Share my story 2017

Gusto ko lang magkwento ๐Ÿ˜Š wala kasi akong magawa at makausap ๐Ÿ˜‚. Sa mga walang magawa jan basahin mo to mahaba haba to naalala ko lang yung pinagdaanan ko ๐Ÿ˜… Sept-10-2017 Umaga pagkaihi ko merong dugo yung panty ko buntis ako nun ng 8months hindi ko pinansin kasi sabi ng iba baka nagbabawas lang daw ako ng dugo. Tanghali na meron paring dugo di nako mapakali kasi sumabay na yung pagsakit ng balakang ko pero nawawala rin sya , naligo nako at nagpaultrasound pagtapos sabi ng nagUlts hindi pa daw ako manganganak october pa daw edi hindi nako nagpacheck up๐Ÿ˜…, dumiretso kami ng palengke para mamili ng mga gamit ni baby siguro 3hrs din kami paikot ikot ng ate ko , nawala narin pananakit ng balakang ko. Nakauwi na kami ng hapon pag uwi ko nahiga agad ako napansin ng asawa ko may dugo yung paa ko sabi nya "napano ka bakit may dugo yung paa mo?" Tapos tinignan nya kung san nanggagaling yung dugo , sa pwerta ko na pala ๐Ÿ™ dumaloy na yung dugo hanggang sa paa ko ng hindi ko nararamdaman๐Ÿ˜” , dali dali kaming pumunta ng lying in pag IE sakin 4cm na pala ako dahil premature pinalipat kami sa ospital pag dating sa ospital IE ulit at tinignan yung Uts pagkatapos transfer daw sa mas malaking ospital. Forward๐Ÿ˜‚ (wala akong nararamdamang kahit na anong sakit) 8:00pm nakarating na kami sa ospital IE ulit ako tapos sabi ng nagIE 8cm nako una daw ang inunan ko kaya delikado kung inonormal , emerg CS daw ako naiyak ako sa takot na maCS kasi hindi ko alam kung makakalabas pako ng OR ng buhay๐Ÿ™. Habang hinahatid ako sa OR iyak ako ng iyak ayaw ko bitawan kamay ng asawa ko kasi hindi ko na alam pwede mangyare ๐Ÿ™(PS:18 years old lang ako nun kaya wala pakong alam sa CS). Habang sa OR ako nililibang ako ng isa kung ano ano tinatanong, hindi ko namalayan tinurukan na pala ako ng anesthesia sa spinal cord nagtataka nalang ako wala nako nararamdaman kahit kinukurot nako ng nag-iinterview sakin droggy nako ๐Ÿ˜… papikit narin yung mata ko .8:25pm narinig ko na yung iyak ni baby โค, nakikita ko don sa may malaking ilaw nagrereflect yung ginagawa nila sakin na pag tahi . Nilipat ako ng recovery room 2hrs ako don bago ilipat sa ward , halos isang araw akong walang pakiramdam , lupaypay at lamig na lamig. Sept-11-2017 Naramdaman ko na yung sakit ng CS๐Ÿ˜ญ una kong tanong sa asawa ko asan yung baby namin. Sabi nya "nasa nicu under observation , nasa ISO" gusto ko bumangon para makita na sya kaso sobrang sakit ng tahi ko๐Ÿ˜ข. Sept-12-2017 Pinilit ko bumangon at pumunta ng nicu , nakapunta naman ako ng maayos kaso napakasakit. Pagkita ko sakanya sa ISO sarap sa pakiramdam wala lahat ng sakit ๐Ÿ˜˜ Sept-14-2017 Nadischarge nako ng gabi pero yung baby ko maiiwan kasi meron syang infection sa dugo at mababa timbang nya , iyak ako ng iyak sa ate ko gusto ko kasi magstay sa tabi ng baby ko habang nagpapagaling sya kaso hindi pwede ๐Ÿ™. 