Gusto ko lang ilabas mga sama ng loob ko kasi diko na kaya, sobra na silang lahat.
I'm currently 36 weeks pregnant and I also have a 16months old na baby at the same time nagwowork din ako as a private school teacher.
Nakatira kami sa parents ko, pero ready na nagpagawa ng bahay after ko manganak, inaantay lang namin makapanganak ako dahil CS ako kay first baby kaya for sure CS din ngayon sa 2nd.
Gusto ko ilabas lahat ng sama ng loob ko kasi diko na rin alam kanino pa ako maglalabas ng sama ng loob, malapit na ako manganak pero yung family ko sobrang walang tulong, ultimo pag aalaga kay baby ko di ako tinutulungan nung kaya ko pa naman ako talaga nag aalaga nakiusap lang sana ako na ngayong malapit na ko manganak tulungan ako dahil di na ako makagalaw ng maayos pero wala pa din.
Ang masakit pa dun pag andito lang si father ko dun sila magaling kunwari tinutulungan ako pero ang totoo sa maghapon nakakulong lang silang lahat sa kwarto at nag cecellphone.
Si mister ko naman halos gabi na din umuuwi dahil sa work niya kaya sobra na kong nasstress sa lahat lahat gusto ko nalang iiyak kaso naaawa ako sa mga anak ko sila kasi kawawa pag sumuko ako.
Ilang beses na ko nag open sakanila, nagsabi pero parang mga bingi,. Pero pag sila may kailangan sa akin agad agad gusto nila like uutang, hihingi ng pandagdag sa bills ganun.
Kami na halos lahat ni mister ko dito sa bahay, bigas, gas, kuryente, pati ulam sa araw araw kami na din yung ate at kuya ko ni sing ko wala binibigay kahit may mga pera mga makasarili tapos sila pa makapal mukha magreklamo sa mga ulam o pag walang pagkain.
Pagod na pagod na ko at sawang sawa na din.
Pag may ibang tao rin binibida ng nanay ko na kesyo siya daw nag aalaga sa anak ko kaya di daw siya nakakaalis ng bahay eh ang totoo niyan halos lagi nga siyang umaalis lagi nila ako iniiwan kahit alam nila malapit nako manganak at madami nako dinaramdam 😭💔
Sobrang bigat na sa loob ko, tulad ngayon ganito nanaman scenario nakahilata silang lahat sa kwarto habang nag ccp. Ano bang magandang gawin? Di ko nalang din sila pinapansin kasi everytime magsasalita ako pinagtutulungan nila ako na prang ako pa yung masama.
#advicepls