Pahingi po ng lakas ng loob
6 years na po ako may depression. nanganak po ako last year for my first baby. Ngayon po nag kababy po ako paminsan minsan sumasagi pa rin sa isip ko na mag suicide pero pag naiisip ko baby ko nagbabago isip ko. Gusto ko pa makita lumaki anak ko. Pero di ko maiwasan pag inaatake ako ng kalungkotan. Sa ngayon dito ako nakatira sa bahay ng biyenan ko wala ako makausap sa tuwing nalulungkot ako. Kahit sa partner ko di ko nasasabi yung nararamdaman ko, kasi ang sasabihin lang nun nag iinarte lang ako, sa family ko naman marami din silang problema para problemahin pa yung nararamdaman ko. And ako pa ang bread winner. Sa ngayon wala ako work umaasa lang sko sa partner and nag aalaga sa anak namin. Pilit ko nilalabanan mag isa tong nararamdaman ko. Feeling ko kasi malas ako, wala na akong silbi sa mundo and napakaraming negative na dumadating sa buhay ko. Sana malagpasan ko lahat ng pagsubok na to para makita ko pang lumaki ang anak ko.