PCOS! sana may makapansin

Hello mommies, Sino po may PCOS at may Baby na ngayon? ano pong ginawa nyo para mawala yung pcos nyo at magkababy? Hirap ng may PCOS lalo na pag gusto mo ng magkababy ?? Help naman po ?

130 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Ako, nadiagnosed ako na may pcos 2015 di ko pinansin dati .5 cm lang laki nia tsaka iilan lang sa right ovary ko. After 3 years 2018 dumami sya and lumaki sya at both ovaries na. Nagstart ako mag medicatio n non, pinagpills ako ng ob ko para makorek ung period ko after 6 months nagpakasal ako sept 2018, by oct 2018 bumalik ako sa ob ko sinabi ko na gusto ko na mabuntis 6 months medication nag fofollicle monitoring kami walang nabubuo. Nagpalit ako ng ob sa sobrang kagustuhan kong mabuntis, ung ob sa cardinal nirefer ako sa isa pang ob kase ob sya pero hindi infertility specialists, nirefer nia ko sa ob na taga mega clinic nagtry kami 1st follicle monitoring niresetahan nia ko ng femara 3 times a day for 5 days nung nagpa transvaginal ultrasound ako sabi nia di daw nagdedevelop ng normal ung follicle ko. Pinaliwanag nia sakin ung next step na gagawin, ung gastos din. Nagulat ako kase di kami mayaman para isuggest nia sakin ung 30-35k per month na medication ung ivf at pinaliwanag nia na atleast 6 months gagawin yon. And last daw ung 500k na test tube baby, nung natapos ung ob magpaliwanag nanghina ako, ganon ba ko kahirap magbuntis para gawin namin yon? Naghanap asawa ko ng ob sa fb na hindi sa manila kase taga bulacan kami naghanap sya ng malapit, may nahanap sya sa pampanga co-sy fertility sa angeles malapit sa diegs. Pinuntahan namin, sa awa ng diyos nabuntis ako agad after ng 1st try ng follicle monitoring namin di kami umabot sa ivf o iui. Gamot lang. Pero sinabayan ko un ng hilot nagpa alaga ako sa hilot pinataas ko matres ko, 3 days ako hinilot after matapos ng mens ko habang nagtatake ako ng gamot na nireseta ni ob. Di ko alam kung si ob o si hilot, pero pareho silang nakatulong sakin para mabuntis ako. Ngayon 11 weeks and 4 days na ko na buntis. Sana makatulong, mabubuo din si baby nio dasal lang.

Magbasa pa

PCOS patient on both ovaries way back 15yrs ago,i had delays positive PT's but di naman na dedevelop ,then decided to have hilot,fertility work up kami mag asawa ang mamahal ng vitamins plus gastos pabalik balik sa OB,then we stopped...then 2017 i didnt have menses for about 8mos ,then i decided to take pills again just to have regular menses back again...then sa pagkakama kalimutin ko nakaligtaan ko na naman uminom tsaka nakapag decide ako i stop,then di na naman ako ni regla mga bandang june of 2018,mga august ang sore ng dede ko tapos masakit ang tyan ko natakot ako at nagpa check kako sa gall bladder stones ko na naman ayun sabi nga kailangan ko na paopera kasi madami nadaw bato sa apdo ko binigyan lang ako antibiotic gud for 1week then nawala na sakit pagdating ng mid november pag madaling araw nagigising ako kasi ihi ako ng ihi tapos may bumubukol sa left side ng puson ko tapos may parang butterfly sa puson ko natakot ako baka mayoma na yun then gang sa di ko pa din pinansin,nagbakasyon kami sa dgte for xmas break dec15 then decided to have PT twice kako wala namang mawawala kung mag try ayun both positive kinakabahan pa din ako baka may mayoma nga ako kasi sabi nila nag positive dib daw PT kahit mayoma then decided to go to the OB for check up then took UTZ so shocked when the sonologist uttered spinal cord,head,eyes,then later on its a baby boy iyak kami ng iyak at di makapaniwala na after 15yrs of waiting magkakababy na kami sa wakas ng asawa ko!and so happy to say that he's 4mos 24days as of now!thanks God! Kaya sis wag ka mawalan ng hope pray ka lang ng pray ibibigay din ni Lord yan sau ng di mo inaashan!😘

