No salt and sugar under 1 year old
Diba po bawal pa sa mga baby under 1 year old ang salt and sugar? Maglalabas lang po ako ng sama ng loob dito. Wala kasi akong ibang mapagsabihan eh. Yung daddy kasi ni baby(partner ko) at lola nya (mama ng partner ko), gusto pakainin ng kung ano ano. Nung una, pinatikim sya ng lugaw na kung saan saan lang nabinili. Eh ano bang malay ko. Mamaya may vetsin pa yun. Tapos minsan pag di ako nakatingin, papakainin nila ng champorado, salad, at kung ano ano na bawal pa sakanya. Nahuhuli ko na lang minsan. Naiinis ako. Sabi nila tikim lang naman daw. Tapos kanina lang, naaawa sila kay baby kasi nga ayaw ko pakainin nung pinapakain nila na oatmeal na may milo. Okay sana kung oatmeal lang. Eh may hinahanda na nga akong pears at beans na kakainin ni LO eh. Nung papakainin ko na si LO nung hinanda ko, sabi ni LIP "handa ka ng handa ng ganyan sakanya, di naman nya kinakain yan." Me: kinakain nya yan. LIP: nauubos ba? Me: syempre hindi. Hindi pa naman nya kayang ubusin lahat. Naiinis ako kasi wala akong kakampi dito sa bahay. Parang pinagtutulungan nila ako. Ang gusto ko lang naman eh yung makakabuti sa anak ko. Kung meron lang ibang taong magsasabi sakanila na bawal eh, siguro makikinig na sila. Di kasi sila naniniwala sakin na bawal, dahil nung bata daw si LIP kung ano ano daw pinapakain sakanya. Like cerelac, lugaw, etc. Please enlighten me. 😢 Minsan kasi parang gusto ko na lang sumuko. Yung para bang, "sige na kayo na bahala magpakain dyan. Pakainin nyo ng kung ano gusto nyo." Pero syempre pinapalakas ko pa loob ko na ako nanay eh. So ako masusunod sa anak ko. Hayyysss 😢 #1stimemom #firstbaby #advicepls