Live in partner

Hi Goodmorning gusto ko lang makita mga opinion ng mga live in na , i have a boyfriend Mabait masipag maalaga pero lagi lang syang naka asa saakin sa lahat ako ang gumagastos ni isa wala syang ambag maeeffort naman sya kaso nga lang hindi sya masyado madiskarte sa buhay lagi lang syang naasa saakin kasi alam nyang stable ang work ko pag may gusto sya di nya sinasabi ng direct parang nag papahiwatig na ewan ako naman tong si awa pag bibigyan, kakastart palang namin mag live in dahil sa kagustuhan nya rin, kahit nung hindi pa kami live in wala parin syang work ako lang nagastos palagi sa mga dates and other expenses, hindi naman sa nag rereklamo pero syempre kapag live in na ang daming gastusin sa bahay palang and sinuspportahan ko din kasi ang parent's ko. Feeling ko nawawalan ako ng gana dahil lagi nalang syang naka asa saakin paano nalang pa nabuntis ako paano na. #advicepls #randomtalk

Live in partner
36 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Give him a chance pag kinausap mo sya, kung hindi naman sya tamad sa gawaing bahay. Na kung pwede mag ipon na kayo for your future, na magkaron kayo ng long term goals, magkaron ng sariling bahay, etc. Communication is the key lalo't live in kayo. Kailangan i-take nyo yung points ng bawat isa, ask mo sya anong pwede nyang gawin para kumita at sana di sya maoffend, dapat maintindihan nya yon. Di pwedeng habambuhay, ikaw nagpprovide ng lahat kahit ba malaki sahod mo. Pwede sya magstart ng business kung ayaw nya mag work. Kapag ayaw nya talaga kumilos to provide for his needs and to build your future, dun ka na mag isip. Baligtad naman tayo, nung nag live in kami nuon ng my-now-husband, sya lahat nagpprovide ultimo pang review ko sa licensure exam, as in lahat. 1 year kaming ganon, he had faith in me. After a year nung pumasa ako sa exam, nagkaron ako ng work kaya hati na kami sa bills non. Ngayon, may anak na kami at sya nanaman nagpprovide lahat, kaya ako magsstart ako ng business sa September para matulungan ko sya sa gastusin at para masecure ang future ng anak namin at magkaron kami ng sariling house :)

Magbasa pa