Magbasa pa
Post reply image

2 years ago I was diagnosed with PCOS sa una kong OB pinag pills ako for 3 mos pero hindi nag work kaya lumipat ako ng OB then sabi ng OB ko exercise and healthy diet lang bawas sa sugar then after 2-3 mos yung isa kong ovary nag normal na (both ovaries ko kasi may PCOS) pero hindi padin kami naka buo hanggang sa hindi na ko masyado naka pag exercise and diet that time tapos binigyan din ako ng OB ko ng papa ovulate na gamot (pampa ovulate yun para sa may PCOS) pero 2 cycles ko siya tinake pero wala padin sabi ng husband ko tigil na muna namin, so halos lahat tinigil ko na pati exercise and diet wala na masyado pero yung prayer ang hindi nawala sa akin sis everyday nag dadasal ako sinurrender ko din sa kanya sabi ko siya ng bahala then last October, 2018 nabuntis ako praise God! pero hindi padin will ni Lord nung time na yun kasi yung pag bubuntis ko pala is anembryonic pregnancy (walang na develop na bata) so December, 2018 binigyan ako ng gamot para malabas na. sobrang sakit kasi mag papasko pa nun tapos ganoon yung nangyari pero yung faith ko andoon padin sabi ko kay Lord "in Your perfect time Kayo na pong bahala" πŸ™ then this February lang sis nabuntis ulit ako and I'm now 13 weeks pregnant, Thanks God! πŸ™β€ Prayer works sis! huwag kang susuko na mag dasal kasi ako kumapit nalang ako kay Lord and true enough hindi Niya ako pinabayaan. Nothing is impossible to our God πŸ‘ΆπŸ™β€πŸ˜Š

Magbasa pa

Dont lose hope ako my pcos ang dami kong tinake na vitamis sobra at nag paalaga pa ako sa ob ala pa rin nagpupunta pa ako sa simbahan sa mga piat,sa guibang nagsayaw sa obando lahat ala pa rin after that sinabihan pa ako ng mga family ko at doctor hindi na daw ako magkakaanak at my pcos ako hirap na kasi my edad na rin ako 33 yrs old after nun di pa rin ako nawalan ng pag asa hanggang nagdecision ako mag resign sa work ko stay sa bahay iwas sa stress happy lang ba..and nagdecide ako mag abroad sa saudi after nun sa flight ko pa lang sa eroplano nilalagnat ako sobra pinainom ako ng stairwardes ng panadol at nagtake ako ng kung ano ano nung nakarating ako saudi ng imedical ako sabi SUSPICIOUS PREGNANCY gulat ako sabi pano mangyayari un until di ako pinagstart ng work many times pabalik balik sa hospital talagang positive p ginawa ko pa nagpahilot,baba at taas sa hagdanan patakbo talgang ala hindi ako dinudugo kasi sinabihan ako ng doctor sa saudi in two days duduguin na daw ako kasi nasa labas daw.lahat ng friend ko sa pinagdasal ako nasa huwag after one month umuwi ako ng pilipinas at nagpa check up BOOOMMMMMM buntis nga ako UNEXPECTEDLY. After 7 years namin ni hubby ko he is 60 yrs.old and i am 33 now i am 36 weeks and 3 days preggy so DONT LOSE HOPE GOD WILL ANSWER YOUR PRAYERS AND THINK POSITIVE ISUKO MO LAHAT SA DIYOS SIYA LANG ANG NAKAKAALAM KUNG KAILAN. EAT HEALTHY FOODS AND IWAS KA SA STRESS LANG UN LANG.

Magbasa pa

bago ako madiagnose na may PCOS nung 2016, nagkaroon ako ng anak nung 2014., medyo nakakadepress din kasi yung PCOS yung mga underlying na problema na dala, like hormonal imbalance, diabetes, excessive hair growth, infertility., nresetahan ako ng OB ng pills for 3 mos para daw maregulate ang regla ko, pero after nun ganon pa din ung cycle ko., then nagtry ako ng mga binibenta online na inumin kasi nababahala na ako sa weight gain., 43kls ako dati, tapos naging 60 kls na ako., nagpunta na rin sa beauty clinic nagpalipo at kung anu 2x., di ko pa alam nun na buntis na ako, tapos iba na ngaun OB ko., tapos nagrequest xa ng TVS kasi di ako naniniwala na buntis ako, malay ko kung nagpositive PT lng ako dahil sa hormonal imbalance., naniwala lang akong buntis ako nung lumabas na ang result ng TVS ko na 8 weeks pregnant na ako, sinabi ko din sa sonologist na may PCOS ako, sabi ko baka natabunan lang ng pinagbubuntis, tinawanan pa ako kasi masyado daw maliit para matabunan, sbi clear na daw ung 2 ovaries ko sa PCOS.

