22 Replies
I feel sorry for you pero wala kang magagawa about it but to leave if di mo gusto jan. You can't change the people around you just because you want them to think of your own welfare. Kahit na buntis ka, nakikitira lang kayo and alam yan ng partner mo na kayo ang dapat mag adjust kasi sya mismo wala syang magawa about it. Gustohin man nyang sabihan ang parents nya, may part sa isipan nya na overall, wala kayong say sa bahay na yan kasi nakikitira lang kayo. Yep, knowing na buntis ka doesn't really mean na they have to give you special treatment... kasal ba kayo or nobya ka lang na nabuntis? Kung kasal kayo, babalik parin sa inyo yan... nagpakasal kayo at nagbuntis na walang plano kahit desenteng tulogan man lang.... kung gf ka lang na nabuntis, mas lalong wala kang say jan... tho not planned but dapat alam mo sa sarili mo na part of it parang ikaw lang nag squeeze sa sarili mo jan... Sorry... this comment might be too straight forward, but it's the reality. Kung hindi mo na talaga kaya, you can always find ways maka uwi kung gugustohin mo. Pwedeng pwede kang umuwi. Patulong lang kayo sa barangay nyo para mabigyan ka ng one day pass or ano kaya.. at least do something para makauwi ka...
Same situation pero as time goes by nakasanayan na pero ako sinasabi ko sa hubby ko pag alam nyang may point ako pinagsasabihan nya mga kasama sa bahay. Gusto ko na din bumukod pero di pa kya sa ngayon. Ganun talaga need makisama. Pero nung nagbuntis ako di na talaga ako masyado nagkikilos dahil na opistal ako twice at naiintindihan nila yun madalas tanghali na ako nagigising pero okay lang sa kanila. Sabihin mo mamsh sa asawa mo ipaintindi mo sitwasyon mo. Kung kaya iwas ka na lang if possible. Kaso kung no choice ka sabihin mo sa hubby mo na bumukod kayo. Kahit mababait family ng hubby mo once na nakatira ka sa kanila may masasabi at masasabi yan kaya mahirap talaga makisama. Ako namaster ko na lang yung art ng pakikisama kahit may mga time na di talaga ako agree sa kanila. Sinasabi ko na lang sa asawa ko para malabas ko yung feelings ko at di nman kmi nagkakaprob dun.
Yan nangyayari pag hindi handa magkapamilya. Bat d kayo magrent sarili nyo? Walang pera? Bat ka nagpabuntis? Sana nag-advance ka magisip sa mgiging kalagayan mo. Sana pinaghandaan ang pagpapamilya. Ngayon nagrereklamo ka e kayo ang nakikitira sila magaadjust. Tapos kawawa pa baby mo dhil may nagyoyosi. Bwal yan sa buntis at pag nanganak ka, bawal yan sa newborn malanghap. Wala pa kayo sarili kwarto sa sala kayo natutulog. Haay kawawang baby hindi pinaghandaan ng mga magulang ang future. Not enough na mahal nyo isat isa. Kailangan prepare kayo sa lahat ng aspeto ng pagpapamilya lalo financially. Kundi, kawawa ang bata.
Mahirap mommy, pero dahil nakikitira pa kayo sa inlaws mo e makisama ka na lang muna. Pwede mo g sabihan c hubby, pero isipin mo rin ang sitwasyon nya, mahirap pumili between you at magulang nya. Yung pagyoyosi ng byenan mo at iba pang nakakaistorbo sayo ay nakagawian na nila sa sarili nilang bahay. It will take effort sa part nila kung babaguhin nila yun para sayo. Ikaw na lang ang magadjust. Sleep early kung kaya para hindi nabubitin sa maagang gising ng inlaws. Mag syesta para mabawi ang tulog. Lumabas ka kung amoy mo pa rin ang yosi ni inlaw. Ikaw na muna ang gumawa ng paraan sa ngayon. Kakayanin mo yan para sa baby mo. :)
Uwi kana po sa inyo after ng lockdown po gawin mo yan para sa baby mo dahil makakasama po sa kanya kapag lagi kayong stress saka hirap talaga makitira sa biyenan tapos ganyan pa ang situation wala kayong sariking kwarto, wala manlang Privacy ung gusto mo pang matulog sa umaga kailangan mona agad bumangon dahil gesing na sila. Dapat ung mga byinan mo ang sa sala matulog dahil maaga silang nagegesing. Hirap talaga momshie ang ganyang situation kaya uwi kana mona sa inyo kung ayaw ng asawa mo bumukod.
Hingi ka ng travel pass sis or pasundo ka sa family mo. Mahirap kasi yung ganyan eh, maski hubby mo siguro nahihiya rin kaya sinasabi na hayaan mo na lang. Pero if health mo kasi nacocompromise lalo na at buntis ka, maybe it's best na gumawa ka talaga ng move. Di po ba mabait in laws mo? Baka pwede mo mapakiusapan. Pag hindi talaga, maybe uwi ka na lang sa inyo. Malapit naman na May 15. Tiis na lang muna siguro kasi wala tayo magagawa eh if ganyan sila.
If mabait sila sis baka naman maconsider nila na wag manigarilyo ganun. Kahit yun na lang, yung sa sigawan kasi baka ma-offend pa eh. Yung sa pagtulog sis, mag-earphones ka na lang din with relaxing music kung makakahelp man yun.
Kawawa ka naman momsh, I feel you. Kausapin mo na lang asawa mo kung pwede magkaroon kayo ng kwarto sa bahay nila kc buntis ka eh nakakailang nman na lagi nila nakikita yung ayos mo sa pagtulog tpos yung mga gawain din nila nakikita mo at nasstress ka, sana maisip ng asawa mo yung sitwasyon mo, yung anak niyo at wag lang yung sarili nya na iisipin na hayaan lang ksi hindi nman ganun ang dating sayo nasstress ka na
Ako po nagyoyosi ang hubby ko. Pero magsimula sinabi Ko sakaniya na Kapag nagyoyosi siya wag siya lalapit sakin or didikit para Hindi makaapekto sa baby. Kaya Kapag naninigarilyo siya lumalayo na po sakin. Tsaka Kahit ang mga pinsan niya na nagyoyosi lumalayo Kpg maninigarilyo na po sila. Makiusap ka po ng maayos sa biyenan mo na bawal pa buntis ang makaamoy ng usok ng SIGARILYO para Hindi maapektuhan ang bata.
Naku may mga taong insensitive lang talaga . Na kahit di naman sa wala silang pakealam sayo pero di nila alam na naaabala kna pala . Minsan prangkahin mo in a nice way or ikaw nalang umiwas . Dapat yung asawa mo yung magsasabe nyan sknila kase sya yung pamilya . Ako nga papa ko pa naninigarilyo samen e angliit ng bahay naaamoy ko , ako nlng umiiwas kaht sinasabhan namen .
Mahirap yung may naninigarilyo malapit sayo. Tito ko sa labas naninigarilyo pero nung lumabas baby ko may pneumonia. Isa daw yun sa pwedeng dahilan. Lipat ka na sa parents mo muna. Sabihin mo sa hubby mo na nahihirapan ka, mahirap mastress ang buntis, kawawa si baby. Maging totoo ka lang sa kanya, baka maging misunderstanding nyo yan kalaunan.
Anonymous