Parang natutulog lang baby ko.. 😭😭

Grabe anak ko, ang sakit! pinaranas mo sakin maging ina kahit nasa loob pa kita ng tiyan ko, sipa dito sipa doon, bukol dito bukol don paramdam ka ng paramdam sakin sa tiyan ko, Bakit ganun? kung kailan lumabas kana at nayayakap kana sana namin don ka namin di maramdaman tulog ka lang 😭 ang sakit sobra! Yung hirap ko habang naglalabor habang iniire kita at tinatahi ako akala ko yun na ang pinakamasakit na mangyayare sakin 😭 mas masakit sobra ang nawala ka agad samin Anak' Nakakatuwa pa naman kamukha mo papa mo, ang puti at kinis mo ang lusog lusog mo.. Pero ang hina ng puso mo at di mo kinaya πŸ˜₯ sana anak tulungan mo kami ng papa mo kayanin lahat to.. Babalik ka samin ha, hindi to magiging rason para panghinaan kami ng loob.. Ipagmamalaki kita anak, napakapogi at mabait kong anak.. Hindi mo pinakita samin na nahirapan ka ang aliwalas ng mukha mo para ka lang tulog.. Mahal na mahal ka namin DENVER ZION GREY.. 😭 pasensya na po sa mga nagmemessage sakin hindi ko po kayo kayang replyan pero sana sa post ko na to nasagot ko ang tanong nyo.. Salamat po sa pakikiramay..

Parang natutulog lang baby ko.. 😭😭
1033 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply

be strong mga mommy, di natutulog si God. May reason ang bawat nangyayari sa buhay natin... Si baby malamang kasama na Siya ni God, wag ka na malungkot mommy.. nasa maayos na siyang kalagayan, sa piling ni God.. Magtiwala ka kay God, wag ka mawalan ng pag asa.. nandito lang kami mga kapwa mong mga mommy, naiintindihan at nauunawaan ka namin.. d man kami makatulong ng pinansyal, sa pagdadasal na lang na nasa maayos at mabuti kang kalagayan, kayo ng asawa mo.. maaaccept mo din ang mga mangyayari, katulad ko mommy,, napakarami na ding nawala sakin, pero patuloy akong naniniwala at binibigyan ng lakas ng Diyos.. sabi nga sa kanyang mga salita: Trust in the Lord with all your heart, and lean not on your own understanding, but in all your ways, submit to Him and He will make your path straight.. tutulungan ka Niya bumangon ulit.. magpalakas ka mommy, wag ka panghinaan ng loob.. God bless sayo, at sa husband mo..

Magbasa pa
Related Articles