Live in partner

Hi Goodmorning gusto ko lang makita mga opinion ng mga live in na , i have a boyfriend Mabait masipag maalaga pero lagi lang syang naka asa saakin sa lahat ako ang gumagastos ni isa wala syang ambag maeeffort naman sya kaso nga lang hindi sya masyado madiskarte sa buhay lagi lang syang naasa saakin kasi alam nyang stable ang work ko pag may gusto sya di nya sinasabi ng direct parang nag papahiwatig na ewan ako naman tong si awa pag bibigyan, kakastart palang namin mag live in dahil sa kagustuhan nya rin, kahit nung hindi pa kami live in wala parin syang work ako lang nagastos palagi sa mga dates and other expenses, hindi naman sa nag rereklamo pero syempre kapag live in na ang daming gastusin sa bahay palang and sinuspportahan ko din kasi ang parent's ko. Feeling ko nawawalan ako ng gana dahil lagi nalang syang naka asa saakin paano nalang pa nabuntis ako paano na. #advicepls #randomtalk

Live in partner
36 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Ganyan din set up namen dati ng boyfriend ko na ngayon asawa ko na.. ever since mag bf/gf kame gang sa maglive in kame wala syang trabaho kasi business minded syang tao ayaw nya ng may boss sya ewan ko ba sa kanya 😅 tska mahina kasi loob nya pagdating sa applayan lage nya dinadown sarili nya na wala daw syang kayang gawin( kasi high school grad lang daw sya) kumbaga palit kame ng position ako yung working tapos sya yung house husband. kada sasahod ako bigay ako buo ng sinahod ko sya yung nagbabudget sa pera namin. Bago palang kame nung nagliligawan palang nakwento nya na mahirap lang sila kaya di sya nakapag tapos pero wala naman saken yun tinanggap ko sya ng buo.. sobrang bait nya , masipag , faithful at maalaga.. minahal na rin sya ng parents ko na parang tunay na anak. Isa pa wala sya bisyo kahit inom o sigarilyo 😅 linis lang ng linis ng bahay.. hehe nasubukan namen ang isa't isa nung after namen ikasal nabuntis ako. di ako nakapag work kasi maselan pagbubuntis ko dun talaga sya dumiskarte ng bongga naghanap ng pagkakakitaan sa mga tropa nya kahit pagpapalengke pinasok nya para lang mataguyod nya ako pati si baby namen.. kaya sobrang thankful ako kay God binigay nya saken asawa ko kahit ganun sya never nya kameng pinabayaan 🥰🥰 tipong gigising nalang ako may makahain ng pagkaen at malinis na uniporme bago ako pumasok sa work. kaya payo ko sayo sis kumbaga nagpalit lang kayo ng position. di na uso ngayon yung lalaki ang nagtataguyod sa pamilya madalas tayong mga babae na ang working moms kaya wag mo maliitin masyado si bf mo malay mo once na masubok kayong dalawa dun mo makita effort nya sa magiging family nyo. hehehe

Magbasa pa