Grabe yung hirap ko sa pagpapatulog sa baby ko. Nandito yung tila 24/7 akong gising at walang pahinga. Actually tinuturuan ko naman siya dati how to properly sleep. Lalo na siya age niya na ngayon he is 1 year old na. Problem ko yung tanghali na siya nagigising dahil nga as in inuumaga na siya ng tulog. Gusto niya lang maglaro ng maglaro with me. Henehele ko siya pero halos ilang oras na di padin napikit nagdadaldal lng tapos nilalaro ako. Pag pinapadede di rin natutulog (sakin siya dumedede) pinaglalaruan lang yung pusod ko. Kahitkantahan at basahan ko nag eenjoy pa siya kesa matulog. Alam niyo yun mamsh wala siyang kapaguran ako pagod na at antok siya pero gusto niyamaglaro pa kami magkantahan magtawanan. Nakakatuwa siya syempre "priceless momments ❤️" nga. Pero yung oras ng tulog na wala na sa tama eh. Pagdating ng 6 pm aantukin siya matutulog tapos magigising ng 9 or 10. Maglalaro ng kaunti magssleep ulit ng 11 or 12 tapos gigising ng 1 am tapos tuloy tuloy na yun. Hanggang 3 or 4 am. Tapos non magsleep na siya ang gising na niya 10 to 12 nn na. Kapag ginigising ko siya ng maaga which is 7 or 8 am nagwawala siya umiiyak ng umiiyak. Sobrang naiinis ako sa sarili ko kasi diko maituro sa kanya ng maayos yung proper way ng sleep. Pag nagising siya ng tanghali kakain na kami. Wala na rin tuloy sa tamang oras yung kain niya which is dati okay naman nung first time niya kumain ng solid foods which is nung 6 months siya. After non maliligo siya magpeplay saglit tapos magsleep pero minsan hindi siya natutulog as long as alam niyang may kalaro siya hindi siya matutulog. Minsan natutulog siya 4 or 6pm na nga. Tapos ayun continues nya. Wag niyo ako ibash mga mommy. As in sobrang hirap kumilos at ang hirap din ng situation ko ngayon bukod sa nakikitira lang rin kami sa mil ko. How can I teach my son to properly sleep? Nahihirapan kasi talaga ako. Feeling ko kasi naapektuhan rin siya sa sched ng work ng daddy nya makadaddy po kasi siya at sanay siya na sabay sabay kami natutulog kasama daddy nya. Kaso kung hindi 12am uwi ng daddy niya minsan naman po Graveyard shift siya. Kaya pati ako gy mom nadin kahit nasa bahay lang. 😞#1stimemom #advicepls #pleasehelp #firstbaby #1yearoldbabyboy P's: as you can see po sa 2nd pic. Ganyan po sila kaclose tlga lalo na sa pagtulog. Gusto nakaganyan sa daddy or minsan nakayakap siya kay daddy nya.
Read moreLooking po ako ng GC ng mga mommies. Na makakausap pwede maging friends. Sobrang nakakastress. Nag iisa na lang ako anak ko na lang pinaghuhugutan ko ng lakas. Sobrang hirap. Pero kailangan lumaban. Gusto ko lang ng kausap kasi yung baby ko pag kinakausap ko nakatingin lang sakin or minsan busy sa kakalaro at iiyakan pako hahahaha. #pleasehelp
Read moreMy lo will be turning 7months on January 27. But still not sitting on his own. Nakakadapa na siya. He can roll over. But hindi pa nakakagapang. I mean nabubuhat yung sarili niya para gumapang. Pero naiikot niya na yung buong higaan namin sa pag roroll over niya 😅 Normal lang po ba? Btw, lagi siya ng tummy time, one of his favorite position. 😅Tapos po nagwawalker na siya, kaya niya ilakad yung sarili niya using walker. Kapag tinatayo ko siya tapos nakahawak siya kaya niya magbalance. Pero nagtataka lang kasi ako di pa siya nakakagapang. 😟 #firstbaby #momcommunity #1stimemom #advicepls #7monthsjourney
Read moreLucas Clyde/6months&28days Nagstart siya kumain saktong 6months, pero bineblender ko lang lahat ng food na binibigay ko sa kanya. Nung umpisa ok naman yung pagkain niya. Pero nitong magsi-7months na siya parang nawawalan siya ng gana kumain. Puro gulay at prutas pinapakain ko sa kanya, alternate pa nga para di siya magsawa agad. Sobrang worry ako kasi konti lng nakakain niya ngayon unlike nung una siyang magstart kumain. 😔 Any advice mommy? #firstbaby #1stimemom #advicepls #EatingJourney 🖼️dec.
Read more#theasianparentph kaka4months lang ni lo nung October 27,2020. Hindi pa siya marunong dumapa mag isa. Pero nagtutummy time kami sa umaga at gabi. Kaya niya na buhatin sarili niya. Nandun na yung signs. Pero di pa din siya marunong dumapa. Normal lang po ba? #1stimemom
Read more