pangungulila Mahaba haba sorry
Good evening mga moms pwede bang mag share ng nararamdaman Lumaki kasi akong di kasama ang mama ko at sa tito ako nakatira para makapag aral kahit gang high school lng.after high school nagingq working student para maka tulong ng konti sa family ko pero di nakatapos dahil ako na ang naging bread winner sa magkakapatid pang lima ako sa 8 na magkakapatid. Wala akong ibang pangarap dati kundi para sa family ko binigay ko lahat ng makakaya ko kasi gusto ko pagnakapag asawa ako at magka anak mag fufucos ako sa sarili kong pamilya. Nagkamali ako after ko makasal sakin parin lahat pati mga kapatid ko sakin din minsan umaasa kahit may sariling pamilya na sila. Kaya medyo na delayed ang pag decide ko ng magkaroon ng anak dahil sa kanila.nabilhan ko na rin ng lupa at napatayuan ng bahay ang nanay ko at magkasama kami sa isang bahay ngayon. So Ngayon nag decide ako na magkaroon na ng baby for 7years of marriage ngayon lng ako naglakas loob na gusto ko naman sana mangarap para samin ng asawa ko.pero Nakaka lungkot lang po na nararamdaman ko na parang walang care sakin ang nanay ko madalas nararamdaman ko na naiilang siya sakin. Lalo na ganitong buntis na ako gusto ko sanang alaga ng isang ina. Minsan naiiyak ako kasi pagnakakain na ang nanay ko hindi na siya nagluluto ng ulam kasi nga nakakain na siya. Gusto ko sanang tanungin niya din ako kung ano gusto kong ulam.yong kalinga niya at attention na di ko naranasan simula ng bata ako. Minsan na tanong ko siya bakit kung kumain na siya bat hindi na siya nagluluto para sa iba.ang sagot niya eh magkaniya knyang luto ng ulam na lng kung ano gustong ulamin.to be honest po ngayon lng kami nagkasama sa isang bubong ng GANITO Katagal. 1year and half na ngayon simula nagkaisip ako ngayon lng talaga kami nagkasama.kaya siguro parang naiilang siya sakin. Nakalungkot na wala akong makausap.dahil hindi naman nag kwekwento nanay ko sakin.kaya mas nakapag isip ako na mas maganda Pang bumalik ako sa nanay ng asawa ko doon kasi mas alaga ako ng nanay niya.napaghandaan ng pagkain ang palA kwento pa. Nabigyan ko naman mama ko ng bahay.gustong gusto ko na talaga mamuhay ng para naman sakin o para naman samin lng mag asawa.yong anak at asawa na lng iisipin ko.minsan napaisip ako bakit sa dami ng kapatid ko bakit ako lang ang nag susustento.minsan ako ba gumagawa ng paraan para matulungan at guminhawa buhay nila kahit papaano.pero parang baliwala sa kanila. Nag trabaho at sumikap ako.parang akala nila ang dami dami ko nang pera PARA HAYAAN NA AKO NA LNG lahat. Minsan sarap pamukha sa kanila na bakit ako lang ba ang anak para sakin na lng lahat e asa at gumawa ng paraan para sa kanila? Saka nga pala yong bunso namin lalaki 18years old at bunsong kapatid ng nanay ko 50 years old kasama namin sa bahay.gusto ko na ng tahimik na buhay yong buhay naman unahin ko naman sarili ko at sariling pamilya ko. Sorry napahaba.q #1stimemom #pregnancy