Live in partner

Hi Goodmorning gusto ko lang makita mga opinion ng mga live in na , i have a boyfriend Mabait masipag maalaga pero lagi lang syang naka asa saakin sa lahat ako ang gumagastos ni isa wala syang ambag maeeffort naman sya kaso nga lang hindi sya masyado madiskarte sa buhay lagi lang syang naasa saakin kasi alam nyang stable ang work ko pag may gusto sya di nya sinasabi ng direct parang nag papahiwatig na ewan ako naman tong si awa pag bibigyan, kakastart palang namin mag live in dahil sa kagustuhan nya rin, kahit nung hindi pa kami live in wala parin syang work ako lang nagastos palagi sa mga dates and other expenses, hindi naman sa nag rereklamo pero syempre kapag live in na ang daming gastusin sa bahay palang and sinuspportahan ko din kasi ang parent's ko. Feeling ko nawawalan ako ng gana dahil lagi nalang syang naka asa saakin paano nalang pa nabuntis ako paano na. #advicepls #randomtalk

Live in partner
36 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Same situation 😔 nothing change 😞 5 years with him and now we have a baby, AKO parin. Mag work, alaga sa bata, expenses. After I gave birth I decided na sa Mom ko mag stay, you know why? Pag ka panganak ko dun kami umuwi sa kanila. Ako parin! Bumili ng food hindi lang para saming dalawa, kundi para sa buong extended family nya. Feeling ko that time, pagod na pagod na ko. Wala na ngang financial support from his side ang dami pang sinasabi. And nung nakalipat na kami ni Baby sa house ng Mom ko, ayun palitaw na. I lost interest and love, wala man lang syang effort na dapat pinakikita na nya this times. Sya gusto mag ka baby then after ni walang pag kukusa.

Magbasa pa

momsh bka pwede mo kausapin in a nice way na di xa maoffend..anyway kakastart nyo pa lng mag live in...give him a chance..tsaka sa panahon ngayon..di na uso yung sa lalaki ang dpat magtaguyod...magtulungan..kung sino ang meron sya muna magbigay...bka umikot ang mundo..mawalan ka ng trabaho sya naman ang magkakaron.. gusto mo ba sabihan ka din na asa? di bah.. di ko din maintindihan ang ibang momshies dto..dhil lang jan hiwalay agad? di pa naipanganak ang bata wala na tatay? masipag at maalaga naman yung lalaki...kung tutuusin khit papaano swerte ka pa din kc ang ibang babae tamad yung partner, nambubugbog pa.

Magbasa pa
3y ago

agree ako sa comment mo sis. bakit nga ba hiwalay na agad ang comment ng ibang momshies. mabait at masipag naman ang kanyang lip.

communication is the key be honest with him walang problema di na naayos sa magandang usapan and always pray ipag pray mo din sya maybe lost din sya wala sa wisyo always think din sa nafefeel nya di lang sa nafefeel mo thats why partner nga kayo diba so dapat honest sa isat isa wether masaktan sya sa sinabi mo he needs to know the truth kung ano nafefeel mo di mo naman aawayin kakausapin mo lang maayos na usap be matured sa relasyon nyo lalo na live in na start na yan😌 wag hiwalay agad ang solusyon lalo na kung wala naman ibang ginagawa sayo kausapin mo muna see kung mag babago.

Magbasa pa

naalala ko sa akin dati. parang ako ikaw , hangang sa nag anak kami. ako lahat sya puro asa barkada inom at sigarilyo. nag sawa ako sa stlye nya kaya nag hiwalay kami. aanhin ko buo kami ng pamilya kung makikita ng anak ko na tamad ang tatay nya. 15 years old na anak ko pero ubg life style ng tatay nya. alam nya kasi kaya ko gawin lahat kaya ending sa akin lahat inasa ang lahat ng gastusin sa anak ko. kaya habang maaga pa lang mag isip ka na.

Magbasa pa

Be responsible dapat before nagdecide siya maglive in, okay lang sana if initially both kayo may work to support yourselves but syempre may ups and downs baka isa sainyo mawalan ng work then saka okay lang muna magsupport. But starting palang kasi kayo? Ever since nakaasa pa sayo even before kayo magsama. Hmm. Hopefully mapagusapan nyo po.

Magbasa pa

Communication is the key momsh💯 Kung hindi mo ioopen sakanya yan di nya malalaman ano nararamdaman mo. May mga tao kase talaga na di nila napapansin mga maling ginagawa nila unless sabihan mo sila. Talk and pag wala pa ding nangyare, much better siguro kung hiwalayan mo na kase magiging pabigat lang yan sayo in the near future.

Magbasa pa

hiwalayan mo na yan. eventually mawawalan ka ng gana kapag lage syang ganyan. sya ang lalake dapat naman magkapride sya to provide. kung wala naman pala syang work bakit sya pa ang nagsuggest na mglive in na kayo? di ba nakakapagisip. kasi kapag ganyan hindi ka muna aayain maglive in kai mahihiya yan sayo. know your worth.

Magbasa pa

Maghiwalay kayo ng bahay ulit para maranasan niya tska magcool off muna kayo para makapagisip kayong dalawa, dapat 50/50 sa gastusin hindi ikaw lang oh di walang tira sayo pano pag may gusto ka din para sa sarili mo? Db wag puro siya kahit mahal mo isipin mo din sarili mo maawa ka sa sarili mo,

Pag usapan nyo nang maayos. Kung financial ang issue pwede naman mo siya pa try mag start ng business. I mean ok yan na may stable job ka pero kung feeling mo mabigat na ikaw lang kumikita patulong ka sa kanya kasi dalawa kayo dapat nagtutulungan sa binubuo nyong bagong pamilya.

Talk to your partner in a nice way sis. Pag usapan nyo yung saloobin mo. Mag open up ka ng side mo. Mas mahirap kasi if tatahimik ka lang. Much better if pag usapan nyo kung anong problem lalo na nag try kayo mag live-in. ❤️