Byenan....
Hi mommies kailangan ko po ng advice Nakatira po kasi kami sa byenan ko, every 2 weeks lumilipat kami sa side ng nanay ko. Nagiisang anak ang asawa ko at wala na din ang tatay nya. Wala din akong trabaho sa ngayon pero nagoonline selling ako ng kung ano ano. Hindi nga lang gaanong mabenta pa dahil kakaumpisa ko lang ngayong March. May 2 kaming anak isang toddler at newborn. Ako ang nagbbudget ng sahod ng asawa ko. Nagbibigay kami ng bayad sa apartment sa byenan ko. Kami naman incharge sa food at meralco sa kabilang side. Lagi kaming nagcclash ng byenan ko pagdating sa mga bata. Gusto niya kasi kpag napawisan mga apo nya kelangan napunasan ko agad. Gusto nya laging nakaayos yung toddler (nakasuklay buhok, napunasan maigi kamay at paa). Malinis naman kami sa katawan kaya lang may time na di ko kayang gawin agad kasi 2 silang inaalagaan ko. Binilhan ko din ng mga sando yung dalawang bata pero mga mumurahin lang kasi nagtitipid kami. Napagalitan pa ako bakit daw pinapahirapan namin yung bata, nagsusuot ng mainit. Sinabi ko naman before na 1 beses lang isusuot, ibibigay ko na lang din sa iba. Di ko kasi alam na ganoon ang tela since online ko naman nabili yun. Nagbebenta din ako ng ukay. Nagpapabili ako ng sewing machine sa asawa ko. Sinabihan ako na gastos lang daw at baka di naman daw masustain yung negosyo. Bakit naman sasabihin niya yun e kakastart pa lang namin ng business? Parang hindi naman nakakaencourage. Gustong gusto kong bumukod kaso lagi sinasabi ng nanay ko na di daw pwede since nagiisang anak nga lang ang asawa ko. Wala na akong maisip na ibang pwedeng gawin para di kami magclash. Mabait naman byenan ko kaso parang napapangunahan ako sa pagiging nanay ko. Laging may matang nakamasid sakin 🤣 Last resort ko is bumalik ako sa work, kasama ung 2 kong anak pero sa malayong probinsya yun. Hindi ko na kasi alam gagawin ko.