pls help

Goodmorning mga mommies 4months pregnant po ako and nung isang araw and kahapon po hndi ko naramdaman gumagalaw ung baby ko sa tummy sabi ng mama ko may baby daw po tlga na di magalaw saka maliit pa lng daw po kse kaya di ganun kagalaw si baby and wala naman po ako nararamdaman sa katawan ko bukod sa upper back pain.. Pero di ko po kse maiwasan mag alala ask ko lng if natural lng po ba kung hndi po papa checkup ako now to have the baby's heartbeat THANK YOU PO

8 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Momsh kahit noong 4 months preggy ako hindi ko pa masyadong nararamdaman si baby. Maliit pa kasi siya talaga sa ganoong age. Nung nag-5 months tiyan ko saka ko lang siya nararamdaman na malakas sumipa saka medyo consistent na. Pero sa sobrang kapraning-an ko bumili ako ng home fetal doppler, 'yung pang-check ng heartbeat ng baby. Ngayon kahit araw-araw pwede ko i-check ang heartbeat nya kaya medyo nakakapanatag rin ng loob. We are almost 7 months at masasabi kong hindi pa rin talaga consistent sumipa si baby girl ko. Sabi nila may mga bata raw na ganon, hindi masyadong malikot although normal naman sila. Kaka-undergo lang niya ng Congenital Anomaly Scan (CAS) and normal naman si Baby -- no defects seen and normal ang size ng buong katawan niya and organs for her age. Also, anterior placenta pa kami, meaning 'yung inunan nakapagitan kay baby at sa tiyan ko.. kaya hindi talaga masyadong feel ang kicks niya. Kung kasing-paranoid kita, kung ako sa'yo bili ka sa Shoppee ng home fetal doppler para ma-check mo ang heartbeat nya anytime, anywhere. Nasa mga 800-1300 magandang klase na 'yun. Try ka din sa mga friends mo baka meron sila kahit secondhand (i got mine secondhand from a friend, ayos na ayos pa 'yung device). Overall, 'wag po mag-overthink, mommy. Masama po 'yun sa inyo 😊 Pero hindi ko naman po maiaalis sa inyo ang mag alala, kasi I've been there, too! Pa-check po if in doubt, kahit sa lying in may fetal doppler sila to check baby's heartbeat. Sana po makatulong.

Magbasa pa
VIP Member

Hi mamsh i feel you. Pero normal lang po un kasi maliit pa po si baby. Rest assured mamsh pag nagreach na si baby ng 6-7mos magalaw na po yan. Wag po kayo mag worry, bawal stress sa atin. Stay healthy po.

VIP Member

Nung 4 months ako wala pa rin halos ako maramdaman sa tyan ko, flutters lang minsan. Nung 5 months saka lang ako nakaramdam ng malakas na movement. If worried ka talaga maganda pacheck up and ultrasound ka.

18weeks here pero parang vibrations na paramg alon lang un nararamdaman ko,madalang pa yun,,maliit pa kasi un baby natin kaya movements niya sa loob ng tummy di pa ganun natin mararamdaman

Hindi pa naman po talaga masyadong magalaw ang baby pag 4mos pa lang, maliit pa sya. Mga 24weeks yan ramdam na talaga. Pero kung gusto mo mapanatag mommy, ok lang naman kung pacheck up mo

opo mam natural po yun peronmas maganda po mag pacheckup naden para alam po naten tyy

Same here.. Wala pa din ako nararamdaman na gumagalaw.. 4 mos din

ako nga po 5mons na wala dn maramdaman nkaka paranoid

Related Articles