SAMA NG LOOB SA MGA BYENAN HABANG BUNTIS

Gusto ko lang maglabas ng sama ng loob. Wala kasi akong makausap. Iyak ako ng iyak. Di ko alam anong gagawin ko para mawala sama ng loob ko. Ayoko maapektuhan si baby pero di ko mapigilan umiyak. Sobra na kasi eh. Sobra na sama ng loob ko sa inlaws ko dahil sa ginagawa nila sa asawa ko. Nagtatrabaho kami sa kanila. Sinuswelduhan nila kami pareho. Umalis kami pareho ng asawa ko sa aming pinagtatrabahuhan para sakinla. Ilang taon ng sunud-sunuran sa kanila ang asawa ko. Naging sunud-sunuran na rin ako. Nasa isang bubong lang kami. Wala pa kaming sapat na ipon para bumukod dahil sa napaka-liit na sweldo namin. Pinili namin mamasukan sa kanila dahil gusto din namin silang tulungan. Pero ang hindi ko matanggap, bakit kapag sa ibang tao tinutulungan nila. Pero ang sarili nilang anak hindi. May nasasabi pa nga silang hindi maganda. Feeling ng asawa ko ngayon wala syang kwenta. Sobrang sakit para sakin na ganun ang nararamdaman ng asawa ko dahil sknila. Dinedicate nya ang buhay nya para sa magulang nya pero in return, sama ng loob lang. Di ko alam paano namin to malalagpasan. Gustong gusto na namin bumukod pero wala kaming tiyak na magiging trabaho para matugunan expenses namin magasawa. Ang hirap para sakin na wag isipin mga problema namin pra di madamay si baby pero di ko maiwasan maiyak pag nakikitang malungkot ang asawa ko.

5 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply

Same momsh problema ko rin biyenan ko nakikitira din kami sa kanila dahil si mister ang nagtratrabaho dahil nagstop ako magwork para alagaan si baby. Sa akin naman sis kailangan pagdating nila nakalinis na dapat ako ng bahay nakaluto na ng pagkain which is ang hirap isingit sa pag aalaga ng bata dahil hindi naman piwedeng iwanan na lang na mag isa para maglinis ng bahay. Kapag tulohlg naman si baby doon lang ako nakakalaba ng lampin at mga damit ni baby. Tapos kapag gabi na dumating na sila saka pa sila magpaparinig na wala man lang daw ginawa pati paghugas ng pinggan hindi pa magawa. Idagdag mo pa ang ugali nila na hindi marunong maglinis ultimo pinagbalatan ng candy hindi nila maibasura basta lapag lang kung saan saan. At idagdag pa ang bayaw na nagneneot ng pera pati alkansya ng baby ko pinapatos at kung ano anong damit ang kinukuha sa kwarto namin. Hayyy laban lang tayo momsh darating din ang blessing ni God sa atin.

Magbasa pa
Super Mum

Momsh, wag ka po papaapekto kwawa po c baby.. bka mapano xa sa loob hayss wag nmn sana.. sabihan mo nlng asawa mo na mghanap xa ng ibang work, at least di xa mxadong hawak sa leeg ng biyenan mo, tska mas mbuti tlga na bumukod kayo kahit mliit lng na boarding haus at least mkpagsimula kayo ng kayo2 lng.. mhirap tlga pag nsa isang bubong lang kayo, lahat ng actions mo binabntayan.. and pgpray mo ung biyenan mo momsh pra mkarealize din xa sa kamalian nila . Godbless po.

Magbasa pa
5y ago

Thanks momsh.. Godbless din. Sana nga marealize nila mga ginagawa nila. Pagkapanganak ko hahanap na kami ng ibang trabaho.

First step momsh, isa muna sainyo maghanap ng stable at magandang work, then unang humanap ng marerentahan, then yung isa naman ang humanap ng work, mahirap talaga yan momsh, pero paunti unti lang, makaka bangon kayo mag asawa. Mahirap ang pagbukod at napaka gastos, pero once na naunti unti na, sunod sunod na ang ginahawa.

Magbasa pa
5y ago

Thanks momsh. Ganun nga naisip namin gawin. Sana makayanan namin ito lahat. Tapos ratsada pa yang mga balita sa cov19 na yan. Nakaka stress lali πŸ˜“

Same tayo sis .. Laban lng sis ako ang hirap hirap lalo ng sitwasyon ku nag didialysis pa mister ku .. Ganun tlga ang buhay kaylangan natin lumaban para sa mga anak natin .wag muna lng masyado isipin ako ganyan ako minsan pero di nlng ako umiimik kc magkakagulo lng ..pray lng sis .

5y ago

Hirap nga ng sayo sis.. get well soon kay mister. Si mister ko nga din may sakit pero ini-stress pa din nila. Abot abot na nga din ang prayer ko. Pero mas matindi pa pala pinagdadaanan nyo. πŸ˜“

VIP Member

Kaya mo yan mamsh. Little by little matatapos din ang problema. Kausapin muna ni hubby mo parents nya para masabi nya mga problema at hinanakit nya malay nyo po madaan pa sa maayos na usap at magkaintindihan.