Menstruation???

Hello mga mommies ask ko lang if normal lang yung bumabalik balik yung dugo mo. Ganito po kasi yun. December 2, 2019 nanganak ako via CS sabi sakin ng ob ko 6weeks daw aabutin yung paglabas ng dugo sakin pero mga 3weeks lang nawala na yung dugo na lumalabas sakin. January 2 meron ule na lumabas na dugo sakin madami laging puno yung maternity pad ko Saka 3x ako kung magpalit nung pang 7days nya nagpacheck up na ko sa ob ko para tanungin if normal lang ba yung mens ko(yun kasi nasa isip ko na nagkaroon na ko ng menstruation) on that day din wala na rin yung dugo ko so mas lalo Kong inisip na nagkamens na nga ako, BTW sabi pala ng ob ko sakin nung nagpacheck up ako di daw ganun yun bast 6weeks daw yung pagdudugo ko, sabi ko after 3 weeks po kasi humnto na dugo ko sabi nya hindi basta 6weeks pagdudugo mo. Nasa isip ko nun accurate ba talaga na 6weeks mawala yung dugo walang labis walang kulang na araw o linggo? And then yan po may lumabas na dugo sakin ngayon January 29 mas dark po kulay ng dugo wala naman po ako ibang nararamdaman. Eto na ba talaga yung menstruation? Thanks po

Menstruation???
1 Reply
 profile icon
Magsulat ng reply

Almost same po tayo. Na cs ako ng Dec4 then bago mag new year magstop na ung bleeding ko. Pagdating ng Jan 2 ang lakas naman pati bed sheets namin nalagyan pero nagstop after 4 days. Di ko cinonsider mens kasi wala man ako na feel like pananakit ng puson. Sbi ng OB ko after 6weeks dun pa lng ako mag mens. Un daw karaniwan na mag mens ng ma CS at di nag breastfeed. Jan 20 nag mens na tlga ako as in super lakas, 2hrs pa lng puno na napkin ko. Alam ko mens na tlga un ksi nafeel ko na ung usual symptoms ko dati.

Magbasa pa