Live in partner

Hi Goodmorning gusto ko lang makita mga opinion ng mga live in na , i have a boyfriend Mabait masipag maalaga pero lagi lang syang naka asa saakin sa lahat ako ang gumagastos ni isa wala syang ambag maeeffort naman sya kaso nga lang hindi sya masyado madiskarte sa buhay lagi lang syang naasa saakin kasi alam nyang stable ang work ko pag may gusto sya di nya sinasabi ng direct parang nag papahiwatig na ewan ako naman tong si awa pag bibigyan, kakastart palang namin mag live in dahil sa kagustuhan nya rin, kahit nung hindi pa kami live in wala parin syang work ako lang nagastos palagi sa mga dates and other expenses, hindi naman sa nag rereklamo pero syempre kapag live in na ang daming gastusin sa bahay palang and sinuspportahan ko din kasi ang parent's ko. Feeling ko nawawalan ako ng gana dahil lagi nalang syang naka asa saakin paano nalang pa nabuntis ako paano na. #advicepls #randomtalk

Live in partner
36 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

ako nung mag bf/gf kami both may work yr 2018. since gusto namin magkababy naglive in kami 2020 at nag give way ako nagstop ako magwork and nagstay ako sknila. hindi kasi ako mabuntis buntis nung nagwowork ako stress din kasi ako. 2020 nakunan ako nagpahinga di pa rin ako nagwork ngayon 2021 buntis na uli 8months. literal wala ako work or part time job. as in di ako makagalaw tamad na tamad sobrang selan aminado akong palamunin ako for 2 years. minsan kapag nagaaway kami naisususmbat ng lip ko ung pera na minsan wala daw diskarte puro daw ako plano ganun wala naman daw ako nagagawa. masakit pakinggan as in. kasi i have sacrificed everything din nman para lang makasama siya hindi nga lang financially. call center kasi ako dati 2018 un siya frontliner as in di nagtutugma schedule namin kaya ako na nag give way. 2019 okay na okay schedule ko weekend ang off siya magulo pa din kaya kahit wala ako masweldo nun kakaabsent mapuntahan lang siya go kasi minsan lang sila bigyan ng day off since frontliner siya. kaya kapag ganun nanumnumbat siya eh yan din sinusumbat ko. ang sakit kasi parang mas nakikita effort mo kapag money involved. minsan nagtry ako siya utangan para sa gusto kong business nauuna pa ung negative thoughts nya di daw essential sa tao un ganyan ganyan kaya napanghihinaan ako ng loob. kaya ngayon sisikapin ko makabalik sa work after ko manganak ang hirap ng walang hinahawakang sariling pera

Magbasa pa