48 Replies
ako regular ang mens ko eh .. nalaman kong my pcos ako kc ng sspot ako ng brown dscharge na inabot ng 21days kya ngpa check up nko. 1st time ko mgpa check up sa ob nun. at bgo pa man ako mgpa.check up ng research nko and pcos dn ung nalaman ko. tumaba kc ako nun. sabi ng ob mg diet daw ako kc mhihirapan dw ako mbuntis non. pnag take nya ko ng pills generic ng dianne pills. buti sa pharmacy ako ngwwork kya d nko ky ob bumili ng mga gmot kc ang mahal. ksabay ng pills is metformin. bale jan sa metformin tatae ka ng tatae jan. ituloy ko lng dw un for 3months. tnuloy ko and ntapos ko. di nko bumalik girl kc qng gastos .. pnipilit ako ng asawa ko pra sa follow up check up. sabi ko isa lang nman solution dto. mg diet at manonormal ang hormones ko. ngpalit ako ng work ung mpapagod ako at ppyat. every month na mdedelay ako umaasa ang asawa ko .. pero ako d nko umaasa .. sabi ko kung ibbgay ni Lord pasalamat ako .. pero kung hinde ok lmg din bsta ksama ko asawa ko. sa edad kong 26 ngiicp nko na mgaampon nlng ako pg d tlaga ko nbuntis. kso bgla kong naiisip na iba prin ung galing sa dugot laman mo. last year april bgo kmi mgbakasyon ng asawa ko my cnabe sya sakin na mejo kumurot sa puso ko π₯pero nging magic word para ibigay ng Diyos samin ang biyaya. sabi nya kahit daw di ako mgkaanak di nya ko iiwan π tumulo luha ko dun. me mga magic word akong narinig at ntanggap bgo ako tlaga mbuntis. sa trabho ko naman meron akong nging kaibgan buntis na sya non 1month. tpos ung isa kong nging kaibgan my pcos dn sya pero ngkaanak sya. and tnanong nya ko nun sabi nya naniniwala daw ba ako na ibibigay ang baby sa tamang panahon. sabi ko oo. naniniwala ako dun. kc sabi ko sya nga bnigyan eh. then after 1month di nko niregla. d ako ngeexpect kc nga lagi namang wala khit anong delay. na delay pako another 1month d prin ako ng pt. bsta hnihnty ko rerelgahin ako. ung asawa ko na pumilit sakin mg pt. bli sya ng isa. ngcheck ako umaga. na shock ako. pero kalmado. malabo ung isang linya. pero dalawa. 1st time ko mg pt na gnun amg resulta. ngpabili ulit ako. isa. mas luminaw. 2 linya. d prin ako naniniwala pngatlong araw bumili ulit asawa ko. gnun prin ang labas. 2 linya. sabi ko sa asawa ko wag syamg umasa dhil me mga pgkakataon na ngppositive pero wala naman tlagang laman. hilig namin sa milk tea nun halos everyday, 3x a day. sabi ko baka sago lang ng milk tea to π maniniwala lang ako pg ngpa ultrasound. d ko muna cnabe sa parents ko baka kc walang mkita sa ultrasound. hnggng sa ngpa ultrasound na nga kmi. ntatakot ako kc baka false lang. pero nung inuultrasound nko nririnig ko cla sabi 8weeks and 2days π±π₯° ayan na mejo naniniwala nko. nung bbsahin na ng ob ung resulta sabi nya buntis ka nga! sya rin kc ung ob ko nung ngpa check up ako nung my pcos ako. 2yrs ago. tpos ayan na niresetahan nya nko ng vits π ung asawa ko na nghhnty sa labas d mapakali pglabas ko tnong nya agad ano dw resulta sabi ko 2mos preg ay grabe ung ngiti nya π₯° pnaka msaya ako pg nkikita kong msaya ang asawa ko .. and ngayon 2weeks old na c baby via normal delivery π thank you Lord .. bsta lagi mo ippray kay Lord meron o wala ok lng yan .. pero dapat bukal sa loob mo na ok lng tlaga.
