What To Do

Hirap ng sitwasyon ko. Muslim Boyfriend ko at ako naman Catholic. Halatang ayaw sakin ng family nya... Ayaw makipag usap ng family ng boyfriend ko sa family ko. Need lang ng advice.

12 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

I've been in your shoes, nkipag hiwalay ako.. for couple of reasons. 1. diff. culture, ibang iba kinalakihan Niya sa nakasanayan ko.. walang say Ang babae sa muslim culture. 2. legal mag dagdag ng asawa. (ayoko Ng ganun) though icoconsult k muna bago mag dagdag, pero Yung sense na mag dadagdag once my magustuhan siya is not ok for me. 3. paano ko papalakihin magging anak nmin Kung mag kaiba kami ng upbringing. I don't know Pano sila mag alaga baka pag npunta ako dun maging alipin lng din ako and Hindi ko magawa gusto ko. 4. paano Ang kasal. 5. need ko mag convert to muslim. 6. Ang gulo ng order ng pangalan Nila. and etc. etc. etc.. bago pa ko malagay sa alanganin tinapos ko na kahit gusto ko siya.. Love alone is not enough. kailngn marami parin kayo similarities Lalo na sa values. Sana makatulong. npakahirap mag asawa dahil makikisama ka sa taong d mo nkasama sa isang Bahay habang lumalaki. maraming adjustments.. wlang fairytale sa buhay mag Asawa kaya mamili k Ng mabuti. once k lng ikakasal kaya pag isipan mo. matatapos n kaligayahan mo bilang dalaga pag nagpakasal at nag anak n kayo. be wise... pinili ko Yung same belief ng katulad Ng sakin. why? maramj p kaming hindi pag Kakasunduan at least bawas ng isang problema.

Magbasa pa

You both have to decide if continuing a relationship with different beliefs is a priority. Truly love conquers all but it has responsibilities. 1. Does the relationship has an intent for marriage 1 to 2 years from now? 2. What religion will your children have? 3. Anong level of interactions with your in laws (both yours and his) each of you expect from both? (Ex. Tuwing kailan ang bisita, paano ang holiday, eid, Ramadan, Christmas, holy week) 4. Worst case scenario :Kaya mo ba o kayo niya ba maputol relasyon ng Parents sa inyo kung nagkataon? 5. As lalake, siya mag eexplain sa pamilya niya. If ipakilala ka as Gf or what, there's no such thing as Gf to muslim parents kasi possible na feeling Nila pang short time lang so he has to explain his intent and real feelings if sila ba ay bibisita para mamanhikan para ikaw maging fiancee. Di mo sila mapipilit na bumisita para lang to meet for lunch o dinner. May purpose dapat. 6. Anong klaseng Marriage Ceremony gagawin niyo? Catholic, Islamic, civil. 7. Talk about financial responsibility also.

Magbasa pa
4y ago

totally agree with this

yung kaibigan ng papa ko ganyan din, yun nga lang si tito yung katoliko at yung asawa nya yung muslim. pareho silang kasal sa dalawang religion. kung ano yung bawal kapag muslim ndi nila ginagawa. parang respect pa din sa religion nila. tapos yung mga anak naman ganun din, ngayon may sarili na silang isip sila na pipili kung san nila gusto. advice ko naman sayo, magusap kayo ng bf mo, kausapin nya kamo yung family nya para kausapin family mo. kasi kung kasalan na yan tapos ganyan baka maging dahilan pa ng di magandang pagsasama nyo yan.

Magbasa pa

Discuss with your boyfriend anong gusto nyong gawin. If you love each other that much na kaya mong indahin yong fact na ayaw ng family niya sayo then go on. I hope your family will understand . Your family loves you and it might be difficult for them to see you na nasasaktan and nahihirapan sa situation nyo. But if you think it’s worth the pain , then go on but if not... let go.

Magbasa pa

same scenario sis, kaso yong hubby ko INC ako Catholic meron akong dalawang madre kaya mas lalong di papayag na mag pa convert ako sa INC, sabi ng hubby ko sya nalang daw mag adjust lalo na di Naman na sys nagsasamba at nagsisimba na sya sa katoliko, walang naman sa religion yan basta may Faith ka kay god at kilala mo sya, respect nalang sa religion niyo sis.

Magbasa pa

kung ayaw maki pag usap ng pamilya ng bf sa pamilya mo walang problema.sa totoo lang kayo nmn ng bf mo bubuo ng pamilya kung ayaw nila sayo go lang!! go ka pden as long as mahal ka ng bf mo at nag mamahalan kayong dlawa walang makaka pigil sa inyo.. lakasan mo lang loob mo!

Ayun Lang.. Hindi niyo b to pinag usapan bago naging kayo? 😅😅 D mo sila mapipilit. Bf mo n lng mkikipag usap sa family mo siya nman lalaki.. at sa knya k nmn makikisama. . Prob lng niyan pano pag gusto Niya mag dagdag Ng Asawa?

yung sister ko nag asawa ng muslim, kami christian. ayun hindi nakayanan ang kultura ng muslim, nagkaanak ng 2 at nag asawa ung asawa nya uli ng iba... ang ending na-depress ate ko for a couple decades di pa rin gumagaling.

ganyan din classmates ko , pero until now sila pa din wala nga lang kasal , di pa din sila nagsasama btw yung babae ang muslim yung mother nya ok lang yung tatay nya ang ayaw. Matagal na dik silang mag gf/bf

Muslim din ang bf ko and Baptist ako. Na meet ko na ang father and sister Niya but not including the other members. But as I can see sa iba niyang kapatid na same situation samin, tanggap Naman nila.