1week lang bumalik nako ng ospital para bantayan sya at awa ng diyos pwede na sya dumede sad lang wala akong gatas ๐Ÿ™ nag-ikot ako sa ward para manghingi ng gatas halos maiyak na ko nanagmamakaawa na pahingi ng kahit onting gatas ng ina para sa baby ko pero wala akong nahingi ๐Ÿ˜ญhalos lahat ng tao sa ward nakatingin sakin naiyak nako ng tuluyan๐Ÿ˜ญ(mahigit 200 katao ang nanganak sa ward) sabi pa nung ibang nanay "para nalang daw sa anak nila hihingiin ko pa"๐Ÿ˜ญ ang sakit sakin bilang magulang๐Ÿ˜ข. Oct-5-2017 Nakalabas na baby ko โค kaso yung mga sumunod na buwan sakitin sya halos buwan buwan may sakit sya ๐Ÿ˜ข , nung 3months sya napansin ko kakaiba yung bayag nya nagpacheck up kami at meron syang loslos๐Ÿ˜ญ pag umiiyak sya lumalaki yung bayag nya๐Ÿ˜ญ kaylangan 1year old muna sya bago maopera para makayanan nya yung gagawing operasyon. April-01-2018 Ilang araw na sya may sakit nagtatae sya at hindi makadede sinusuka nya yung dinedede nya dahil yung bituka nya pala napunta na lahat sa may loslos nya , admit na nang araw na yun kaylangang nya na maoperahan . Kinagabihan nasa ER kami bgla syang nahirapan huminga at sabi ng doktor kaylangan nyang lagyan ng tubo para makatulong sa paghinga nya ๐Ÿ˜ญ๐Ÿ˜ญ๐Ÿ˜ญ iyak nlng ako ng iyak ate ko na nagdisisyon at asawa ko wala nakong ginawa kundi magdasal at umiyak๐Ÿ˜ญ April-2-2018 Nilipat sya sa ICU chineck sya ng doktor na mag oopera sakanya , sabi ng doktor "tatapatin ko na kayo 50/50 ang baby nyo bukas isasalang na sya sa OR hindi natin alam kung makakayanan nya ang operasyon ipagdasal nalang natin sya gagawin namin ang makakaya namin". Habang nagdadasal ako sa chapel iyak ako ng iyak ๐Ÿ˜ญ. April-3-2018 Tanghali na tinawag kami para ipaalam na dadalin na sya sa OR sige akong bulong sa baby ko sabi ko "lumaban ka ha aantayin ka namin mahal na mahal kita". Mag5hrs na sya sa loob ng OR , yung ate ko nag-aantay sa labas ng OR habang kami mag asawa nasa chapel dasal ng dasal . Nakatulog narin ako sa kakaantay sa paglabas nya sa OR gabi na ng makalabas sya ginising ako ng ate ko na nakalabas na yung baby ko at awa ng diyos nakayanan nya yung operasyon. Dasal ulit kami para sa recovery nya at nagpasalamat kami sa itaas๐Ÿ˜‡ April-4-2018 Kinukumbulsyon sya sobrang taas umaabot na ng 42 yung temp nya ๐Ÿ˜ญ buong araw kami panay ang punas sakanya ng may yelo pero hindi bumababa yung temp nya ๐Ÿ˜ญ๐Ÿ˜ญ tinuturukan narin sya ng paracetamol pero wala parin. Kada magpapalit ng bantay saka lang kami kakain at magdadasal sa chapel. April-5-2018 Madaling araw na naging 39 nalang yung temp nya pero mataas parin, ate ko na nagbantay pinagpahinga muna nya kami mag asawa. Ginising nya ko ng 6am dahil uuwi sya para kumuha ng gamit namin, pag alis ng ate ko yung ventilator nya laging namamatay naaalis sa saksak pero wala naman gumagalaw nung saksakan๐Ÿ™(mga 6x naalis sa saksak) nagchichill narin sya kinumutan ko sya at niyakap pero ang lakas ng chill nya๐Ÿ˜”. Kinatanghalian pabalik na yung ate ko , bumababa na yung heartbeat nya ๐Ÿ˜ญ iyak na kami ng iyak ng asawa ko nagmamakaawa na gawin nila lahat para sa baby namin๐Ÿ˜ญ naturukan na ng pampatibok ng puso ng tatlong beses๐Ÿ˜ญ pag wala paring respond wala na silang magagawa ๐Ÿ˜ญ. Kumalma yung anak ko ng mga 3mins , sakto dating ng ate ko wala na sya ๐Ÿ˜ญ๐Ÿ˜ญ Iniwan na nya kami halos inantay nya lang yung ate ko na makita sya pagkayakap ng ate ko chineck sya ng doktor wala na talaga ๐Ÿ˜ญ๐Ÿ˜ญ๐Ÿ˜ญ. Maraming salamat sa nagbasa ng karanasan ko๐Ÿ™ god bless u ๐Ÿ˜˜

1 Reply
undefined profile icon
Magsulat ng reply
VIP Member

Sa magbabasa po comment po kayo follow ko kayoโค

4y ago

I'm so sorry for your loss mamsh... nakakalungkot talagang mawalan ng mahal sa buhay.. please stay strong po. ๐Ÿ™๐Ÿผ๐Ÿ’–