Hello mamsh.. I was diagnosed with PCOS since 2014. Sobrang irregular ng period ko. Minsan inaabot ng 5 mos bako ako datnan.. Dami ko na tuloy nasayang na PT kc laging negative. ππTaz last year nung nagpacheck up ulit kmi pati c hubby bumaba na din ang sperm count. Hanggang sa tumigil na din kmi kapabalik balik ng doctor kc prang wala din nangyayari. I've already set my mind na tanggapin nlng na wla na tlagang pag asang magkaka baby pa kmi lalo na at meju may edad na kmi parehas ng hubby q.. He's 42 and I'm 30.. Sabi ko kung talagang pra sa amin ibibigay at ibibigay yun pero kung hindi khit ilang doctor pa ang pupuntahan nmin at ilang gamot ang lalaklakin wlang mangyayari.. But just this January sumama pakiramdam q.. Almost 1 week na hindi ako makakain ng kanin dahil suka ako ng suka. Uminom pa ako anti acid kasi nga akala q usual na sakit ng sikmura lng at mataas na nman hyperacidity level q. Taz sinabihan ako ng mama ko na mag PT kc bka daw buntis aq. Nung una ayoko pa kc nga frustrating na sakin na everytime mag PT aq negative lagi ang result. But then, I decided to give it a try and to my surprise positive po yung result ng PT. Sobrang napaiyak ako sa tuwa. I'm 9 weeks and 2 days on the way na po ngaun and so far thankful ako kc maayos nman ang lagay ni baby based on my check ups and ultrasound pro doble ingat pa din. Wag pong mawalan ng pag-asa mamsh.. Just pray fervently kay God coz He always knows best. Pinag-aantay Nya lang tayo ng tamang timing. Good luck po.
I was diagnosed with PCOS 2 years ago. Ni recommend ng 1st OB ko na mag pills (Cybelle) and Metformin ako since I don't have any plans on getting pregnant pa (just to regulate my period). I got married last year (May) and I stopped my pills last August since I want to get pregnant na. (Around October) Went to my 2nd OB (new) and she recommended I start taking Folic Acid na and we just waited naturally na magkaperiod ako para mabigyan nya ako ng pang ovulate. (December) Eventually I got my period on my 1st day I went back to my OB. She advised that I take Ovamit on my 5th until the 10th day. We did a transvaginal ultrasound on the 10th day to check if I'm ovulating, unfortunately, I was not (I cried so hard - #dramaqueen π, but i was still hopeful). Good thing, I have a very supportive husband. My OB said I need to continue taking Folic and Metformin and same thing, we need to wait til my period comes and I need to take Ovamit on the 5th day onwards. And so we waited... Supposedly, I should have my period last Jan. 7 but it did not come. I had a pregnancy test last Jan. 14 and booooommmm! I'm pregnant. Now, I'm 6 weeks and 7 days preggy. β₯οΈππ I went back to my OB and even her was shocked! God works in mysterious ways and he surely hears our prayers. π I hope and pray that you'll be blessed with a Baby bump of yours as well soon. Godbless!!! πβ₯οΈπ
Mommy me my PCOS po ako left nd ryt kopa na ovary sinabihan talaga ako ng ob ko na hirap ako mgbuntis..Pero nagpa alaga padin ako sa OB almost 3x ako nagpalit ng ob..Finaly nakakita ako ng ob na pang enfertility talagA..pero talagang hirap ako mkabuo kahit inaalagaan ako umabot na ako sa 125k ang nagastos ko..Until sinabihan na ako ng ob ko na stop na muna ako sa pag papaenfertility dahil sayang lang daw ang pera..Dun hopeless na hopeless na talaga ako i keep on praying sana my milagro mangyari na mkabuo kami ni hubby ko bago cya balik sampa nmsa barko..Pero mommy maniwala ka alam mo ba yung BUAH MERAH?cuzin ko nag chat sa akin sinabihan nya ako about sa product e try ko daw..nag try ako ng dalawang plastic lang 2x a day ako umi inom akalain mo last July 2019 nag byahe pa kami ni hubby grabe ang regla ko para akung nakunan ang daming lumabas na buo na mga dugo natakot ako ang nasa isip ko baka ang mga pcos yun..umaabot 1week ang regla ko pinabayaan ko lang...til august 2019 hindi ako dinatnan baliwala ko lang dahil sanay na ako na hindi dinadatnan ng regla..September 2019 nag pt na talaga ako iba na kac pakiramdam ko..Finaly mommy nag positive red na red pa ang dalawang guhit pinakita ko kay hubby ko at agad kami nagpunta sa ob nagulat ob ko miracke baby daw..Now mommy im 25weeks preggy baby girl first baby ko po sa edad na 40..
