Guys maglalabas lang ako ng sama ng loob, share ko lang..

Goodmorning mga mommies.. Wala kasi ako masabihan kahit na hubby ko.. Ganito kasi yun, Dito kami nakatira sa bahay ng hubby ko kasama parents niya... Alam ko wala ako karapatan magreklamo.. kaya d nga ako nagsasabi kahit sa hubby ko.. Diba tayong buntis napaka hirap satin makatulog sa gabi.. Eh kami ni hubby sa sala lang kami nagssleep.. Araw araw kada 6am, yung mga biyenan ko Nagbubukas sila ng Ilaw, tapos nagbubukas sila ng TV, tapos halos mag sigawan pa, To think na nakikita naman na may natutulog pa. Sa araw araw ganun, D ako nakatulog ng maayos. Tapos, eto pa, After kumain ng Biyenan kong lalaki, Mag ccr at dun mag yoyosi. Buti sana kung may Pintuan yung CR nila kaso Curtain lang ? Sa twing naamoy ko yun, Para akong nalulunod, Kanina nakahiga ako naamoy ko ung yosi, Para akong nalulunod at d makahinga. Napaiyak nalang ako ?‍♀️? Alam naman nila na may buntis.. Alam ko wala ako karapatan mag reklamo kasi pinatira nila ako at pinapakain nila ako pero sana konting konsiderasyon sana para nalang sa pagbubuntis ko, Hndi kasi nila alam ang hirap magbuntis. ? Yung hubby ko naman pag minsan sinasabihan ko, Sabi niya lang hayaan ko na daw.. Hays... Nakakalungkot... Hndi nga ako magkakavirus, Baka mag pneumonia naman.. ? Nasstress na ako sa araw araw nalang ganito. Gusto ko na umuwi sa family ko... Kaso, naabutan ng Lockdown ???

22 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply

Same tayo momshie.. Ako mga kapatid ko.. Kala ko kapag umuwi ako dito samin may aantabay sakin.. Wala pala.. Kahit bawal maglalabas ang mga buntis sa panahon natin ngayon lumalabas pa rin ako ako bumubili ng mga kailangan ko.. Ako din naglalaba na ng damit ko.. Pati gagamitin kong damit ni baby ako din naglalaba kaya pakonti konti lang..

Magbasa pa

Same as pag nasa side ako ng husband ko. Lalo na yung kapatid at papa nya. Mahilig mag yosi sa loob ng house nila. Pro inopen ko sa asawa ko at pinagsasabhan nya kuya at papa nya. In a good way padin. Di kasi pwede saken Yung hayaan mo na. Lalo na in a health matters. Kaya sila nagaadjust kapag nandun ako sknla. Sa labas sila nag sisigarilyo.

Magbasa pa
5y ago

Better to talk to your husband. For the sake of your pregnancy, masama kasi talaga satin Yan. BUNTIS man o hindi yung 2nd hand smoke.

Bawal ang smoking or makalanghap ng usok galing sa sigarilyo ang buntis. Better talk to your husband about it, kasi mahirap na baka maapektuhan yang pinagbubuntis mo. Kung ayaw pa rin niya makinig or wala man lang gawin about it, magpasundo or umuwi ka na lang sa pamilya mo.

Try talking to your husband again. Itry mo maipaintindi ang epekto ng sigarilyo sa pinagbubuntis mo at sa iyo. Para siya ang makipagusap sa magulang niya. O di naman kaya,ay kayo ang lumipat ng bahay.since kayo ang nakikitira sa bahay ng magulang niya. Atleast wala makikialam sa inyo.

VIP Member

Ang hirap ng kalagayan moh sis.. Ung asawa moh nman parang wla rin pakealam sa kalagayan nio mag ina.. Kaya dapat after lockdown dun ka nlng sa family moh maaalagan kapa ng maayus dun.. Kaysa jan kawawa baby moh.

Bad sa baby mo ang kulang sa pahinga, stress at usok ng sigarilyo... Kailangan niyo na po mag voice out. Iyakan mo po hubby niyo para naman malaman niya kung ano talaga nararamdaman niyo....

Dapat mag sabi ka sa hubby mo. Kasi ako sinasabi ko sa kanya. Tas sya kakausap. Maiintindihan naman siguro nila. Lalo na buntis ka. Maselan mga buntis.

Dpat asawa m ang mgsabi sa knila..asawa q pgmy hinaing aq wen it cums sa health q at baby nmin..umaaction kaagd..pero talk m ulit c mister m.

Isipin mo kapakanan ng anak mo. Dun ka kung saan mas magiging ok kayo. Mahirap talaga ung ganyang sitwasyon. Kausapin mo din asawa mo.

Pareho tayo, nababangenge ako sa amoy ng yosi, sakit sa ulo..