Sleeping Journey

Grabe yung hirap ko sa pagpapatulog sa baby ko. Nandito yung tila 24/7 akong gising at walang pahinga. Actually tinuturuan ko naman siya dati how to properly sleep. Lalo na siya age niya na ngayon he is 1 year old na. Problem ko yung tanghali na siya nagigising dahil nga as in inuumaga na siya ng tulog. Gusto niya lang maglaro ng maglaro with me. Henehele ko siya pero halos ilang oras na di padin napikit nagdadaldal lng tapos nilalaro ako. Pag pinapadede di rin natutulog (sakin siya dumedede) pinaglalaruan lang yung pusod ko. Kahitkantahan at basahan ko nag eenjoy pa siya kesa matulog. Alam niyo yun mamsh wala siyang kapaguran ako pagod na at antok siya pero gusto niyamaglaro pa kami magkantahan magtawanan. Nakakatuwa siya syempre "priceless momments ❤️" nga. Pero yung oras ng tulog na wala na sa tama eh. Pagdating ng 6 pm aantukin siya matutulog tapos magigising ng 9 or 10. Maglalaro ng kaunti magssleep ulit ng 11 or 12 tapos gigising ng 1 am tapos tuloy tuloy na yun. Hanggang 3 or 4 am. Tapos non magsleep na siya ang gising na niya 10 to 12 nn na. Kapag ginigising ko siya ng maaga which is 7 or 8 am nagwawala siya umiiyak ng umiiyak. Sobrang naiinis ako sa sarili ko kasi diko maituro sa kanya ng maayos yung proper way ng sleep. Pag nagising siya ng tanghali kakain na kami. Wala na rin tuloy sa tamang oras yung kain niya which is dati okay naman nung first time niya kumain ng solid foods which is nung 6 months siya. After non maliligo siya magpeplay saglit tapos magsleep pero minsan hindi siya natutulog as long as alam niyang may kalaro siya hindi siya matutulog. Minsan natutulog siya 4 or 6pm na nga. Tapos ayun continues nya. Wag niyo ako ibash mga mommy. As in sobrang hirap kumilos at ang hirap din ng situation ko ngayon bukod sa nakikitira lang rin kami sa mil ko. How can I teach my son to properly sleep? Nahihirapan kasi talaga ako. Feeling ko kasi naapektuhan rin siya sa sched ng work ng daddy nya makadaddy po kasi siya at sanay siya na sabay sabay kami natutulog kasama daddy nya. Kaso kung hindi 12am uwi ng daddy niya minsan naman po Graveyard shift siya. Kaya pati ako gy mom nadin kahit nasa bahay lang. 😞#1stimemom #advicepls #pleasehelp #firstbaby #1yearoldbabyboy P's: as you can see po sa 2nd pic. Ganyan po sila kaclose tlga lalo na sa pagtulog. Gusto nakaganyan sa daddy or minsan nakayakap siya kay daddy nya.

Sleeping Journey
2 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply

momsh may I ask kung kayo lang tao sa bahay ? siguro kaya sya ganun kasi nasanay siya sa ingay hanggat may ingay like bukas ang tv , may naguusap or nagsosoud na malakas feeling niya di pa night time. isanay niyo na pag night off na bedtime na , dapat wala nang ingay like dapat pag 6pm wala ng tv interact na lang between you and him. kasi ganun ginawa ko sa lo ko kahit magiyak iyak siya kasi gusto niya maglaro di ko siya pagbibigyan . sinabihan ko si husband na minimize na ang sound kapag tulog na si lo since kami lang din sa bahay. ang pagkakaiba kasi walang kalaro si lo samin since kami lang talaga sa bahay . limit niyo po yung may playmate siya lalo kapag bedtime. sanayin niyo po ulit sya dapat mag set ka nang oras when is his bedtime na.

Magbasa pa
3y ago

naku mommy madami tao dito samin. at lagi bukas tv. tsaka nilalaro kasi siya ng mga tao dito nasanay kasi sya ng ganun maaga ko na nga siya inaakyat sa kwarto namin para kami lng dalawa. nakasanayan nya kasi dati na lagi siyang nilalaro buong maghapon at magdamag 😢

Hi, mommy! How's your baby po? Baka po makatulong ang article na 'to: https://ph.theasianparent.com/ayaw-matulog-ni-baby-sa-gabi