LDR and pregnant
Sobra na tong lungkot ko gusto ko lang i-out. 12weeks pregnant. Magkalayo kami ni BF due to work. 2x a month lang kami nag kikita. Dati ok naman ako sa set up namin pero ngauon parang feeling ko mag isa lang ako sa journey na to. Although hindi nya ako pinapabayaan like nag cocommunicate at nag papadala sya ng needs ko. Iba parin yung nakikita at nakakausap ko sya araw araw. Nagtry ako kausapin sya about moving together kaso hindi pa namin kaya kase nag stop ako mag work kase pinag bedrest ako kaya resign. Sya nalang yung may work. Kung mag aapartment kami magastos. May ipon na kay baby pero nag iipon parin for emergency and sempre check ups ko. Sobrang nalulungkot na ako kase minsan gusto ko kayakap sya. Wala akong magawa kundi intindihin sitwasyon namin kase pag nagsabi nanaman ako na mag apartment kami para namang pinepressure ko sya at alam ko naman na hindi pa kaya. 🥺#1stimemom #firstbaby #pregnancy