I have no one to talk to..sana po mapansin nyo ako

Gusto ko lang po sana humingi ng advice kung ano po ang best thing na dapat ko po gawin. Madalas po ako magisa sa bahay kasama lang ang anak ko kaya wala po ako makausap. Hindi ko npo kc alam pa kung ano ang dapat kong gawin. OFW po mister ko, pero as of now working xa as private servce gamit po ang sasakyan namin. Buntis po ako sa 2nd baby namin..(13wks) 8yrs old na 1st baby namin. Last 2months po kc nagtalo kami, hindi ko po alam na buntis naq nun kaya po pla masyado aqng sensitive. Simula po nun tinago na nya ang account nya sakin na normally kung wala po syang iba ay never nya po ginagawa ang bagay na un. One time nabuksan ko po ang account nya at may deleted msg po sya sa isang babae at panay puso po sya sa pics nun. Nabasa ko rin na nagpost ang babae na miz na kita at nagreply naman ang asawa ko ng miz na din kita agad. Kinausap ko asawa ko tungkol dun pero sb nya biro nya lang daw un. Pinagbigyan ko po sya sa part na un. Pero nagtataka po ako na kung kelan dalawa na anak namin ay saka sya humihingi ng privacy sakin. Nagtalo kami ng matindi nung nakaraan na to the point na iiwan nya kami for the 2nd time pero di natuloy dhl bumalik xa para makipag ayos. Yung 1st time po ay nung mambabae xa sa kapwa nya kasamahan sa trabaho at iniwan kmi ng anak ko for 2yrs kht 2yrs old lang po ang anak namin nuon. Bumalik xa nung parehas clang mawalan ng trabaho sa barko at napauwi cla. Tinanggap ko..dhl auq ng broken family at naaawa aq sa anak ko. Kagabi lang nagaway na naman po kami. Reason? may pasahero xa na nagpapasama sa kanya at sasamahan daw nya kht 10pm pa yan at magmotor na lang daw cla. Bata pa ung babae at may bf. Nakita ko kung panu sya makipagbiruan sa babae, hnd nyo po ako masisisi kung bakit ko sya pinuna dhl nambabae npo sya nuon at literal na inabandona kmi ng 2yrs. After ko sya kausapin sa issue na nakita ko ay agad nya ulit pinalitan ang pw nya at inalis ang status na kasal kami. Maduda daw aq masyado at makitid daw ako. Sa klase ng pagkakakilala ko sa knya, hnd ko maiiwasan ang magisip. Hindi ko na ata alam kung paano ang magtiwala ulit sa kanya. Ano po ba ang dapat kong gawin? Salamat po sa sasagot sakin 😢

38 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Hi mommy, nalulungkot ako sa situation mo now, mahirap kasi tlga yung gnyan eh. Pero advice ko lang sayo na sana maliwanagan ka, hindi sa lahat ng pagkakataon kailangan natin maging martyr lalo na kung gnyan klaseng tao.. Base sa nakikita ko hindi ka na nya nirerespeto bilang babae lalo na bilang nanay ng mga anak nyo, buntis ka pa man din pero stress lang ang hatid nya sayo.. Lagi mo tatandaan sis na kung nagawa ka nyang iwan nung una plang kaya nya ulit gawin yun without hesitation kasi hindi mahalaga sa knya ang family. Tska kung family oriented sya hindi sya mkikipaglandian sa iba to the point na kailangan pa nya maglihim sau. Bilang babae masakit yun para sa atin at redflag na yun. Payo ko lang sayo momsh iwan mo nlng sya mag focus ka nlng sa anak mo at pinagbubuntis mo. Hindi ka papabayaan ni lord believe me.. Gnyan din ako sa first father ng anak ko pero now nakakilala ako ng matino. imagine 11years akong naghintay pero binigay sakin ni lord yung taong kaya akong respetuhin at mahalin ng buo.. Time will heal sabi nga nila.. Pero in the process of healing dapat matutunan din natin mahalin at irespeto ang sarili natin. -prayingforyouandyourbaby 7mos preggy mommy here 🙏💕

Magbasa pa