbubukod kayo hindi lamg peace of mind ang magkakaroon kayo pati matuto kayo mabuhay ng kayong dalawa ng husband mo. Nag asawa kana dapat dj na sa bahay ng magulang. O kaya sa side ng parents ng husband mo try mo muna dun kayo kausapin mo mader mo para walang gulo at always pray na di sana pinaglihi sa sama ng loob anak mo just kidding magpray ka para sa inyo ng anak mo 😉

Super Mum

Hi sis. Sobrang hirap naman po ng gnyan. Nalulungkot lng ako kasi buntis ka at sa pnahon ngayon na dpat may pandemic hndi mo dpat pnipilit ang sarili mo na pmasok sa work. Isa pa sis, may asawa kna hndi mo na obligasyon po magbigay sa fam mo, ok lng po magbigay pero sobra naman yung sa sitwasyon mo inaabuso ka na. Tandaan mo na buntis ka , kailangan doble ingat ka na wag masobrang pagod at hndi po healthy para kay baby ang mastress ka lalo na't araw araw kang umiiyak. God Bless po.

Dapat lang n magbigay ka dahil nakatira ka sa kanya, gumagamit ng facilities, kumakain araw-araw, etc. If you think na hindi yun fair pakuha ka sa asawa mo, na dapat lang Kasi mag-asawa n kayo. Wala k n magagawa sa ugali Ng nanay mo. Probably frustrated siya Kasi umasa siya na ikaw nga ang papasan sa inyong pamilya pero nag-asawa ka. Ugaling makaluma. Lesson to sating mga magulang. Hindi lang yaman Ang anak, responsibilidad din.

mommy kausapin mo si Nanay mo. heart to heart kayo. Sabihin mo lahat ng saloobin mo. Mahirap po kasi talaga pag sama sama pero kasi sa panahon ngaun mahirap talaga bumukod kasi mahal ang renta. pero pag kaya nio na mag asawa bumukod kayo. Para mawala lahat ng sama ng loob mo. mahirap pag malungkot ang mommy apektado si baby 😔 Pag pray mo lang si Nanay mo. God Bless You ❤

Related Questions

Trending na Tanong

Related Articles