Me both ovaries 20+ pcos, 19yrs old ako ng malaman kong may pcos ako tapos 22 yrs old ako nalaman kong may mayoma ako 1 plang siya that time at naraspa din ako that time kasi makapal na masyado lining ng matres ko delikado daw yun sabi ng ob ko tapos, january 2019 24yrs old ako nalaman kong 2 na mayoma ko, march 2019 nag palit ako ng ob and sinabi ko sa ob ko gusto ko mag anak tapos binigyan niya ko ng reseta ng pills lulusawin daw nun pcos at mayoma ko pinababalik niya ko after 3months, july 2019 bumalik ako kasi di ako dinatnan ng june akala ko lumala yung pcos ko, kasi late na ko bumalik, pero bago ako bumalik nag take ako ng 5pt and lahat positive so natutuwa ako na natatakot kasi mamaya false lang pala, pag balik ko sa ob ko pinatrans V niya agad ako and then 5weeks pregnant na pala ako and my heartbeat na si baby, ngayon 36weeks pregnant na ko ππ dati iniiyakan ko pa yan kasi sabi ng una kong ob baka di na ko mabuntis kasi may pcos ako, mayoma at obeses pa ko. 2nd ob ko di niya ko sinabihan ng ganun nginitian niya panga ako tapos sabi niya take ko daw yung pills for 3months gusto ko nga siya na lang mag paanak sakin kaso need ko lumipat ng ob kung san andun pulmo ko dahil sa hika ko. Yung 3rd ob ko ngayon sabi niya miracle daw baby ko. Nabuntis ako 234pounds timbang ko ngayon 248pounds ako.
Ako din po may PCOS ng 5yrs pa nga. Naging negative thinker ako nun inisip ko na bka hindi nako magkaanak. We are 7 years together. 6 years as bf-gf, 1 year as married plang. Nung mejo ngttgal na kmi as bf/gf plang, ngpaconsult na kmi sa ob, kasi nppgusapn n nmin nun ang kasal. So sympre bilang bubuo na kmi ng sariling pmilya, nagpacheckup kami kung healthy ba kmi pareho at dun ko nalaman na may pcos pla ako. Napakabugnutin ko nun, nagkaroon ako ng anxiety at lagi kaming ngaaway ng asawa sa hibdi maipaliwanag na paguugali ko. Mabilis akong magalit, lagi mainit ulo, aburido, iritable.. Hnggang sa natuto akong mgbasa basa sa internet ng mga article at dun ko nlaman na curable naman pla ang pcos at hindi naman sya life thteatening. Nsa mga kamay din natin kung pano yun mawawala. Healthy lifestyle, healthy diet. Isipin mo lang na mwawala din yan in jesus name at mkkpagconceive ka pa din. Pray hard lang talaga kasi kung para sayo naman talaga ang pagkkaroon ng baby magkkaroon ka kahit biglaan o sobrang tagal. Mdaming mag-asawa ang hirap magkaanak, 10,15,20 yars bago nagkaanak. Hindi ka ngiisa kaya wag ka mlungkot. Mraming babae ang nkikipaglaban sa PCOS. Laban lang and keep hoping. God is Good! There's a right timing for everything. π
Last 2018 nadiagnosed ako na may PCOS at mga cyst sa matres ko then niresetahan ako ng pills(dianne pa nga yun ang mahal) tapos nakwento ko sa kawork ko sabi nya tigilan ko nadaw kase di daw maganda sa katawan ang pill dahil nung sya lumabas yung mga sakit nya sa ovary at matres nya dahil sa pagtatake ng pills. Tapos bukod sa mahal at may side effect ang baho pa nun ng nalabas sa pempem ko naamoy ni bf buti di naturn off sinabi ko nalang na baka dahil ng pill kase di