Affair or nothing

Paadvice naman mga mommy, ganito kasi yun may shop kami tapos may tomboy na trabahador si hubby di ko alam kung nagseselos ako or somrthing basta di ako comportable pag magkasama at magkausap sila. Magkasama na sila sa shop buong araw tas pag gabi magkachat pa sila harmless naman yung usapan nila pero di ako comportable kasi sya lang sa lahat ng trabahador ang nagchachat sa husband ko tapos kung bumali pa malaki usually pag bumabali yung iba ikakaltas naman pag sahod pero yung tomboy hindi pag gusto lang pakaltas dun kakaltasin. Tapos andami naman trabahador ni hubby pag bibili ng materyales sila yung magkasama sa kotse tas one time pa niyaya ni hubby mismo mag inom yung tomboy di ako pumayag pero ganun parin sila. Tapos eto pa nagsisimula na pagtaguan ako ng pera ni hubby yung hindi ko alam na may tinatago syang pera like para saan o kanino nakakahinala pero may tiwala ako sa husband ko. Di ko alam kung ano gagawin nawawalan ako gana pag nakikita ko magkachat sila. Wala naman record si hubby na niloko ako. Ano ba dapat ko gawin? #advicepls

17 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply

Dapat po talaga pag usapan nyo yan, mabuti ng alam ni hubby ang nararamdaman mo kasi baka nga sa knya tropa tropa lang po tlaga since naiisip nya ndi ka naman magseselos kasi tomboy naman po un, pero baka ung tomboy naman po tlga ang lumalapit. Baka lng po di kayo aware, may tomboy po tlgang pumapatol sa lalaki, bisexual po yata tawag dun. Baka ndi aware si hubby mo dun mabuti ng masabihan sya.

Magbasa pa

Dapat pagusapan nyo yan ng asawa mo para maging aware sya sa nararamdaman mo and at the same time malaman mo din ung side nya baka naman kasi may mas malalim n dahilan pala. Open communication dapat para iwas away at hinala. Tska dapat ikaw din mismo open at vocal ka sa asawa mo sa mga bagay na tumatakbo sa isip ko at sa mga nararamdaman mo para alam din nya gagawin nya. 😅

Magbasa pa
VIP Member

Buntis ka po? Baka po dala lang ng hormones kaya nagseselos po kayo kahit sa tomboy. Or Pwede naman po.. diretsahin mo si hubby.. bakit may paspecial treatment sya dun sa isa. Baka naman natutuwa lang din sya na even babae eh naaasahan sa shop yung tomboy. Minsan may mga ganun naman talaga tayong favorite diba? Baka ganun lang po.

Magbasa pa
2y ago

may trabahador din po kaming tomboy pero di sya ganun as in ngayon ko lang nakitabg ganun sya tapos mommy kebago bago nya anlaki ng bali samin pero sa iba di nya binibigyan pag bago. hindi din po ako buntis. nahihirapan po kasi ako maging open sa husband ko pag may ayaw ako mananahimik lang aki alam na nyan nun pero di ko sasabihin kung ano problema kaya di ko alam paani simulan sabihin na di ako comportable dun sa tomboy. and bapansin ko parang mas naging sweet si hubby di naman sya ganun dati

Tomboys/Lesbians are still girls. If that bothers you a lot why don't you fired her? Minsan mapagpanggap yang mga yan. but anyways, if you truly trust your husband then so be it. Pray harder. Always remember girls instincts are most of the time correct. 😁😁😁

for me. baka bisexual yan. tyaka dapat fair ang hubby mo s lahat ng trabahador nio walang favoritism. tapos kausapin mo n din si tibo. prangkahin mo, tutal ikaw naman ang amo s inyo. d nmn s masiadong th or what, mas ok n pag usapan at ayusin habang maaga.

Mommy, dapat po may tiwala kayo kay Hubby. Saka importante na pag-usapan niyo iyan. Sabihin niyo po sa kaniya ang nararamdaman niyo towards that saka po kayo mag-adjust na dalawa sa pag-uusapan niyo po. :)

ako naniniwala ako sa kutob eh lalo kung nakafeel ka na talaga ng weird. pero try mo pa rin na sabihin sa kanya yan hindi yung tinatago mo. realtalkin mo partner mo, mag usap kayo ganern

VIP Member

di naman sa negative pero womans instinct is real.. ung mga kutob meron talagang something eh..madalas totoo.. kaya if i were u.. i would call their attention talaga

women instinct po never nagkamali yan kaya kung pakiramdam mo may something be an investigator

kausapin si husband po yan talaga ang best way...... at si tomboy bka sipsip lng 🤪