Palabas lang po ng sama ng loob....

Ako lang ba yung naiinis pag sinasabihan ng sinanay nyo kasi kaya ganyan kaya ganon. Like hello solo akong nag aalaga ng baby ko and also a first time mom anong gusto nila pabayaan kong mag iyak o kaya iwan ko mag isa. Tapos pag naman di agad binubat sasabihin pinababayaan o kaya kakabagin ano ba talaga san ba ako lulugar. And at first wala naman umalalay at nagturo sakin kung pano ang mga bagay bagay tapos kung makapuna sila kasalanan ko lahat??? Ayoko na sa earth.. wala naman silang sinasabing dapat gawin puro paninisi lang at pag puna sa pag aalaga ko sa baby ko. Nakakaasar lang feeling nila pinababayaan ko baby ko eh wala ngang tumutulong sakin simula pag aayos ng mga gamit pag papaligo pagpapatulog paglalaba ako lahat gumagawa with regards to my baby tapos kung makapuna sila. Ayun nakakaasar lang. sorry wala lang po talaga akong paglabasan ng inis ko. By the way 2months palang si baby and simula nasa ospital hanggang until now hands on ako kay baby kahit kapapanganak ko palang ako na talaga gumagawa lahat. Di ko naman nirereklamo yun ang akin lang kahit konting moral support lang di yung puro puna as if ang sama at napaka pabaya ko. Hayyyy

1 Reply
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Chill lang mommy, inhale exhale, nakakatoxic talaga ganyang mga tao, wag mo na lang sila pansinin kasi mastress ka pa, kay baby ka na lang magfocus, gawin mo kung anu sa tingin mong tama, pakinggan mo rin sila minsan kung may naadvise naman sila pero kung puro pamumuna lang dedma na lang. O kaya tell them what you feel para maintindihan nila at matulungan ka, kelangan mo talaga ng support lalo na kakapanganak mo pa lang.

Magbasa pa