naman ganun dati eh. Edi yun na nga after 2 months ng pag gamit ng pill tinigil ko pero di ko sinasabi sa ob ko the trans V ulet mga bandang March 2019 ata yon para icheck yung PCOS ko at endemetriosis ganun padin naman meron padin tapos ayun July 2019 1 month na ko mahigit delay nagtry ako mag PT nagpositive although di ko inaasahan na mabuntis ako kase sabi nga ni OB mahihirapan daw. Eto 34 weeks and 55 days na ako konti nalang lalabas na to π and good news nung nagpaultrasound ako wala ng nakitang cyst sa matres ko at wala nadin PCOS ko πππ
Was diagnosed with PCOS at 22. At first I just wanted to manage the bleeding and irregular menstruation. I was obese at 22. My hormones just were crazy. Never got pregnant. 2016 it was really bad; bleeding was persistent. It felt like i bled for the entire year. I didn't want to take meds anymore. Finally decided to do the KETOGENIC DIET on january 3, 2017. I changed my lifestyle toyally. My bleeding stopped after 3 days, and returned to normal, and became regular monthly. Started losing weight drastically, which never happened before because of the hormonal imbalances brought about by the PCOS. My skin got better, even my dark spots lightened. My blood test results got better, including blood sugar, uric acid, and cholesterol results. I got pregnant the same year at 38 years of age! Unfortunately, i have a condition, totally not related to Keto( incompetent cervix), and lost my baby. Now, I am pregnant again at 40 years old, and will pop in 2 months. I swear by the keto diet. Google it.
Me po π€ Almost 2 yrs kami nagtry ng husband ko, I tried Fern D, tinaas din po ng biyenan ko mattress ko and I tried din yung binigay sakin ng pastora namin na gamot (Selenium) syempre may kasamang prayer. π Walang imposible kay Lord, wait for the right time sis. Wag magmadali kasi laging perfect ang plan ni Lord basta magtiwala ka lang. Maybe may kelangan pang baguhin si Lord sayo kaya dipa nya binibigay prayer mo. He settle first your own good. Basta advice ko lang sayo sis wag mawalan ng pag asa. π Trust His plan π Nothing is impossible to God. Imagine, plano pala ni Lord sakin na same kami birthday ng magiging baby ko. π Due date ko po kapag birthday ko. π€ Stay strong sis have faith π God's really loves you. π
Ako po, last March 2018 nadiagnosed po ng PCOS. Inayos po muna mentruation ko sa paginom ng pangparegla then pinagmetformin po ako. lumipat ako ng OB pinadagdagan ng Folic Acid in preparation po sa pagbubunts. Tapos sched na po ng fertility pill, di po kami nakabuo... after nun dinatnan naman po ng 2 months tapos 3 months na namang wala, lumipat ako ng OB, naclear na ko sa PCOS March 2019. Tapos hinanda nya muna ako then papsmear and take antibiotic tapos pangparegla ulit after 2 months, niresetahan na ulit ako ng fertility pill. Luckily, nakabuo kami kaagad ng asawa ko and 34 weeks preggy na po ako. Magpaalaga po kayo sa OB, sila mas nakakaalam ng dapat mong gawin, sundin mo lang po at magdasal po kayo na biyayaan na kayo ng baby.
Edelyn Palma Lamsen