Strict Breastfeeding sa Hospital

Gusto ko lang pong i share nung nasa ospital kami iyak ng iyak yung anak ko kasi wala siyang madede sakin. As in magdamag syang umiiyak. D ko na alam gagawin ko kaya lumapit kme sa nurse at nagrequest kung pwede humingi ng breastmilk sa storage nila. Ramdam ko kasi na gutom na gutom na sya kaso nga wala syang madede sakin. Kahit sugat na yung nipples ko pinipilit ko sya padedehin kaso wala tlaga nalabas. Ang sabi nung nurse para lang daw sa premature at may sakit na babies yung breastmilk. Naiintindihan ko naman sila pero magdamag na kasi naiyak yung anak ko. Hindi talaga sia natahan. Tapos ayaw naman nila ng formula kasi nga bawal. Strictly breastfeeding lang daw sa ospital. Ang sakin lang naman naaawa na ako sa anak ko kasi wala sya makuhang milk sakin kaya gusto ko sana mag formula muna sya. Umaga na naiyak pa din si baby pero hindi pa din sila naawa. Wala akong choice kundi mag antay na idischarge kami para lang makabili ng formula. I support breastfeeding pero d ko kaya makita yung anak ko na nahihirapan na kakaiyak dahil sa gutom. Gusto pa ata nila intayin na madehydrate yung anak ko. Pinag formula ko agad c baby paglabas namin ng osptal at dun lang siya tumahan at nakatulog ng mahimbing.

20 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply

May mga kinokonsider sin bakit sya iyak ng iyak baka hirap mag latch or kung nakaka latch naman ay shallow latch lang hndi nya makuha lahat sana pina check nyo muna kung lip tie or tongue tie si baby isa din kase dahilan yun. Sayang yung colostrum mo mommy sana nakakuha si baby sayo yun pa naman pinaka importante pang palakas ng immune system yun...anyways tinignan nyo po ba yung urine at poop out put if basa naman ang diaper ibig sabhn meron sya nakukuha sayo and hindi talga lalabas ang gatas kapag hindi nyo pinapasipsip sa kanya....ngaun po naka bote na kayo sana itry nyo padin ibreastfeed si baby and sana hndi sya ma nipple confuse. Once ma nipple confuse na sya mahihirapan na kayo ibalik ulit sya sa dede nyo. Mahal pa naman ang formula...sali po kayo sa breastfeeding pinays sa group ng fb madame kayo matututunan dun....ang public hospitals po kase kailangan sumunod sa guidelines ng DOH. Para naman po sa babies natin yun

Magbasa pa

Ganyan po talaga mamsh. Sa pinag anakan ko ganyan din. Cs din ako. Pero sila ang reasom kung bakit napush ako sa pagbreastfeed kay lo. Hindi kasi tlga lalabas yung milk kng hindi ipapalatch kay baby. Maswerte lang ako kasi the same day na nanganak ako lumabas din ang gatas ko. Kasi nga bawal ang fm. Kahit nga feeding bottle ayaw ipalabas. Pero yung sa friend ko same kyo 2 days bago lumabas milk nya so pinapunta nya ako sa hospital para mapadede ko yung baby nya kasi kawawa gutom na. Lumabas na po ba yung milk mo mamsh? If yes pls stop na sa FM. Mag EBF po kayo. Beneficial yan sa inyo and lalo na kay baby.

Magbasa pa

Ahh... Baka po wrong latch kayo kaya nagsugat ang nipples niyo kaya wala po siyang madede. Sinlaki lang po ng cherry ang bituka ng baby. Kaya minsan akala lang po natin walang gatas. Pero ang tamang paglatch ng baby ang magtritrigger sa utak ng mommy na maggawa ng gatas. Law of supply and demand. Tapos dapat alam niyo po un cues kung kelan siya dapat pakainin para di siya un galit na galit. Hindi po kasi sila dedede pag galit sila kasi ang tendency mapapagod sila kaya matutulog na lang. Sana tinuruan po kayo at inalalayan kayo ng hospital staff lalo na ng pedia niyo ng tamang latch lalo na sa first time mommies.

Magbasa pa
5y ago

Baka po growth spurt kaya iyak ng iyak. Sa feeding naman, alam mong may nakukuha ang baby kung may napupupu or iniihi siya

VIP Member

Kayo lang po ba sa room? I remember may kasama kami sa room noon na inverted nipple sya. Umiiyak baby nya dahil gutom din siguro and the other moms offer their breast para sakanila muna padedehin yung baby. Nakaka lungkot isipin na kung may kasama nga kayo sa room e wala man lang ibang mommy na n ag offer na sakanila muna padedehin baby mo. Or hindi man lang din nisuggest ng mga nurse at pedia na nakaduty. 😧

Magbasa pa

Ako wala akong pake sa ospital kahit strictly breatfeeding sila .. nung paglabas ng baby ko may nakukuha siyang milk sakin but kinabukasan wala na as in gabi pa naman nun at di talaga siya nakakuha ng milk sakin kaya iyak ng iyak walang magawa ang nurse so ni lock ko ang pinto at finormula ang baby ko ayun tulog agad siya after..b

Magbasa pa

Kht strict bf sis pwde m yun itakas kme nun pinayagan itago nga lang dw kc may nagiikot. Pedia ba ng baby mo hnd snbe yun? Pinagformula nmen c baby ng 1 day mula nilabas sya kc wala nman tlga llbas pa sa boobs ng bagong panganak p.. pinabili kme ng pedia n baby s26 maliit wag lang dw ppkita sa nagrrounds...

Magbasa pa
5y ago

Ayaw po nung pedia eh d nga aq niresetahan ng formula

Naku! Relate much ako! Ika 5th day pa dumating BM ko.. pinipilit ng ospital na breastfeed. Bawal formula. I-latch lang daw. Kawawa baby ko. Iyak ng iyak. Wala madede. Di nila maintindihan na di perfect ang mundo. Di lahat day1 may gatas na. Pag labas dn ng ospital, bumili muna kami formula.

5y ago

CS nga dn pala ko.. oo nga bawal kain and inom. Nakaasa sa dextrose.

Relate much ako momsh .. pero sabi sakin ng isang nicu nurse nun ipa unli latch lng daw kasi may nkukuha daw na milk si baby kahit kunti .. malalaman daw yun pag tumahan c baby at makatulog . Cs pa nman ako .. wla pa ngang 24hrs yung operation ko pabalik2 na ko ng nicu para lng iBF si baby .

5y ago

Hnd po natahan c baby nun kaya alam ko na wala siang nakukuha. Magdamag kaming gising.

VIP Member

Sad. 😔 But that's true sa mga government hospital talaga they strictly follow the EO 51 or Philippine Milk code. Pero sana sa circumstances like that, naiwwave yan or gawan man lang nila ng paraan, kasi at that very moment fed is best. Gutom yung baby e. 😔

Post reply image
5y ago

Aww. Too bad. So depende din pala sa private hospital, i gave birth sa Medical city, pedia ko pa mismo nagprescribe ng formula ni lo for medical reasons na mas ikabubuti ni baby.. But now exclusive breastfeeding na pinaubos ko lang formula 😊

ganyan din ako mommy buti nalang may dinala ako emergency na formula milk and feeding bottle kasi iyak din ng iyak baby ko naawa ako, patago ko lang siya pinapadede sa feeding bottle nung nasa hospital kami