Ano ba ang owede gawin?

Hello. Gusto ko lang sana mag rant. Sobra na akong nabuburyo dito sa bahay and sobra na rin nalulungkot. Feeling ko kase lagi akong mag isa. Pumapasok yung partner ko as service crew and lagi syang umuuwi ng late gawa nga ng laging ot. Minsan nalulungkot ako kase parang paulit ulit lang mga ginagawa ko araw araw. Kaming tatlo lng ng papa nya dto sa bahay and madalas dn wala yung papa nya. Ni wala akong makausap dito. Parang uuwi lang yung partner ko dto pra matulog, kumain at mag cellphone then pasok na uli. Okay naman sya kase working sya and ginagawa nya naman lahat pra makapag provide pero kase minsan gusto ko rin na yung atensyon nya bumaling naman sken. Gusto ko rin naman na kausapin nya rin ako. Tanungin kung okay lang ba ako. Kase sobrang naiinip na ako and nalulungkot dahil araw araw na lang paulit ulit lang ginagawa ko. Gigising, kakain, cellphone, work then tulog. Naka Sick leave ako ngayon kaya wala tlga akong magawa. Gustuhin ko man umalis at gumala kaso natatakot ako baka may mangyare samen ni baby since mabilis pa naman ako mapagod. May ibang way pa ba kayo para mawala yung gantong nararamdam ko? Hindi na ako naaaliw sa tiktok dahil puro stress lang yung andon. Ano po ba dapat ko gawin?

14 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply
TapFluencer

nagtotongits go ako pag naiinip haha. pero minsan din nararamdaman ko yan mommy. gagawin ko video call ko si mama nun. kwentuhan kami kahit paulit2. mabilis din kasi ako lumungkot. di ko mamalayan oras na ng paguwi ng asawa ko. masaya na ako ulit. kahit paulit ulit sagot at kwento nya naaaliw ako pag kukumustahin ko sya sa trabaho. tapos syempre paghahanda ko ng merienda. tapos baka manood kami ng movie depende sa mood nya. nago kayo matilog sis usap kayo, kwentuhan, kahit about lang sa buhay nyo nung di pa kayo magkasama sa iisang bubong. 😊. mahilig ka ba magluto? subukan mo mga recipe online na di mo pa nattry lutuin. magbasa ka ng libro, sumulat ka ng journal na pwede mo ipabasa sa baby mo paglaki nya. hmm ano pa ba. wala na ako maisip e. ako din kasi naiinip sa bahay minsan. πŸ˜…

Magbasa pa
4y ago

thank you sa mga suggestions! ❀️😊