Strict Breastfeeding sa Hospital

Gusto ko lang pong i share nung nasa ospital kami iyak ng iyak yung anak ko kasi wala siyang madede sakin. As in magdamag syang umiiyak. D ko na alam gagawin ko kaya lumapit kme sa nurse at nagrequest kung pwede humingi ng breastmilk sa storage nila. Ramdam ko kasi na gutom na gutom na sya kaso nga wala syang madede sakin. Kahit sugat na yung nipples ko pinipilit ko sya padedehin kaso wala tlaga nalabas. Ang sabi nung nurse para lang daw sa premature at may sakit na babies yung breastmilk. Naiintindihan ko naman sila pero magdamag na kasi naiyak yung anak ko. Hindi talaga sia natahan. Tapos ayaw naman nila ng formula kasi nga bawal. Strictly breastfeeding lang daw sa ospital. Ang sakin lang naman naaawa na ako sa anak ko kasi wala sya makuhang milk sakin kaya gusto ko sana mag formula muna sya. Umaga na naiyak pa din si baby pero hindi pa din sila naawa. Wala akong choice kundi mag antay na idischarge kami para lang makabili ng formula. I support breastfeeding pero d ko kaya makita yung anak ko na nahihirapan na kakaiyak dahil sa gutom. Gusto pa ata nila intayin na madehydrate yung anak ko. Pinag formula ko agad c baby paglabas namin ng osptal at dun lang siya tumahan at nakatulog ng mahimbing.

20 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply
VIP Member

Sad. 😔 But that's true sa mga government hospital talaga they strictly follow the EO 51 or Philippine Milk code. Pero sana sa circumstances like that, naiwwave yan or gawan man lang nila ng paraan, kasi at that very moment fed is best. Gutom yung baby e. 😔

Post reply image
6y ago

Aww. Too bad. So depende din pala sa private hospital, i gave birth sa Medical city, pedia ko pa mismo nagprescribe ng formula ni lo for medical reasons na mas ikabubuti ni baby.. But now exclusive breastfeeding na pinaubos ko lang formula 😊