MASAMA LANG TALAGA LOOB KO
Kung pwede lang piliin magiging myembro ng pamilya. Never kong hihilingin na maging tito at tita ang mga kapatid ng papa ko. Bakit? 22 years old ako. Nabuntis ng hindi kasal, ang sinisi nila ay mama ko. Kung hindi daw sana sya naging maluwag sa pagpayag na magtrabaho ako sa ibang lugar, hindi sana ako nabuntis. Pero putang ina nyong lahat! Yang nanay ko na sinisisi nyo sa nangyari sakin, sya lang naman yung isa sa mga tumulong at nagmalasakit sa inyo pag may nangyayaring hindi maganda sa loob ng pamilya nyo mismo. Makapagsalita kayo akala nyo mga wala kayong kabit, kinabit at kinakabit. Mga anak ng Diyos ang tingin sa sarili, puro naman mura kapag wala na sa loob ng bahay sambahan. Mga matataas ang tingin sa sarili, mahirap nga siguro ang pamilya nila mama pero saglit lang... Di naman din kayo mayayaman. Hindi naman ganun matatalino ang mga anak nyo at lalong wala naman kayong naitulong sa pagpapalaki samin kung hindi puro pang huhusga. Tito at tita, alam mo bang yang mga anak nyo ginawan ako ng kalaswaan nung bata pa ako? Hindi di ba? Matagal na kayong nang iinsulto samin. Dahil habang kaya nyong pag aralin mga anak nyo sa private schools, kami ng mga kapatid ko, sa public school nag aaral, madalas nyo pang tawaging bobo dahil sa public school lang. E asan na ba mga anak nyo ngayon? Spelling lang hindi nga maiayos. Pahat ng anak na pinagmamalaki nyong nakatapos sa pag aaral, nasaan? Nagttrabaho ba? Ako 15 nagttrabaho na ako, habang kinukutya nyo pamilya namin, nagsisikap kaming mag aral at magtrabaho para mapaayos kami. Pangako ko sa inyo, magiging matagumpay ako, magsabi kayo ng kung ano-ano kung kayo mismo, ngayon palang, kaya nyo ng tapatan ang sinasahod ko. Mga banal!