Live in partner

Hi Goodmorning gusto ko lang makita mga opinion ng mga live in na , i have a boyfriend Mabait masipag maalaga pero lagi lang syang naka asa saakin sa lahat ako ang gumagastos ni isa wala syang ambag maeeffort naman sya kaso nga lang hindi sya masyado madiskarte sa buhay lagi lang syang naasa saakin kasi alam nyang stable ang work ko pag may gusto sya di nya sinasabi ng direct parang nag papahiwatig na ewan ako naman tong si awa pag bibigyan, kakastart palang namin mag live in dahil sa kagustuhan nya rin, kahit nung hindi pa kami live in wala parin syang work ako lang nagastos palagi sa mga dates and other expenses, hindi naman sa nag rereklamo pero syempre kapag live in na ang daming gastusin sa bahay palang and sinuspportahan ko din kasi ang parent's ko. Feeling ko nawawalan ako ng gana dahil lagi nalang syang naka asa saakin paano nalang pa nabuntis ako paano na. #advicepls #randomtalk

Live in partner
36 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

sis, ganyang-ganyan din setup naming magasawa nung magjowa pa lang kami. gastos ko sa dates pati sogo 😂 ako ang nagwowork, sya sa housework. i didnt see it as a problem kasi pumatol ako sa lalaking walang work. nagkaiba lang kayo ng role sis, pero may ambag at pakinabang naman sya sa buhay mo. kawawa naman partner mo sis. parang minamaliit mo sya. mabait at masipag naman kamo. parang ikaw ngayun yun working husband na nangmamaliit sa kanyang non-working housewife. kung natapat talaga yung lip mo sis sa tamang tao, magkakaroon din yan eventually ng pangarap at pagkukusang humanap ng pagkakakitaan. kami noon, yung lip ko na mister ko na ngayon, hingi lang sya ng hingi sakin ng puhunan pangbuy and sell. hindi naman sya nakakabenta. pero sinusuportahan ko pa rin. bigla ako nawalan ng trabaho. yung buy and sell ni lip ang bumuhay samin kahit papaano 😀 kaya ayon, pinikot ko na sya magpakasal. mabait, masipag na, maaasahan pa sa oras ng kagipitan. tanggapin mo na lang nang buo sis sa sarili mo na ikaw yung working, sya sa housework. hindi na uso ngayon yung lalaki ang nagtataguyod.

Magbasa pa
3y ago

Anong tawag mo sa non working housewife? Kung ang tawag mo sa non working house husband tamad? Hindi po tamad ang mga stay at home partners, kung naasahan, responsable at ma effort naman. Ginagawa nila yung part nila, ihanda, ayusin at alagaan yung partner at bahay nila. Lunod na lunod tayong mga pinoy sa gender roles. I have the same house hold setup, and if ever mag palit kami ng role ngayon hindi sya magiging kasing effective ng ginagawa namin ngayon. Pag babae home maker, pag lalaki tamad?