Live in partner

Hi Goodmorning gusto ko lang makita mga opinion ng mga live in na , i have a boyfriend Mabait masipag maalaga pero lagi lang syang naka asa saakin sa lahat ako ang gumagastos ni isa wala syang ambag maeeffort naman sya kaso nga lang hindi sya masyado madiskarte sa buhay lagi lang syang naasa saakin kasi alam nyang stable ang work ko pag may gusto sya di nya sinasabi ng direct parang nag papahiwatig na ewan ako naman tong si awa pag bibigyan, kakastart palang namin mag live in dahil sa kagustuhan nya rin, kahit nung hindi pa kami live in wala parin syang work ako lang nagastos palagi sa mga dates and other expenses, hindi naman sa nag rereklamo pero syempre kapag live in na ang daming gastusin sa bahay palang and sinuspportahan ko din kasi ang parent's ko. Feeling ko nawawalan ako ng gana dahil lagi nalang syang naka asa saakin paano nalang pa nabuntis ako paano na. #advicepls #randomtalk

Live in partner
36 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Di ko siya nakikita as problema.. kasi ganyan din kami ng live in partner ko before (way back 2019), ako lang may work saming dalawa then sagot ko lahat kahit sa yosi namin tapos sagot ko din lahat ng bills sa bahay ng mother ko (ako kasi ang ate), tas may pinagaaral pa kong kapatid. May times na sukong suko na ko pero pag nakikita ko yung bf ko, sobrang pagasikaso, mula sa baon ko pag papasok sa work, hanggang sa pag uwi ko nakaluto na siya ng dinner. Siya naglalaba. Naglilinis. Lahat ng household chores saknya. Kaya nagtiis ako kasi bihira din sa lalaki ang marunong sa bahay. Hanggang sa nabuntis ako 2020, mas lalo ko siya hinangaan kasi nagpursigi siya humanap ng raket tas pinilit niya magkawork hanggang sa nakunan ako, nawalan ng trabaho. Nagaapply siya ng work tapos asikaso niya ko bago umalis at pagkarating. Until nabuntis ulit ako (9mos preggy na nga eh), rider na siya ngayon.. then baliktad kami ngayon ng situation, mas nakita ko siyang responsable hindi lang sa gawaing bahay kundi sa pagiging ama😊😊 sa una mahirap pero pilitin mo at subukang unawain😊😊😊

Magbasa pa