Magbasa pa
TapFluencer

May PCOS din po ako 14th weeks preggy na 29 years old ako nadiagnose 31 years old na po ako ngpaalaga po ako sa OB pills, tas andami ko po natry na vitamins at gamot including luxxe white para magregular ako...Every 3 months pumupunta ako sa OB ko...as in napaka kunti ng menstruation ko lumalabas lang xa ng regular na madami kapag umiinom ako luxxe white. Last october visit ko sa OB sabi ko gusto ko mabuntis ng May December pinatigil nya pills ko..itinigil ko dn po lahat ng vitamins na iniinom ko pero ngstart na ako uminom ng folic (anemic din po kasi ako at sabi dn po ng OB) mula october kasabay ng pills. Tas nong katapusan ng april hanggang May nagtake ako ng Fern D. June delayed na nagpacheck up agad ako and Yes Positive na.

Magbasa pa

Hi sis share q lng din same case tau nag ka pcos din aq 3yrs ago and now im 8 weeks pregnant nung unang yr q nalaman n may pcos aq frustrating sa totoo lng pinaka matagal na delayed ung mens q 6months tpos pinag provera muna aq para mag k mens tpos pills mga 4 months q din tinake tpos stop para mag try kaso wala tlga mabuo dahil nga sa pcos tpos cycle lng un pills and provera and then nitong feb. 2019 wala na aqng tinake na meds kc parang for me unhealthy din ang pills para sakin so na pag usapan nmin ng hubby q na mag healthy diet saka exercise tlga kc mas mainam n dalawa kaung nag wowork out para mas mabibis tpos un 3months lng nka buo na din kmi... sana maka help makaka buo k din sis...

Magbasa pa

Me. Buntis pa ngayon :) Actually, wala kong ginawa. Nagpaloko lang ako sa tatay ng anak ko🀣🀣 Pero kidding aside, sabi ni Dra. dapat healthy lifestyle daw. Pero kung ako ang tatanungin, gawa lang ng gawa. Kasi wala namang mawawala eh. Mapapagod ka lang πŸ˜‚ Ako kasi personally, hindi healthy lifestyle ko since working ako at graveyard ang shift ko. Imagine yung stress at pagod. Kaya nagulat lang ako this Jan preggy na ko. May pcos pa din ako. Hindi na kasi yun mawawala. Actually, wala ngang gamot dun eh. Kaya ang inaadvise, healthy lifestyle para mas madaling makabuo. Try and try kung gusto magkababy. Kung ayaw naman at gusto lang ma balance ang hormones, pills lang po katapat.

Magbasa pa

I also have PCOS and even got pregnant twice. But we loss the baby due to miscarriage. Ang ginawa namin is nag pa follicle scan kami pero hindi naman naging epektib sa akin kahit niresetahan na ako ng clomiphene para mabuntis. Hanggang sa nawala na lang din sa isip namin ng asawa ko at hinayaan na lang ang mga pdeng mangyare. But we never loss hope and still have faith kay GOD na mag kababy kami. Unexpected things happen... i got pregnant again and now I am 7mos pregnant. Just dont lose hope and keep on praying kay GOD, naniniwala ako na ibibigay nya sa atin ang mga wishes natin sa takdang panahon. ;)

Magbasa pa

nun nalaman ko po na may PCOS ako dat was 6yrs ago cnabihan ako ng OB ko na mahihirapan ako magbuntis so cnuggest nya n aucn namin un regla ko para umayos un matres ko. last yr triny ko un keto diet tas nagzumba ako at home un mkkta mo lang n mgs zumba on utube 1kg palang nababawas sa weight ko after nun nabuntis nako. ngaun 37weeks nako.. my perfect timing tlaga c God sa lahat ng bagay. 32 y/o nako now buti at nabuntis pako .. stable naman kami ng hubby ko sa jobs namin.. basta wag ka mgapastress and tell ur OB na want mo n magbuntis malaking help dn un.

Magbasa pa