Regrets at some point
Hi! Gusto ko lang magvent out ng nararamdaman ko, please do understand kung masyado lang ako emotional. Mahirap pala talaga na umaasa ka sa mga taong akala mo makakatulong at totoong may malasakit. I'm currently 24 weeks pregnant, since nalaman namin ng boyfriend ko na buntis ako, sinabi agad namin ito unang una sa family nya. My bf is living with his tita (senior, biyuda, walang anak) and mas malapit sa work so apparently nung nalaman ng family nya na sinasamahan ako ng boyfriend ko sa apartment dahil nga preggers ako, nagworry sila dahil wala ng kasama yung tita ng bf ko so ako na lang nag insist na wag na ako samahan. Dahil nga naiipit ang boyfriend ko between me and his tita, nag udyok na din yung family nya na isama na din ako sa tinitirahan nya para na din daw may makakatulong at makakasama ako habang nagbubuntis when in fact pwedeng naman nilang pauwiin na lang yung tita nya sa province pero ayaw nito. We also planned to get married sana last April but dahil sa covid cases hike, nakaresched na this December. Yung unang weeks ko okay naman yung tita nya, madami lang comment sa bawat luto ko na ayaw nya naman gawin dahil di nya daw gawain yun at napipilitan lang sya dahil yung asawa daw nya noon ang nagluluto para sa kanya. Sa amin na din pinasa lahat ng gastos sa bahay kahit alam nya need namin paghandaan si baby at yung wedding. Yung boyfriend ko lang yung may work sa aming dalawa dahil bago ako mabuntis nawalan ako ng work. Ako na yung lumalabas para bumili ng pagkain naming dalawa ni tita kahit sobrang hirap dahil sa hilo gawa ng pagbubuntis. Nakita nya din kung paano ako bumagsak sa kusina at paano nya sinawalang bahala yung nakita nya at never nya ako inalok ng pagkain na binibili nya na pang sarili nya lang kahit minsan gutom na gutom ako at nararamdaman ko si baby. Dahil na-fed up na ako, nagdecide ako na ayaw ko na sya sabayan sa pagkain at kausapin dahil puro comparison lang sa ibang babae ang nasasabi nya like bakit hindi ko daw sinubukan magwork from home dahil nga nagwork ako noon as CSR. Bahala na yung partner ko kung sino yung gusto nya kasabay sa aming dalawa, kalimitan ako na lang nagpapahuli. Ngayon everyday nababasa ko yung messages sa partner ko kung paano galit na galit yung family nya sa akin dahil umiiyak yung tita nya dahil nagsusumbong na parang hirap na hirap sya na kasama ako, pakiramdam nya daw sya na lang nakikitira sa sariling bahay nya. Wala naman ako magawa kundi iiyak ko na lang yung mga nababasa ko against sa akin at walang i-expect sa bf ko dahil sanay na ako na tikom sya sa lahat ng bagay especially kapag usapang pamilya. Umuwi ako sa bahay ng family ko, naglabas ako ng sama ng loob sa kanila pero mali ako ng napuntahan dahil lalo lang nadagdagan yung stress. Nakalimutan ko palang nakikitira kami ng bf ko at di dapat ako nagrereklamo at kailangan ko ng pang unawa. Di ko na alam kung saan na ako pupunta at lalapit, parang gusto ko na lang maghanap ng work, lumayo pero buntis ako. At some point may regret na dapat naging stable muna kami ng partner but in fact, kayang kaya naman namin bumukod pero magagalit naman yung family nya dahil maiiwan yung tita nya. Nagtitiis ako ngayon sa maliit na kwarto, maghapon na nakakulong at walang makausap, iniiyak ko na lang sa sarili ko kung anu man yung sama ng loob ko. Masyado ako nag e-expect sa mga taong akala ko bibigyan ako ng comfort at taong totoong may malasakit sa pinagbubuntis ko.#1stimemom #firstbaby #advicepls