Bukod ng bahay

Gusto ko lang maglabas ng nararamdaman dito, We are currently living with my in laws, nagiisang anak lang kasi ang asawa ko and siya ang breadwinner. Walang trabaho or source of income ang mama at papa niya kaya siya lahat. Okay lang naman sana kami dito, kaso ako wala ako peace of mind at lahat ng nasusunod ay yung byenan kong babae, malakas kasi ang personality niya at ako naman ay introvert. Mahabang kwento, pero hindi ako comfortable at hindi din kami ganon naguusap kundi about sa bata Mag 2 years na kami dito nakatira and may 1year old na din kaming anak. Ngayon ready na kami bumukod, at magrerent na lang. ngayon, pinipigilan niya kami and kinakausap niya mga kaibigan ng asawa ko para kausapin. Nagkkwenta kasi yung byenan ko dahil sa gastos daw, nagresign kasi ako sa work at yung anak niya ang lahat. Pero kaya niya naman kami buhayin. Hay ang hirap kapag nasanay sila na oo lang sakanila lagi anak nila. Ang hirap lang kasi hindi ko man lang makwento sa pamilya ko, sa asawa ko lang lahat tapos busy naman siya lagi sa trabaho.

17 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

sa situation ko din breadwinner si hubby, may kapatid nmn sya na may trabaho kaso pina asa parin sa asawa ko ang mga needs sa bahay minsan lang tumulong. mag dadalawa na anak namin gustong gusto ko na bumukod kami. Pero soon may sarili na kaming bahay on going construction pa lang. kahit maliit lang basta kami lang at meron na akung peace of mind.

Magbasa pa
2y ago

Oo ngayon ko narealize na pinaka importante yung may peace of mind, kahit mapagod ka lahat sa gawaing bahay at pagaalaga okay lang para sakin wag lang yung ganitong situation.